Chapter 3

1 0 0
                                    


Pinipilit kong maging okay habang kumakain kami. Panay din ang lingon ko kay Hazel habang kumakain ito.






Chicken combo. Napangiti ako ng maalala na naman ang alaala'ng hindi na dapat binabalikan.







"Sierra? A-Ang sarap nito. Hehe! Thank you ah!" napangiti ako ng manotice na may hawig sila sa ugali.






"Haha! Sabi sayo eh!" yun nalang ang nasabi ko bago tapusin ang pagkain namin. Nag-paalam na din ako sa kanila bago tinungo ang washroom.








Humugot ako ng malalim na hininga bago hinarap ang sarili ko sa salamin.






"Move on Sierra. Matagal ka na niya'ng iniwan" sabi ko bago maghilamos. Pagkatapos ng insidente'ng yun ay hindi na nagparamdam sakin ang pamilya niya. Hindi din naman ako nila sinisisi dahil sa nangyari sa kanya.






***





"Oh. Alam ko naman na naalala mo naman siya. Move on Sie. Ikaw nalang ang hindi nakatakas sa madilim na nakaraan" agad na tumalikod si France bago sabihin ang mga salitang yun. Napayuko ako habang tinitignan ang panyo na binigay niya. I smiled. Hindi dapat ako nagkakaganito.






"L-Leave Sierra, I-I w-want you to l-live"






"Woi" sa tono ng tumawag na yun ay hindi na akong nag-abalang lumingon.






"Bakit ba ang sungit mo sakin?" tanong pa nito kaya hinarap ko siya. Wala akong ideya kung bakit dikit ng dikit sa'kin ang lalakeng 'to.






"Pakitanong yung sahig"






"Ba't ko tatanungin ang sahig?" taka nitong tanong at bahagya pang nakatagilid ang ulo nito. Slow like a turtle.






"Baka alam niya"






Dinalian ko nalang ang paglakad hanggang sa makarating kami sa classroom ay panay ang pangungulit nito.






"Haze" agad na nagulat si Hazel ng tawagin ko siya. Kitang-kita ko naman ang paglaki ng mata niya.






"B-Bakit?" nahihiya nitong tanong. Tinuro ko ang panyo niyang nahulog. Agad naman niya itong pinulot saka ako pinasalamatan. Hindi ko alam kung bakit nabobored na naman ako. O sadyang wala lang talaga ako sa mood.








"Sie." malamig ang pagtawag ni France sakin kaya nginitian ko siya. Ayan na naman siya sa banta niya.







I pursue my lips saka kinuha ang earpods ko. I need to refresh my mind before talking to anyone. Ayoko'ng masigawan sila just because of bad mood.






Napansin ko na wala pa naman ang teacher. And the bell, hindi pa naman ito nag-ring. So i decided to go to the cafeteria and buy ice cream.







"Bad mood?" napaigtad na naman ako ng marinig ang boses ng kinaiinisan ko. Bakit pati dito sinusundan ako neto?







"Alam mo para ka'ng kabute" inis kong sabi. Umupo naman siya sa harap ko saka nag-cross arms.







"Why naman?" i notice na he's being conyo or sinasadya niya talaga.







"Lagi kang sumusulpot ng biglaan" saad ko saka nilantakan ang ice cream na hawak ko. Hindi siya nagsalita at pinapanood lang ako habang kumakain. Anong trip neto?







"Bumili ka ng sa'yo dun kung gusto mo din kumain neto" sabi ko saka inubos ang natitirang cone. Nginitian niya ako.






"Uh" nagulat ako ng bigla siyang maglabas ng tissue saka pinahid ang gilid ng labi ko.







"Ang kalat mo palang kumain" nakangiting sabi nito. Inirapan ko nalang siya.







"Marunong naman akong linisin ang sarili kong kalat." saad ko saka tinignan ang oras bago tumayo para bumalik ng classroom.






At syempre, eto nama'ng buntot ko ay sumunod at hindi na nagsalita pa dahil na-notice din na wala ako sa mood. I know he's nice, but medyo creepy naman ang pagka-nice niya kung lagi siya'ng biglaan kung sumulpot.








***






"Sabay na tayo'ng umuwi?" tanong ko kay Celestine saka kay France. Tumango naman sila.






Pareho lang ang street namin ni Cel pero mga 5 blocks pa ang layo ng bahay namin at yung bahay naman nila France ay medyo malayo pa sa bahay namin nina Cel.








"Gusto mo 'bang sumabay sa'min, Haze?" nagulat ako ng inaya ni France si Hazel na sumabay sa'min.







"Ah, huh? P-Pero s-sa Melany Village ako nakatira"






Nagkatinginan naman kami'ng tatlo ng mapagtanto na iisa lang ang village namin.







"May bike ka?" tumango naman si Hazel kaya napagdesisyonan namin na isama nalang siya.







I don't know but i have this wierd feeling na wag masyado'ng makipag-attach kay Hazel. I see her as a friend, but my instinct said na wag makipaglapit dito. Di ko alam pero nagdududa ako sa pagkatao nito. Im not being judgemental. I just had this wierd feeling na hindi ko maipaliwanag.







Kanina okay naman ang pakikitungo ko sakanya. But because of this feeling i distance myself from her. She looks innocent though, but looks can be decieving.







"Woi. Tulala ka dyan, sabi ko tara na!" napabalik ako sa realidad ng kalabitin ako ni Celestine.







"Sasama na'tin to?" tanong ko ng makita si Brandon sa gilid ko. Lumapad ang ngiti niya at tinuro si Celestine.







"Inaya niya ako" sabi nito kaya napakunot naman ang noo ko.







"May masama ba?" inosenteng tanong nito kaya napabuntong hininga ako saka inunahan sila sa paglalakad.






Dinig ko din ang bulungan nila hanggang sa parking lot.







"Don't be too obvious June. Pareho lang tayo ng nararamdaman sa kanya" bulong ni France sakin. I looked at her at sinenyasan ako na manahimik. Nagtaka ako sa inasta nito. I don't get her.







Once she call me June i know na seryoso siya. And something came up my mind.







Si Hazel








"Just act as usual. Wala nama'ng masama. If she is in acting why don't we play and act with her?" agad na nagtayuan ang balahibo ko sa bulong nito. She's right. Act with her.







I smirked before asking them.







"Maaga pa naman. Why don't we grab snacks?"






Agad naman nila sinang-ayunan ang plano ko. France looked at me bago sumakay sa bike niya. Pareho ang laman ng isip namin at ayun sila hindi alam ang plano. That's why i like to do things with France cause we both know what to do without talking. Hindi man kami magkapatid but, our thoughts are the same most of the time.






Bago palang nag-simula but we already smell something fishy na agad. Speeeed!


















-BlueSkies

Savannah AcademyWhere stories live. Discover now