Chapter 3

273 11 1
                                    


Chapter 3



Masakit na masakit ang katawan ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako.

"Ma'am Vanessa!" sigaw n'ong isang bodyguard na papalapit sa'kin.

"A-ang sakit!" daing ko. Ang malas ko talaga ngayong araw.

"I-I'm s-sorry! H-hindi ko ho sinasadya. Let's bring her to the nearest hospital" narinig kong sinabi n'ong lalaking nakasagasa sa'kin.

"Can you move?" the guy asked me. Tanging iling lang ang sinagot ko sa kan'ya.

Walang sabi-sabing binuhat niya ako at ipinasok sa kotse niya. Sumama rin sa'min iyong isang bodyguard ni Papa samantalang yung isa niyang kasama ay bumalik ng mansiyon para ibalita doon ang masamang nangyari sa'kin.

Habang nasa biyahe ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng puting kwarto. May mga benda rin sa katawan ko at ramdam na ramdam ko ang mga hapdi at sakit sa katawan ko dulot ng pagkakabangga sa akin.

"You're awake" pagtingin ko sa right side ko ay may nakita akong hindi pamilyar na lalaki. Katabi niya rin iyong isa sa mga guards ni Papa. Siya ata iyong nakasagasa sa'kin kanina.

"Tawagin ko lang ho ang doktor" sabi nung bodyguard ni Papa at saka lumabas ng kwarto. Naiwan tuloy kaming dalawa n'ong lalaki. Humarap siya sa akin at lumapit.

"How are you feeling?" he asked in a deep voice.

"I-I feel dizzy" it's true. Hilong-hilo pa ako at hindi makatingin ng diretso. Umiikot din ang paningin ko.

"I'm sorry for what my brother did. He was the one who's driving the car." he stepped closer to me. Doon ko nakita ang kabuuan ng mukha niya. Hindi nga siya iyong nakasagasa sa akin kanina.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi mula sa mga sugat ko.

"Are you okay?"

"M-masakit..." reklamo ko. I wonder if Papa already knows about my situation?

"Sir, nandito na ho iyong doctor" sigaw nung kakapasok lang na bodyguard. Perfect timing! Sumasakit kasi iyong mga sugat ko.

The doctor went beside me. The guy I was talking to earlier greeted the doctor.

"How are you, hija?" the doctor asked as he started scanning me.

"M-masakit p-po..."

"That's normal. May painkillers na kaming tinurok sa'yo kaya mawawala pansamantala 'yang sakit na nararamdaman mo. I also advise you to take a rest for few weeks. Wala naman kaming nakitang internal bleeding pero kailangan ka pa ring ma-monitor lalo na't malakas iyong impact ng pagkakabangga sa'yo" I slowly nodded my head.

Dapat pala ay pinilit ko na lang ang nanay ko na huwag akong isama kay Papa. Ganito pa ang napala ko.

"How long will she stay here in the hospital?" tanong n'ong lalaki.

"She still needs to undergo several tests as requested by her father. And she's still under observation kaya there's a possibility that she'll stay here for few days" humarap sa akin ang doctor. "But Ms. Arganza, you're far from danger now. Okay rin ang vitals mo so you don't have to worry"

"T-thank you"

"Thank you, Doc" the guy thanked the doctor before he left.

I remember what the doctor said. He mentioned my father. Ibig sabihin ay alam na ni Papa ang kalagayan ko. Nasaan kaya siya?

The Downfall of VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon