"You're safe now. I'll make sure to give you the best care for your recovery. Pambawi ko sa ginawa ng kapatid ko" umiling ako.

"Huwag na" nakakahiya naman kung ganoon. May kasalanan din ako, hindi ako tumitingin sa dinadaanan kaya ako nasagasaan.

"By the way my name's..."

"You can go now Mr. Ocampo" nagulat na lang ako nang makita ko si Papa sa may paanan ng pinto at may galit na expression.

"I understand Sir" humarap muli sa akin ang lalaki. "I'm sorry again. I hope you'll recover soon and don't worry, I'll pay for your hospital fee.."

"Kaya kong bayaran ang lahat. Umalis ka na rito" sambit ni Papa.

"Yes Mr. Arganza. I'm sorry again" sabi n'ong lalaki. Muli siyang tumingin sa'kin bago lumabas ng kwarto ko.

Si Papa naman ay agad na lumapit sa'kin.

"Are you okay? Masakit pa ba ang mga sugat mo?"

"O-opo"

"I'm sorry this happened to you. Pagbabayaran ng lalaking iyon ang ginawa n'ya sa'yo"

"H-huwag na po. N-nasaan po yung driver? Okay lang din po ba siya?"

"He's not here but I already talked to him earlier. Huwag mo na siyang isipin. Ang importante ay ligtas ka na" I nodded. Gusto ko rin siyang makausap, siguro kapag nakalabas na ako ng ospital. Gusto ko ring mag-sorry.

Bigla ko ring naalala ang nanay ko.

"Si Nanay po? Alam na po ba niya ang sitwasyon ko?"

"Oo na anak. Nag-aalala siya sa nangyari sa'yo" tumango ako. Parang gusto kong sabihin mismo sa mukha ng nanay ko na ito ang naging consequence ng pagpayag niya.

"Can I talk to her?" my father slowly nodded his head. Kinuha nito ang phone niya mula bulsa at may tinawagan. Matapos ang ilang sandali ay binigay na niya sa akin ito.

"Nay!" I said on the other line. Wala pang 24 hours kaming magka-hiwalay ay miss na miss ko na siya.

"Diyos ko, hija! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Kung hindi ka pa tumawag ay pupunta na sana ako riyan!"

"Okay na po ako. Uwi na lang kaya ako diyan? Malas ata ako rito sa Manila"

"Nakausap ko na sa cellphone ang doctor na tumingin sa'yo kanina. Ayos ka na raw. Nandyan naman ang Papa mo para alagaan ka. M-magpakabait ka ha. Sundin mo ang utos ng doktor mo"

"Pero Ma..." may sasabihin pa sana ako nang binabaan niya ako ng phone sabay n'on ang pagpasok ni Vince sa room ko.

"Wow. You're still alive! Sayang. Akala ko pa naman ay sa'kin na mapupunta ang mana ni Tito Fernan" he jokingly said.

"Alis ka nga" nakakairita. Halos mamatay na ako pero heto siya't nagagawa pang magbiro.

Ilang araw akong nag-stay sa hospital. N'ong mga unang araw ay hindi ako masyadong makagalaw but thank God kasi nakakalakad naman ako at hindi ako nalumpo.

My father visits me everyday pero hindi siya pwedeng mag-stay ng matagal dahil sa dami ng kan'yang ginagawa. May binilin na lamang siyang kasambahay na pwede kong makasama 24/7. Minsan ay pumupunta rin dito si Vince para manggulo kaya hindi ko siya kinakausap.

"Sige, ibababa lang namin ni Kuya Toto ang mga gamit mo" sabi ni Ate Elba, isa sa kasambahay ni Papa. Kasama niyang lumabas ang isa sa mga bodyguard.

"Sige po, ate" naiwan akong mag-isa sa kwarto. Uuwi na kami ngayon sa bahay at doon na lang kami magkikita ni Papa.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Akala ko ay bumalik si Ate Elba.

The Downfall of VanessaWhere stories live. Discover now