Ayokong malagay pa siya sa alanganin lalo pa at "pangit" na nga ang tingin ng pack members niya sa kaniya dahil sa pakikihalubilo niya at nina Tita Ophelia sa akin.

Their Elders are ruthless. Their Alpha Prince too. Le'Clos pack members are no exemption.

This is my battle. So I need to straighten my shit out.

"Tell me, Naia.." Pilit niya pa rin akong kinukumbinsing magsalita pero nagpasiya na akong pairalin ang pagkakaroon ng tengang-kawali.

He sighed again then shaked his head. Disappointed because I chose to ignore his plea.

"Aw!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa biglaang paggalaw niya sa injured kong paa. He dismissed it then resumed his 'business' on me again.

Pigil-hininga akong napakapit sa ulo niya at sinambunutan siya dahil sa hindi ko makayanang tiisin ang sakit.

Obvious na gumaganti siya gawa nang hindi ko pagsabi sa kaniya nang totoo.

Ilang minuto pang ganoon ang sitwasyon namin bago niya maibalik sa ayos ang nadislocate na buto.

Pulang-pula na nga rin ang mukha niya gawa nang mahigpit kong pag-kapit sa buhok niya, to the point na gusto ko nang bunutin ang mga iyon dahil nananadya talaga siya!

"You were doing it on purpose huh?" Komento ko nang ibinaba niya na ang naayos kong paa at tumabi na sa akin.

Sa kaliwa ko siya pumuwesto at isinandal niya rin ang kaniyang likod sa shelf.

"Kung may nabasag mang buto, kusa na iyong maghi-heal. Nakadepende na nga lang iyon sa healing process ng katawan mo."

Ngumuso ako dahil sa 'di niya pagpansin sa sinabi ko. Isinandig ko ang ulo ko sa shelving at inilipat ang tingin sa ceiling ng library.

"Thank you." ani ko nang mapagitnaan na kami ng katahimikan.

"You're always welcome, Naia." Mabilis niya namang tugon.

Matapos iyon ay wala nang nagsalita sa amin.

Akala ko ay magtutuloy-tuloy pa ang katahimikang pumagitna sa amin ngunit mabilis itong binasag ni Noah.

"He really imprinted his scent all over your body.." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero may bahid iyon ng diin.

Napalingon tuloy ako sa direksyon niya at maingat na nagtanong, "Who?" Kahit na alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

Hindi niya ako nilingon pero mabilis niyang binitawan ang mga salitang Alpha Prince.

Ang diin na sumabay sa boses niya ay parang halo ng galit at inis. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ganoon ang tono niya ngunit siya na rin mismo ang kusang nagbigay ng sagot.

"I don't really like your setup, Naia."

So do I. Pero wala akong choice. Mas lumala na ang problema namin at ang solusyon na lang doon ay ang magtiis.

"Don't get me wrong. I don't bear any grudge towards our Alpha in general, but the fact that the temporary bond between the two of you got its turning point, I just can't help but to feel sorry for you, Naia."

Mapait akong napangisi sa mga binitawan niyang mga salita. Yes, I do feel sorry for myself too. I was threw in a whirlpool of complexity, heck, I do not even know anymore where to stand. Everything is a push and pull. Contradiction. And if I tried to step forward, I will be facing three times of  consequences.

"You're tough, but you're in a situation that is duly influenced by your forced bond with the Alpha.." Yumuko siya at pinagmasdan ang mga palad niyang nakakuyom saka nagpatuloy.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz