MT-47

1.6K 44 4
                                    

Chapter 47

Sam POV

'Merry Christmas' kabila't kanan na pagbati nila kung kani kanino.

Pero ako nakaupo lang dito sa isang tabi...Christmas day na at kakain na kami maya maya pero parang wala parin akong ganang kumain.

Maya maya ay lumapit sa akin si Lola...na nakangiti...pero kahit gaano kaganda ang ngiti niya ay hindi ko man lang masuklian...

'Merry Christmas Sam' nakangiting bati niya sa akin saka ako yinakap...para naman akong maluluha dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin..

'Merry Christmas' agad na umiwas ang mga mata ko ng batiin ko siya...ayokong nakikita niya akong nagkakaganito dahil kapag masakit sa akin ay mas lalo na sa kaniya....

'Merry Christmas' bati niya ulit sa akin saka kinuha ang panga ko saka pinaharap sa kaniya para magkatinginan kaming dalawa....

Mas napaiyak na naman ako dahil sa ginawa niya...ni hindi ko man lang kayang tumingin sa mga mata niya...alam kong ngayon ay si Lola lang ang masasandalan ko...dahil wala na..

'Samantha ija...alam kong may pinagdadaanan ka ngayon...pero baka puwedeng ipasintabi mo muna...pero hindi mo naman kailangan na sundin ang sinasabi ko...ikaw at ikaw parin ang magdedesisyon sa huli' mahabang saad nito...mga salit ana talagang tumatatak sa isipan ko lalo na kapag si lola ang nagsasalita ng mga ito..

'Alam kong nagkakaganyan ka dahil kay Jace...pero hindi naman natin hawak ang buhay niya...magkasama kayong naglalakad pero nadapa kayong pareho..pero kaya mo pa namang maglakad....hindi mo kailangan na hinatayin siya dahil nahuhuli na kayo...' madamdaming saad niya saka patuloy na pinupunasan ang mga luha na nagbabagsakan sa mukha ko dahil sa lungkot na nararanasan ko...

'Baka nga may bumubuhat na sa kaniya para mapabilis siya...kaya naman ay nahuhuli ka na...kailangan mong maglakad ulit para makausad Samantha ija' pagpapatuloy niya...

'Paano?...ni hindi ko man lang kayang tumayo para makalad ulit ako...hindi ko kayang wala siya dahil may responsibilidad na nakaatas sa akin' umiiyak na tanong ko sa kaniya...ang hina hina ko talaga...ang simple lang ng tanong ko pero mismong ako eh hindi masagot ito...dahil sa kahinaan....

'Sa inyo Samantha...pero naiiwan ka na..kailangan mong umusad' madiing saad nito.

'Tahan na...Christmas na Christmas umiiyak ka...dapat ang isipin mo magmula ngayon ay ang responsibilidad na nakapasan sa yo ngayon dahil kung hindi sa huli pareho kayong magdurusa' tumatawang saad niya na para bang pinapagaan ang kalooban ko...kaya naman ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng napakahigpit....

'I love you Lola' umiiyak na saad ko saka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakaniya...

'I love you too ija...tahan na huwag ka ng umiyak' nakangiting saad nito ng magkahiwalay kami sa pagkakayakap....

Ngumit pa muna ito saka hinalikan ako sa pisngi saka umalis na para makipagusap na sa iba...

Napatingin ako sa kabuuan ng tapat ng bahay...nandito kami ngayon...dito nila napagpasiyahan na magcelebrate dahil malawak ito...at magkakasiya lahat dito.

May mga ngiti sa mga labi nilang lahat....nakangiti na para bang walang problema sa buhay nila...

Napatingin ako sa tiyan ko saka ito hinimas...

Lumalaki na ito....sa susunod na buwan ay malalaman na kung ano ang magiging gender ng anak namin...

Sa totoo lang ayokong malaman para maging surprise...pero wala naman akong isusurprise dahil baka hindi naman siya masurprise dahil baka mas masurprise pa siya kapag malaman niya ang gender ng magiging anak nila...

