Prologue

179 8 7
                                    


Trigger Warning: This story contains scenes and language that some readers may find it disturbing and traumatizing especially for minor or younger readers, including sexual assault, violence and self-harm. Reader discretion is advised.

Diary;

   Today I heard my father and H talking about my pet rabbit. Father said he found it lifeless inside his cage, covered with its blood. The poor creature was beheaded and slaughtered, some of his internal organs were missing. I also heard that one of our maids found his head inside the refrigerator. I should feel sad right? But I felt nothing. I wonder if he will go to heaven or rot in hell.

   I want to go outside, but my father didn't let me leave this dark and quiet room. I don't know his reason, maybe he doesn't love me. Someday I'll be free and if that day comes...

No one can stop me from doing the things that make me happy. 

                                                  Loved,
                                                   by no one

Ngumiti ako pagkatapos isulat ang mga nais kong isulat sa diary. Dahan-dahan ko itong sinara pagkatapos ay itinago sa ilalim ng aking kama.

Aayos na sana ako ng tayo nang mahagip ng mata ko ang maliit na kutsilyo na matagal ko nang kinuha sa kusina nang minsang umuwi si mama sa mansion. Mas lalong lumaki ang pagkaka ngiti ko dahil sa ganda at amoy ng dugo na nakabalot dito, idagdag pa ang mga puting balabiho na naiwan.

Narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pintuan ng aking silid kaya agad-agad kong kinuha ang isang maliit na unan atsaka tinakip sa maliit na kutsilyo. Sasaktan nanaman nila ako kapag nakita ito, ayoko no'n dahil hindi naman ako nakakaganti.

Inayos ko  ang sapin ng kama  bago tumayo. Habang abala ako sa aking ginagawa, biglang nagliwanag ang paligid kaya lumingon ako sa gawing bintana.

A lightning..

Ilang segundo lang ay dumagundong ang malakas na kulog. Natulala ako rito at pinanood ang malakas na ulan. Hinintay ko ang mga susunod pang  kidlat ngunit natauhan ako
nang kumatok nanaman ang tao sa labas ng aking kwarto. 

Binalik ko ang ngiti sa aking mga labi bago masayang dumiretso sa pintuan. Oras na siguro ng pagkain ng hapunan. Hinalo kaya ng maid ang ulo ng rabbit na nakuha niya sa ref? Hindi pa ako nakakakain ng gano'n pero parang gusto kong masubukan.

Nang marinig ang pagunlock ng pinto, inunahan ko na siya at binukas  na ito gamit ang maliit kong kamay. Agad kong pinaka kita sa aming maid ang matamis kong ngiti ngunit malamig na tingin lamang ang tinugon niya sa'kin.

Dumiretso ito sa loob kaya sumunod naman ako.

Nakatayo lamang ako sa kaniyang likuran habang abala ito sa paglalagay ng pagkain ko sa centered table. Palagi na lamang ganito ang itsura niya kapag nagdadala ng pagkain sa akin, bakit kaya? Hindi ko alam kung galit ba siya sa'kin o ano. Hindi kaya pagod lang siya dahil palagi siya inuutusan ni papa? 

 Marahang dumako ang tingin ko sa gawi ng kama. Maybe I should help her.

Habang nakatalikod siya sa akin ay mabilis akong yumuko at inabot ang kutsilyo sa ilalim ng kama. Malagkit ang hawakan nito dahil na rin sa dugo, bakit ba nakalimutan ko itong linisin? Ang sabi pa naman sa akin ni mama, lagi ko raw linisin ang mga gamit ko kapag marumi na ang mga ito. 

Tinago ko ito sa aking likuran.

"Yaya, can I ask something?" mahinang tanong ko rito kaya napukaw ko ang kaniyang atensyon.

Lumingon siya sa akin, nakakunot ang medyo kulubot nitong noo. Bago pa ako ipanganak ay naninilbihin na siya sa amin kaya halos nasubaybayan na nito ang aking paglaki. Pero sa buong taon na lumipas, kahit kailan ay hindi man lang niya ako nginitian. 

Lunatic's LoveWhere stories live. Discover now