Napagpasyahan kong magstop over sa nadaanan kong mall at bilhin yung mga pinapabili ni Jema. Pagkatapos ay dumiretso na ako papunta sa bahay.

I stopped and took a glance of our house. Kami mismo ang nagpundar ng bahay na ito. At first, we want to build our own houses but we thought that it is sad to be alone so we built this house and the three of us lived here. Punong-puno na ng mga memories ang bahay na yan kaya hindi namin kayang iwan ito. Madami na kaming napagdaanan at nalagpasan na mga problema ng magkakasama kaya sana magkaayos na kami ni Ate Bei.

Hay.

I took the donuts and milktea and I left the car. Pumasok ako at agad naman na sumalubong sakin si Mafe.

"Ate Deans!" Niyakap niya ako kaya itinaas ko yung bitbit ko para hindi matapon. "Ops sorry hehe."

"Wag kang mag-alala, sayo naman yan e." Sabi ko sabay abot sa kanya ng mga ito. Nanlaki naman ang mata niya habang natingin sa hawak ko.

"Ha? Paano naman naging sakin yan?"

"Syempre pinabili ng Ate mo." Pilosopo kong sagot atsaka tumawa.

"Sabi ko siya ang bumili. Hindi ikaw." Nakanguso naman niyang tugon kaya ginulo ko ang buhok niya at pinilit siyang tanggapin ang mga ito.

"Take it. Treat niya daw yan sayo."

"Thank you!" Iniwan na niya ako at tumungo sa kitchen.

Nanggaling naman si Jema sa pool area na mukhang hindi alam ang gagawin.

"Haha naubusan ka na ba ng gagawin?" Tanon ko dahilan para magulat siya at mapatingin sakin.

"Jusko ka! Hindi ka man lang nagsasabi na nandyan ka na pala." Wika niya habang nakahawak sa dibdib. I just laughed at her.

Nakita ko namang sunod ding pumasok si Tito Jesse galing sa area na yun kaya bumati muna ako sa kanya.

"Tara puntahan natin sila dun." Aya niya pero nagdadalawang-isip pa ako kung sasama ba ako sa kanila.

"Oh may problema ba?" Tanong ni Jema nang mapansing natigilan ako. Simple lang akong tumango.

"Y-yeah. Tara." Pumayag na lang ako at sumunod sa kanilang dalawa.

Hindi kasi nila alam yung nangyaring away kaya hindi ako pwedeng magpahalata. Alam ko namang gumawa ng ibang rason sila Ate Bea tungkol sa mga sugat at pasa niya sa mukha.

Naabutan namin sila Ponggay at Mafe na kinakain na yung mga dala kong pagkain samantalang abala naman di Ate Bei sa pagtulong kay Tita Fe na magluto. They stopped for a while when they noticed us.

"Ayan na pala sila." Sabi ni Mafe.

"Hi po Tita." Pilit akong ngumiti at tumingin sa kaibigan at pinsan ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tingin nila. Para bang hindi nila nagustuhan ang pagdating ko. Sabagay, sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko. I'm sure Jema will be mad at me when she finds out that I hurt Ate Bea.

My Immortal Crush  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon