Flashback
"Nakakainis naman, ngayon na sana tayo aalis e."

"Okay lang na hindi natuloy basta ibalik lang iyong mga pera natin, 'no!"

Lahat ng madadaan ko ay puro mga third year students na nagagalit, nalulungkot, at naiinis dahil sa biglaang desisyon, idagdag mo pa iyong mga pera namin na hindi pa nababalik at hindi namin sigurado kung maibabalik pa.

"Alam mo, as in umiyak talaga ako nang todo kagabi. Nakakainis na nakakalungkot e." Chika ni Missy.

"Halata naman sa mga mata mo. Umiyak din naman ako nang sobra, halata nga rin e." Sagot ng kasama nito.

"I'm so emotional right now. Let's just eat, El, pampawala ng stress at sakit." Mabilis niyang hinatak ang kamay ko at iniwan ang kaibigan nito.

Pagpasok sa loob ng room, maraming estudyante ang nag-uusap usap dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, at ang iba ay galit at gustong kunin agad iyong mga pera. Nakalapag sa mesa ni prof ang sandamakdamk na ticket na binalik ng nga estudyante ngayon kung kaya't doon namin diniresto at mabilis na lumabas.

"Girls, saan kayo pupunta? Sama ako!" Napatigil kami para linungin iyon nagsalita.

Nitong mga nakaraang araw, nagiging malapit si Greg sa amin ni Missy. Nakikipag-usap kami sa isa't isa at kung minsan ay sumasama na rin sa mga lakad namin katulad ngayon. Tatlo na kami ang magkakasama at lalabas dahil wala namang pasok. Sadyang inihatid lang talaga iyong ticket pero naka-uniform pa rin.

"Nakakapanghinayang talaga. Iyon na 'yon e. Okay na e." Daldal pa rin ni Missy kahit kumakain

Hindi pa rin siya makamove on kahit nasa Starbucks na kami. Kwento nang kwento, nilalabas niya talaga lahat ng hinananakit niya at hindi ko aakaling pati si Greg ay may tinatago rin pala.

"Ako nga ang dami ko nang plano ng mga gagawin ko roon. May kanta na rin akong napili para sa pag edit ng mga videos. Plano ko paman kumuha ng mga litrato at videos tapos edit edit lang." Tahimik lang siya lagi pero ang daldal niya rin ngayon ahhh.

Greg is a really talented guy. No wonder Millie fall for him. At hindi ako makapaniwalang naging close ko siya ngayon lang na dati naman ay kahit mag-usap lang nang matagal ay hindi namin magawa.

"Paasa talaga. Hindi manlang inisip iyong mga pera ng mga estudyante." Sagot ko rin. 
End

Haayyy, nakakainis talaga. Nakakaasar. Sabi ko na nga bang hindi ako aasa nang sobra e.

"Mamaya nalang ulit, bess. May pasok na ako e." Paalam nito agad. We both parted ways with each other. I plan to meet Lance who's at the canteen when I bumped to a friend.

"Saan ka pupunta, El? Ba't ikaw lang mag-isa?" Tanong ng kaharap ko.

Tinaas ko ang kamay at todo kaway kahit nasa harapan ko lang siya. "Hi Abby! Nauna na kasi si Kesha dahil may pasok na siya kaya pupunta ako ng canteen para puntahan si Lance."

Bigla ako niyang pinanliitan ng mga mata dahilan para unti-unting mawala ang mga ngiti ko. Kinabahan ako bigla ngunit mabuti na lamang ay agad niyang iniba ang ekspresyon. Isang mukhang may malawak na ngiti na ngayon ang akong nakikita.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now