“Hello, Tiffany. Ang ganda naman ng name mo. I’m Daniella. Classmate ni Red noong high school.”Naglahad ito ng kamay kay Tiffany.

“Nice to meet you, Daniella.” At nag shake hands ang dalawang magandang babae. Mas mataas nga lang ng kaonti si Daniella kay Tiffany pero mas lutang ang maputing kulay ng huli.

“Sino pala 'yong hinahanap mong bestfriend mo? Baka kilala ko?” hindi na niya napigilang itanong.

Sasagot na sana ito nang may nakita sa likoran niya na agad na ikinangiti nito.

“Miah!”

Miah? 'Wag niyang sabihing… Nang lalaki ang mata niyang lumingon sa likod. At nakita nga niya sa likoran niya si Miah na naglalakad habang nakatingin sa cellphone nito. Tumingala ito para tingnan ang tumawag sa kanya. Mula sa seryosong mukha nito ay biglang napalitan iyon ng ngiti nang makita nito si Daniella.

“Daniella! Kaka-received ko lang ng text mo.” Bumilis ang lakad nito palapit kay Daniella. Mali. Palapit sa kanila.

Hindi pa rin siya maka-recover. Ang tinutukoy na best friend ni Daniella ay si Miah!

How the hell it happened?! Litong tanong niya sa sarili. Hindi niya akalain na magkakilala si Miah at Daniella. Kaylan pa?Ang malupit pa ay mag ‘best friend’ ang dalawang ito. Ang buong akala niya ay tipo ng walang kaibigan si Miah dahil sa ugali nito. Hindi niya akalain na katulad ni Daniella ang magtyatyaga sa ugali ng witch na iyon.

Pakiramdam niya ay mababaliw na ata siya.

Mahinhin si Daniella at tahimik. Hindi ito malakas magsalita at babaeng-babae ito kung kumilos. Never pa niya itong narinig na magsalita ng hindi maganda. Palangiti rin ito at mabait.Unlike her. Unlike that witch na palapit na sa kanila. Unlike Miah Serano!

“It’s okay, kakarating ko lang naman. How’s your first day?” masayang tanong ni Daniella kay Miah. Mukha nga silang close na close.

“As I expected, boring. May isa pang unang araw pa lang ay may balak talagang sirain ang araw ko.”

Tumawa si Daniella.Tawang mala-anghel.“Ikaw talaga, Miah. Hayaan mo na kung sino man iyon. Baka may bad day rin.”

Umirap ito sa kawalan. “Duh, whatever!” ibinulsa nito ang hawak na cellphone. “Let’s go?”

Tumango si Daniella at tumingin sa kanya. “Bye, Red. Bye Tiffany. Kaylangan na naming umalis. See you guys around.” At tuluyan na silang umalis.

Akala ni Miah hindi niya alam na pinariringgan siya nito. Nag igtingan ang mga bagang niya sa inis.

Pero imbes na si Daniella ang tingnan ni Red ay kay Miah nakasunod ang tingin niya. Bigla itong lumingon sa kanya para lamang irapan siya.

“The fuck?” kunot noong mura niya.

“May sinasabi ka, Red?” nagtatanong tanong ni Tiffany sa tabi niya. Mahina lang naman ang pagkakasabi niya iyon pero mukhang narinig ata nito.

“Oh, n-nothing.Uwi na rin tayo.”

Hanggang sakayan ng bus lang naman sila nagkasama ni Tiffany dahil naka park ang kanyang bike sa pinaka dulo kung saan ang parkehan ng mga bike. Pero bago siya umalis ay hinintay pa niyang makasakay ng bus si Tiffany.

Dumeretso na siya sa coffee shop para tumulong.

Bigla niyang inisip kung saan naman kaya pumunta si Miah at Daniella. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala kung paano naging matalik na magkaibigan ang dalawang iyon.

Paano nga kaya? Napatigil tuloy siya sa pagpupunas ng lamesa na inalisan ng dalawang customer kanina.

“That’s so freaking unbelievable!” usal niya sa sarili at nagpatuloy sa pagpupunas ng lamesa.

Just the GirlWhere stories live. Discover now