Nalungkot na naman ako habang iniisip ang pinagiisip ko...iniisip ko palang na magkasama sila ay parang malulunod na ako sa kalungkutan...paano pa kaya kapag makita ko sila...



Agad akong napahinto sa paglalakad ng may marinig ako...

Kaya naman ay napaangat ng tingin sa nagsasalita....Si sophie?...sinong kausap niya..

'I know kuya but you could've just come and see her...she doesn't feel so good and you know kiya that it is not good for you' saad nito....Kuya?...si Jace?...kausap niya?

'But you could've just come...its Christmas...for god sake kuy-' saad na naman niya pero hindi na natapos ng magsalita ako...

'Sophie?' Saad ko...dahan dahan naman siyang lumingon sa akin saka agad na bumalatay ang gulat ng makita ako...

'A....ate S...sam?' Nauutal na saad niya...

'Si...sinong ka...kausap mo?' Nauutal na saad ko...habang pinipigilan ang umiiyak...

'A...ate?' Saad parin niya na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin dahil sa gulat...

'S...si...k..kuya mo?' Nauutal na tanong ko sakaniya...

'Ate'

'Puwede...ko bang kausapin?' Pakikiusap ko sa kaniya...

'Ate?' Saad naman niya na para bang hindi alam kung ano ang dapat na gawin...

'Kahit ngayon lang gusto ko lang siyang kausapin' mahinang saad ko saka hinayaan ng mahulog ang mga luha ko...

'He...here' nahihirapan niyang saad saka ibinigay na ang cellphone..

Nanginginig naman ang kamay kong kinuba ko ito......saka inilagay sa tenga ko para marinig ang isasagot niya...

'Ja...jace?' Nauutal na tawag ko sa kaniya.. habang nahuhulog parin ang mga luha ko...pero kailangan kong pigilan ito dahil baka magalala na naman siya kapag nalamn niyang umiiyak ako...alam kong makakasama ito sa anak namin...

'Asan ka na?...hindi ka pa ba uuwi?....kahit ngayon lang' sunod sunod na tanong ko ng hindi siya sumagot....pero agad na nahulog ang mga balikat ko ng hindi na naman ito sumagot...

'Gust kitang makita...asan ka ba?..' tanong ko na naman ...pero agad na napaiyak ng hindi na naman siya sumagot....

'SUMAGOT KA NAMAN!!..WAG MO NAMAN AKONG GAWING TANGA KAHIHINTAY SA'YO' sigaw ko sa kaniya dahil hindi ko na napigilan ang sarili dahil hindi man lang niya ako sinasagot...

'PALAGI NALANG GANITO...HINDI KO KAYA!!' Sigaw ko na naman sa kaniya..pero hindi parin siya sumasagot....

'HINDI KA MAN NAGPAPARAMDAM SAKIN!!...HINDI MO MAN LANG AKO KINOKONTAK...HINDI MO MAN LANG AKO PINUPUNTAHAN' umiiyak na saad ko na naman..

'PAANO NAMAN AKO...HINDI KO KAYA!!' Hinang hinag sigaw ko habang patuloy na umiiyak...hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil pakiramdama ko nababalewala na ako....

Alam kong naririnig na niya akong umiiyak pero parang wala lang sa kaniya....hindi ko na alam kung anong gagawin ko..

Gustong gusto ko na siyang makita at makausap...pero bakit parang iba sa nararamdaman ko ang nararamdaman niya...

Bakit parang ayaw naman niya akong makita...ang sakit sakit habang iniisip ang mga iyon...

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa kakaiyak...nabitawan ko narin ang telepono ni Sophie...pero hindi ko na iyon inisip dahil parang hinang hina na akong humingi ng tawad sa kaniya...

Pero naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Sophie kaya naman ay mas napaiyak pa ako....

Wala na naman akong magawa...wala na naman puwera nalang sa umiyak...

Ang hina hina ko...kahit kailangan hindi ko kayang tumayo ng walang umaalalay sa akin.

Hindi ko kaya.....

Mafia's TerritoryWhere stories live. Discover now