Papel

10 8 0
                                    

THE TEARS IN UNCERTAINTY
seremadea's Short Stories Compilation presents:

PAPEL

NAGMAMADALI akong lumabas ng bahay upang maabutan ang traysikel na kinontrata ni Papa para ihatid ako sa Hollington. Bwisit naman kasing paaralan 'yon eh. Masyadong malayo! Psh. Muntikan pa akong mabangga sa TV kaya nginitian ko na lang si Papa na saktong nanonood ngayong umaga. Ang galing, sana lahat pwedeng manood.

"Kyla?" Nagbabanta ang boses niya kaya malapad ang ngiti ko siyang nilapitan at agad na nagmano.

Humagikhik pa ako ng kaunti, alam niyo na!  "Ayos lang naman siguro 'yon Pa, hindi po ba? Hindi ko naman talaga nabangga eh. Hehehe. Hindi nahulog kaya hindi nasira, hindi naman na-salvage Pa, peace?" Inilahad ko kaagad ang kamay ko sa harapan niya at nagpa-cute. "Pa, hehehe, wala pa po akong baon."

Bumuntong-hininga naman si Papa kaya nakagat ko ang labi ko, "Oo na. Oo na. Eto oh, ayos na ba 'yan?" Binigyan naman ako ni Papa ng bente-singko.

"Ayos na ayos po Pa!" Sagot ko naman at sumaludo sa kanya. "Salamat dito, Pa.

Pinahiran niya muna ng bitbit niyang tuwalya ang noo niyang may namumuo ng ilang butil ng pawis, "Wala ka na bang ibang bibilhin na kailangan mo sa eskwelahan?" Umiling naman ako at isinuot ang school shoes at ID ko. "Sabihin mo lang dadagdagan ko pa."

"Wala naman po, Pa." Diretso kong sagot at pumunta sa kusina. Agad kong isinilid sa bag ko ang lunchbox ko dahil mahirap na. Ayaw kong gumastos sa paaralan para lang sa pananghalian gayung tama lang 'tong pera ko para sa break at para mamayang hapon pauwi. "Alis na ako, Pa!" Nakangiti kong sabi.

Nagulantang naman ako dahil walang tao sa sala. Dumungaw ako sa labas at napakamot na lang sa batok nang makitang nasa labas na si Papa at nakikipag-tsismisan sa driver. Nako naman! Eto talaga si Papa dinaig pa ang pagiging tsismosa ni Mama. Ewan ko kung saan ako nagmana eh ang tahimik ko naman—minsan.

"Good morning, Kyla!" Bati sa akin ni Nadia nang makalapit ako sa traysikel.

Nanlaki naman ang mga mata ko, "Hi Nadi! Good morning, Bes!" Bati ko pabalik at patalon-talon na pumunta sa kanya pero nabalik at humalik kay Papa.

"Alis na ako, Pa!" Paalam ko ulit.

"Hmmmm." Tugon niya. "Oh pre? Ikaw na ang bahala sa anak ko 'ah? Mag-iingat ka sa pagmamaneho, hinay-hinay lang." Sabi naman ni Papa na ikinatango ng driver namin at may sinabi pang iba pero hindi ko na pinakinggan.

"Bes, adjust pa Bes, adjust." Yurak ko naman kay Nadia dahil gusto kong sumingit dito sa harapan dahil puno na rin naman ang likod.

"Yuck, Bes? Kaliit-liit mong babae eh—"

"Malaki pwet ko, Bes." Singit ko naman kaya bahagya niya akong kinurot. "HAHAHA! Ewan ko sa'yo, burara ka talaga." Binelahtan niya na lang ako kaya binelahtan ko rin siya pabalik.

Tsk. May motto naman kasi ako 'no, give and take!

Isinuot ko ang mask ko habang nasa biyahe. Nasa gilid pa naman ako kaya sobrang expose ng mukha ko sa alikabok ano. Ayaw ko kayang umagang-umaga buhaghag ang mukha ko, baka hindi na talaga ako mapansin ng crush kong si Phoenix at baka kahit hindi niya pa ako gusto ay ma-turn off na siya at hinding-hindi na lalapit sa akin! Ayaw ko kaya nang ganoon dahil ultimate crush ko siya since primary school, gano'n! Kaya kung madi-discourage siya sa'kin babagsak talaga ang Mars sa solar system.

The Tears in UncertaintyWhere stories live. Discover now