Marriage Booth

12 9 0
                                    

THE TEARS IN UNCERTAINTY
seremadea's Short Stories Compilation presents:

MARRIAGE BOOTH

(Hacienda Almario: 1883)

Isang nayuping papel ang biglaang pumasok sa aking silid ngunit hindi ko iyon binigyang atensyon. Nakatingin lamang ako sa aking sariling mukhang detalyadong naka-replika sa salamin. Nakangiti habang inaayos ng aking marikit na kaibigan ang aking buhok.

Ito ang isa sa magiging mga pinakamasayang araw na mangyayari sa aking tanang buhay dito sa mundo. Matagal ko na itong hinintay at nakakasiguro akong iyon din ang sa aking mga mahal sa buhay. Pagkatapos nito ay panibagong mundo na naman ang aking kakaharapin. Napangiti ako sa mga isiping iyon.

"Hindi mo man lamang ba gagalawin ang papel na pumasok sa iyong kwarto, Kriselda?"  Tanong sa akin ni Anastasia. Tiningnan ko naman siya sa kanyang mga mata sa pamamagitan ng salamin. "Malay mo aking kaibigan, baka may laman na mahalagang mensahe o hindi kaya ay isang sulat ang papel na iyan at hindi basta na isang ligaw na papel lamang."

Bumuntong-hininga naman ako at nilingon siya ng tuluyan, "Para saan pa, Anastasia? Masasayang lamang ang aking oras kapag akin pang uusisain ang isang bagay na sa aking palagay ay wala namang halaga." Tugon ko sa kanyang mga salita.

"Kung iyong susubukan ay wala namang masama, Kriselda." Sabi pa niya. "At isa pa, sobrang sagwa pakinggan na ang pagsisimulan ng ating magiging sagutan ay dahil lamang sa isang kapirasong papel." Natatawa niya pang dagdag.

Ngumiti na lang ako dahil sa mga sinabi ni Anastasia. Binaybay ko na ang daan papunta sa gilid ng aking kama kung saan dumapo ang papel na pinipilit ng aking kaibigan na aking alamin. Nilingon ko naman siya habang hawak ko na ang papel.

"Heto na, hawak ko na." Sabi ko pa.

Itinakip naman niya sa kanyang mukha ang kanyang dilaw na abaniko at alam kong ang dahilan niyon ay upang itago niya ang kanyang ngiti. "Ano na, Kriselda? Ano pa ang iyong hinihintay? Iyo nang bilisan baka mahuli pa tayo sa simbahan." Nakakabaliw ang kaibigan ko na ito.

Binasa ko na muna ang huling bahagi ng mga nakasulat at gulat na napalingon kay Anastasia. Bigla akong kinabahan. "Bakit? Ano ang mayroon at parang ang tindi ng iyong pagkagulat, Binibining Kriselda?" Kanya pang usisa.

"Ang sulat na ito ay galing kay…" Napatigil ako.

Lumapit naman sa akin si Anastasia, "Kanino Kriselda? Iyo nang sabihin dahil maging ako ay kinakabahan na rin." Nabasa ko nga ang pangamba sa kanyang mga mata kaya totoo ang kanyang sinabi.

"Ang sulat na ito ay nanggaling kay, Maria." Tugon ko pa na ikinanlaki ng kanyang mga mata.

Napatayo naman siya at naglakad nang pabalik-balik sa parteng malapit sa pintuan, "Ano? Paano na ito baka may gawin siyang masama at baka may balak siyang hindi kaaya-aya Kriselda."

"Iyon nga rin ang aking pinag-aalala." Sagot ko at itinapon ang sulat.

Nilingon ko naman si Anastasia, naka-upo na ito sa aking kama. "Bakit mo itinapon?"

"Baka maging pariwara lamang ako sa aking mababasa. Hindi ko na nais pang bigyan ng pag-aalala ang mga dadalo mamaya." Sagot ko kay Anastasia.

The Tears in UncertaintyWhere stories live. Discover now