"Wow! Nahiya naman ako sa iyo! Ikaw nga 'tong med student na inom din ng inom eh!"

"I drink with moderation unlike you," nakangising saad niya, inirapan ko lang siya.

"Nahihilo ako," daing ko dahil umatake na naman ang hilo ko.

"Kulang ka lang sa dugo, sandali ikukuha kita," saad niya at muli akong iniwan.

"May gamot ka?" Tanong ko kahit pa obvious naman na mayroon.

"Hindi, dugo kukunin ko para sayo," sarkastikong saad niya.

Sa inis ay binato ko sa kanya ang unan na nasa tabi ko, na agad naman niyang nasalo.

Nakainom ako ng gamot, hindi na ako nagtatakang may gamot na ganon si Dylan, kulang na nga lang maging stock room ng gamot itong condo niya .

Inaya niya din akong kumain, hindi na ako tumanggi dahil nanglalata talaga ako at baka hindi na ako umabot kapag sa condo pa ako kumain.

"You look skinny," puna niya habang kumakain kami.

"Excuse me, I'm not skinny I'm sexy," saad ko sa kanya.

Nakita ko naman ang kanyang pag ngisi at inilibot ang tingin sa aking katawan, nagtagal ang kanyang tingin sa aking dibdib at napailing.

"Nag dadiet ka na naman? Hon, starving is different from dieting," pangaral niya sa akin.

Napanguso ako dahil alam na alam niya.

Sa lahat ng naka MU ko, siya ang pinaka nagtagal. Kung hindi lang talaga siya masiyadong busy noon ay baka na fall ako sa kanya.

Bukod sa understanding niya at talagang sumasabay sa mga trip ko, napaka maalaga niya pa. Noon ay halos araw araw niya akong dinadalhan ng lunch tuwing free time niya kaya lang naging busy siya at nawalan kami ng time sa kalandian namin.

Kung di lang din 'to ghosters eh baka naging kami nito. Ang hirap sa mga med minsan nang go-Ghost na lang bigla.

Kung kaylan ka ma a-attach na ng bonggang bonga saka ka iiwan sa ere.

"I want to maintain my figure," saad ko at kumagat sa french toast na hinanda niya.

"You can maintain your figure with proper diet and exercise, you don't need to starve yourself because it won't help." Seryosong saad niya habang nakapatong ang siko sa lamesa at pinapanood akong kumain.

I feel butterflies in my stomach because of his stares.

Inirapan ko siya dahil pati pagsubo ko ay pinapanood niya, tutok na tutok. Akala mo isang pelikula ang pinapanood.

"Yes Doc," Irap ko sa kanya, I intentionally moaned the last word to see his reaction, his eyes became a shade darker.

He smirked showing his boyish grin.

"Do you want to play doctor? I'm the doctor and you're may patient," hindi ko inaasahan ang sinabi niya pero nginisian ko siya.

Akala niya ba papatalo ako sa kanya?

Sumandal siya sa upuan with his legs wide apart, mas pinalalim niya ang kanyang titig sa akin.

Damn this man!

"Hindi mo ako kaya Doctor," saad ko, at tinatapatan ang titig niya.

Tumikhim siya at umiling.

"You're still seductress as before," saad niya bago muling sumimsim sa kanyang kape.

"And you're still hot as before," ngisi ko sa kanya.

"Then, why don't we try again? Us?" Nakataas ang kanyang kilay.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now