Chapter 58: Ikaw lang

Magsimula sa umpisa
                                    

"Phineas and Ferb?" tanong ko nang makitang nanunuod pala siya ng cartoon na pinakagusto naming tatlo nila Ate Cass at Ash.

"Yeah," sagot niya at pinatay ang TV saka ako niyayang umalis na.

"Kailan ka pa nahilig doon?" tanong ko sa kanya ng makasakay na kami sa sasakyan.

"Saan?"

"Phineas and Ferb."

Napabungsngis naman siya bigla. Hala. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Napapadalas tawa nito, ha. Baka nabaliw na. "Hindi ako baliw." OMG. Nakakabasa na siya ng isip ng ibang tao. "Nahawa na siguro ako kay Ash at Ate kaya pinapanuod ko 'yun," sagot niya sa akin habang nakatingin pa rin sa daan. "Saka pampalakas na rin sa 'yo. At least pinapanuod ko 'yung gusto mo."

Wala na akong nasabi nang marinig ko ang sinabi niya. Kaloka. Bakit ba bigla bigla na lang babanat 'to? Sana sinasabi man lang niya kung babanat siya para nakapaghanda naman ako.

Nang makarating kami sa school agad kaming dumiretsyo sa club moderator namin para mapag-usapan ang details. Nang matapos ang usapan, pumunta na kami ni Ice sa gym at maramirami na rin kaming estudyanteng inabutan doon. Nandoon na rin ang iba pa naming kaibigan.

Nagsimula nang magcheer ang mga kaklase at kaibigan namin at todo picture na kami ni Ice. Pati ang game nagstart na at maganda naman ang ipinapakita ng school namin. Umaariba rin si Josh. Pang-MVP pala tong si Josh, e. Hindi nagsasalita.

Nag-enjoy ako sa pagpipicture at hindi ko namalayan na patapos na pala ang third quarter. Pero kahit na tapos na ang third quarter, pinagpatuloy ko pa rin ang pagpipicture ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang makita kung saan nakafocus ang camera ko. Kay Ice lang naman na nasa kabilang side ng court. May kausap kasi siyang isang cheerleader ng kabilang school at kung makangiti pa parang wala ng bukas.

Binaba ko ang camera ko at tiningnan lang sila.

"I can see myself in you two months ago." Napalingon ako sa bumulong sa akin na si Yannie.

"Sinasabi mo dyan?" Pagmamaang-maangan ko at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato pero sumusunod pa rin sa akin si Yannie.

"Ganyang ganyan ako noong unang beses ko makita si Xander na may kausap na babae tapos mukhang masaya pa siya. Sungit ko lang nun." Inirapan ko na lang siya kasi napakanon-sense ng sinasabi niya.

Tumawa siya bigla dahilan para tingnan ko ulit siya. "Ganyang ganyan talaga ako noon. Mahilig mang-irap." Dumikit siya sa akin at inakbayan ako. "Alam mo. Zoe, kung type mo naman at hindi mo feel makitang may kasama siyang iba, bakit hindi mo pa sagutin?"

"Ewan ko sa'yo Yannie. Doon ka na nga. Nagpipicture ako dito." Umalis naman siyang patawa tawa pa. Tsk.

Natapos ang game at nanalo ang school namim. Syempre. Magaling, e. Ganu'n talaga. Napagdesisyunan ng coach nila na sa No Name na lang magcelebrate since kakilala naman daw ni Josh si Manager. Umaasa kasi sila sa discount. At syempre, lahat ng in-charge sa nangyaring game kasama. Pati kami ni Ice, Ayu, Ken at ang buong cheerleading team.

Dahil sa sobrang dami namin, napagdesisyunan ni Manager na iclose muna ang No Name para kami kami lang ang tao. Tinawagan na kasi agad siya nila Josh.

Palabas na ako ng campus para pumuntang parking. Hinhintay na kasi ako ni Ice. Sabay kasi kaming pupuntang No Name.

Napahinto ako sa paglakad nang makita ko siyang may kasama. Siya na naman. 'Yung babaeng kakwentuhan niya nu'ng game. So, close na sila? Ganun? At kung makangiti 'tong lalaking 'to. Akala mo naman – tss.

Napalingon sa akin si Ice at nginitian ako. "Ayan ka na pala, Zoe." Obviously. Hindi mo kasi napansin kasi busy ka sa pakikipagdaldalan dyan.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon