KABANATA 4

229 47 8
                                    

Itim na itim pa ang ilalim ng mga mata ni Liam nang bumaba siya mula sa kaniyang silid upang sabayan ang kaniyang pamilya sa pagkain ng agahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Itim na itim pa ang ilalim ng mga mata ni Liam nang bumaba siya mula sa kaniyang silid upang sabayan ang kaniyang pamilya sa pagkain ng agahan. Nag-alala naman si Minerva sa isiping nagpuyat na naman ang kaniyang anak dahil sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isipan nito.

"Good morning, everyone! Magandang araw, magandang buhay!" masiglang bati niya at naupo kaagad para makisalo. Nagkatinginan naman ang mag-asawa na parehong nagtataka sa ikinikilos ng anak.

"What's good about the morning? Bakit mukha kang panda na hindi kumain sa loob ng tatlong araw, Kuya?" tanong ni Leanna sa kaniya. Kahit na naguguluhan siya sa inaasta ng kapatid ay natutuwa pa rin siya dahil sa wakas ay nagawa na ulit nitong ngumiti.

"Nagpuyat ka na naman ba sa kakainom?" Si Lester naman ang nagtanong sa kaniya.

"Dad, mukha ba akong may hangover?" retorikal na tanong nito.

"Sir, gusto niyo po ba ng gatas?" tanong naman ni Sabrina sa kaniya habang nagsasalin ng gatas sa baso ni Leanna.

"Of course, not. Para lang sa mga bata 'yan, I'm already a grown up man," masaya pa ring ani Liam at tumusok ng hotdog na kinain niya nang isang subuan lang.

"Teka nga, can you please tell me what's going on? Hindi naman sa hindi ako masayang bumalik na ang sigla mo, nagtataka lang talaga ako sa mga ikinikilos mo," sambit ni Minerva. Natutuwa siya na hyper na ulit ang anak pero hindi niya mahulaan kung ano nga ba ang dahilan nito.

"Well, you should thank your daughter for that," turan ni Liam na tatango-tango pa habang tinitikman ang almusal nilang corned beef.

"Si Leanna? Anong ginawa niya?" nagtataka pa ring usal ni Minerva.

"Kuya, did you read the novels?" Biglang nagliwanag ang mga mata ni Leanna.

"Yes, matatanggihan ko ba naman ang request mo? And guest what..." pabitin nitong sambit.

"What?" interesadong tanong ni Leanna.

"I enjoyed them a lot. Kaya mukha akong cute na panda ngayon ay dahil binasa ko lang naman magdamag ang isa sa mga iyon," kwento ni Liam na siyang ikinatuwa ni Leanna. Masyado kasing naaliw si Liam sa pagbabasa kaya hindi na niya namalayan ang oras. "They helped me to escape from the reality."

"Seryoso ba 'yan? I thought, you don't like books," hindi makapaniwalang ani Minerva.

"That was before Leanna introduced those love stories to me," abot tenga ang ngiting wika ni Liam.

Nawiwirduhan sila sa bagong hilig ng anak pero hinayaan na lamang nila ito dahil mukhang masaya naman siya rito at marami ring magandang maidudulot ang pagbabasa. Isa pa, mas lalong mapapalapit ang loob ng magkapatid sa isa't isa kapag may isang bagay na pareho nilang kinahihiligan. Lingid sa kaalaman ni Leanna, alam ng mga magulang niya ang tungkol sa balak niyang magsulat ng mga nobela. Kilalang-kilala nila ang kanilang anak kaya nababasa nila ang mga ikinikilos nito.

My Love from 18th Century [COMPLETED]Where stories live. Discover now