Napahawak ito kaagad sa kanyang dibdib bago umakto na tila nasaktan. "Dyan ka magaling ma'am. Pagkatapos mo akong gamitin, itataboy mo ako na parang hindi mo ako napakinabangan," pailing iling muna ito bago nagpaalam at itinulak na ang cart palabas.

Minsan talaga mga baliw na rin ang mga kasamahan ko rito sa trabaho e.

Wala man masyadong gana ay pinilit ko pa ring kumain. Tinitignan ko rin ang phone ko ngunit wala naman akong nabasang kahit ano na nag aaya ang mga itong lumabasa maliban kay Andrea na nagmessage at nagtanong kung okay na raw ba ako.

Nang matapos ay iniwan ko na roon ang aking pinagkaininan lalo pa nga't alam kong anumang sandali ay darating na din ang housekeeping.

Nang magising si Rikana at binihisan ko ito at isinama na rin sa labas. Nasa playroom daw sa third floor ang mga ito kasama ng mga bata. Dumaan muna ako sa lobby dahil magkaiba ang elevator ng simula 17th floor pataas at mula lobby hanggang sa 16th.

Dahil doon ay naisipan kong dumaan muna sa Front Desk ngunit nagulat ako ng makita si Sir Roy doon. Kaagad akong ngumiti at binati ito.

"Good morning, Miss Montez," bati nito bago mabilis na lumapit kay Rikana at binuhat ito. Sumama naman si Rikana kaya wala na rin akong nagawa lalo na ng samahan ako nito ng sabihin kong tutungo ako sa third floor.

Kitang kita ko pa ang mga malisyososng tingin ng mga receptionist sa amin. Kung ano ano na naman ang kakalat habang alam naman nila na may asawa na ang tao. O baka mas lalo lamang iyong makasama dahil iisipin nila na nakikipaglandian na ako sa may asawa.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Nang malapit na kami sa playroom ay hinarap ko ito at kinuha si Rikana. "Thanks for accompanying me. And thanks for yesterday too. I'm sorry for causing trouble. That's not a good thing especially since I work here," nahihiya kong sambit. Napak-unprofessional rin kasing tignan lalo pa nga at manager ako rito. Papano kung kumalat iyon? Nagulat ako ng bigla itong tumawa.

"I have known you for quite some time now and everyone here knows how professional you are. I'm glad I am working with you here as your colleague, " namula ang aking pisngi sa kanyang papuri.

Napangiti na lamang ako at magpapalam na sana ng biglang bumukas ang pintuan sa conference room na nasa kabilang bahagi lamang.

Halos matuyo ang aking lalamunan ng makitang magkasunod na lumabas si Yelo at ang babae niya, kasamang ilang kalalakihang mukhang kasali sa conference nila. Even kuya Aedree was there.

Nang makita ako ni Aleli ay kaagad na naningkit ang mga mata nito. Ilang hakbang lamang at nakalapit na sa amin si kuya Aedree but my eyes were unconsciously watching Yelo's every movement. Alam kong nakatingin ito sa akin kaya pilit kong iniiwas ang aking tingin.

Halos manginig ako kaagad ng maalala kung ano ang mga pinag gagawa ko kasama niya kagabi. NAd the fact that he's with his fiancé now? Nahihiya ako sa sarili ko.

"Arika, nakakain ka na ba?" Nginitian ko si kuya Aedree at inayos ang pagbuhat kay Rikana.

"Tapos na kuya Ae. Susunod lang ako kila Andrea,"

Narinig ko pa ang pag ismid ni Aleli sa gilid. Ang ilan nilang mga kasama sa meeting ay nagkanya kanya na ng alis matapos magpaalam.

"Sino yan, isa sa mga lalaki mo?" biglang singit ng atribidang babae na walang modo pa na itinuro si Sir Roy. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Nakakahiya kay Sir.

Mabilis ko itong nilingon at ngumiti ng alanganin bilang paghingi ng dispensa. Mukhang anintindihan naman nito dahil tumango lamang at tinapik pa ako sa balikat. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paggalaw ng mga kamao ni Yelo.

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now