Chapter 2

6 0 0
                                    







Sierra’s POV.








"Goodmorning everyone" bati nito at agad akong nagulat ng mapansin kung sino ito. Nagkatinginan din kaming tatlo nina France at Cel.







"Goodmorning Ms. Montefalco. Mind if I ask why are you late?" tanong ni Sir sa babaeng bagong dadating or let me say ang babae kanina sa powder room.








"I-I was stuck in the powder room po. I w-was b-bullied p-pero t-tinulungan po a-ako nila" paliwanag nito saka tinuro kaming tatlo. Nanlaki naman ang mata kong napatungo.








"Ocampo? Aguirre? Buenavista?" tawag ni Sir kaya napatayo kami.







"Nakipag-away kayo?" tanong nito kaya napailing kami.









"How did they helped you?" tanong ni Sir kay Ms. Montefalco. Wala talaga'ng tiwala 'tong gurang na 'to samin. Tsk!








"Tinakot po nila na magsusumbong sila pag di tumigil yung mga bullies. And they also lend me their extra uniform" nakangiting paliwanag nung babae kaya napahinga ako ng maluwag. Buti naman at di niya sinumbong na sinampal ko yung uod.








"Those bullies did that bruises?" tanong ni Sir saka dahan dahang tumango ang babae.








"Kilala nyo ba ang mga bullies na yun?" tanong ni Sir samin. Tumango naman ako dahil kilala ko yung tatlong uod na yun.







"Names?"








"Yung section lang po. Section Apollo" sagot ko. Kung di ako magkamali nakita ko na sila noon sa flag ceremony.









"Thank you Secretary" pasasalamat ni Sir. Ayhu! Talagang tinawag pa ako sa position ko. Nginitian ko lang ito saka umupo na kami.









"Uhh! Hello. Im Hazelraine Montefalco. 15 years old." pakilala nito bago pinili ang upuan sa tabi ko. Napangiti naman ako.










"You can wait for your next teacher. I'll just handle some important matters. Sec, follow me" agad akong tumayo at sumunod kay Sir. Tinungo namin ang Section Apollo at di nga ako nagkamali dahil tanaw ko na ang mukha nung leader na uod.









"Good morning Ms. Criselda. I hear some news na may binully ang student mo." kumatok muna si Sir bago nagsalita. Nakatanaw din si Ms. Criselda samin. Ang adviser ng Section Apollo. Bata pa ito kumpara sa ibang teacher's. Kaya sila pinartner ni Sir. Hans (adviser namin) dahil sila ang shiniship ng students.









"Huh? Class do your work. I'll just talk to Mr. Hans" wika nito bago lumabas para makausap ng matino si Sir. Sinilip ko naman ang leader ng uod na mukhang balisa habang nakatingin sakin. Matamis ko naman siyang nginitian.









Savannah AcademyWhere stories live. Discover now