Chapter 1

394 12 1
                                    

Chapter 1


I grew up in a broken family. Hindi pa ako naipapanganak ay naghiwalay na ang mga magulang ko. Naiwan ako kay Nanay at ang Papa ko naman ay once a year ako kung bisitahin.

"Ayos na ako sa buhay ko Nene. Hindi ko kailangan ng boyfriend" my mother answered after asking her the possibility of entering a romantic relationship again. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Papa. At kapag binibisita ako ni Papa ay madalang lang silang mag-usap ni Nanay.

"'Nay, kailangan mo rin ng nagpapakilig sa'yo. Okay din naman sa'kin kung magka-boyfriend ka." I won't be like those evil daughters who are against to their parents finding a new love.

"Ah basta. Wala na akong pakialam sa lovelife ko"

"Or maybe you're still in love with Papa? Tama ba ako?"

Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo.

"Matagal na kaming wala. Ayokong pumasok sa mundo niya at ayaw niya ring pumasok sa mundo ko kaya mas mabuti nang huwag na lang namin ipagpatuloy ang kung anumang mayroon kami." pwede namang Yes or No ang answer, pinahaba pa niya. Si Nanay talaga.

"Okay..." ilang beses kong sinubukang pagbatiin sila pero mukhang malabo na talaga. "Tulungan na po kita sa Lesson Plan mo"

Palagi ko siyang tinutulungan sa trabaho niya. Public school teacher kasi siya at kapag may free time ako, ako na ang gumagawa ng Lesson Plan niya pati na ng mga Visual Aids at Powerpoint Presentation na kakailanganin niya sa pagturo.

Dito ako sa Legazpi lumaki. Dito rin lumaki si Nanay pati ang mga kapatid niya at kahit na anong pagpupumilit ng Papa ko na sumama ako sa kan'ya ay hindi ko magawa kasi hindi ko kayang mahiwalay sa kanila.

Maagang natapos ang klase ko dahil maaga kaming pinauwi ng prof namin. At imbes na gumala pa ay pinuntahan ko na lang si Nanay sa school na tinuturuan niya. Tamang-tama rin kasi tapos na ang klase niya at tinatapos na lang ang mga pending niyang Lesson Plan.

"Huwag na. Tapos na rin ako. Hindi ka ba hinahanap ng boyfriend mo? Baka hiwalayan ka n'on" pabiro niyang sabi sa akin.

"Hindi po. Alam niyang kasama kita" I have a loving boyfriend. We're in the same age at kaklase ko rin siya sa private university na pinapasukan ko. Next week will be our fifth monthsary at ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para sa ireregalo ko sa kan'ya. He courted me for two months at sa tingin ko naman ay enough na iyong dalawang buwan para para ipakita sa akin na sincere siya.

"Huwag mo ring nilalabas-labas iyang cellphone mo. Baka madukutan ka. Lagot ka sa tatay mo kapag nawala iyan" tinago ko sa bag ko ang latest model ng iphone na pinadala sa akin ni Papa last month.

Kung anu-ano ang pinapadala sa akin ni Papa at si Nanay minsan ay hindi na natutuwa. Hindi naman ako humihiling kay Papa, kusa niya itong binibigay kaya tinatanggap ko na lang. Siya din ang nagpapaaral sa akin kaya ako ngayon naka-enroll sa isang private university.

"Hindi naman ako pabaya sa gamit" I said.

"Kahit na. Marami diyan ang mandurukot. Tingnan mo sa may gate kung nandyan na ang Tiyo Owel mo nang makauwi na tayo" utos niya sa'kin.

"Sige po" tumayo ako at lumabas ng classroom niya. Si Tiyo Owel ay kapatid ni Nanay. Lima silang magkakapatid at ni isa sa kanila ay walang naging asawa. Kaya madalas magbiro si Mama na mabuti na lang ay nagkaanak siya.

Hindi ko alam kung ano ang story ng mga Tita at Tito ko. Sila pa nga ang nagbibiro sa akin na baka matulad ako sa kanila pero imposible iyon dahil may boyfriend na ako. Matagal pa pero I can already see myself marrying him ten years from now.

The Downfall of VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon