Sinamaan ko siya ng tingin at bumuntong hininga "kung walang gatas e di wag mo kong bigyan ng kape,ayokong tumigil ang pagtangkad ko"ngingisi-ngisi kong wika.

Sumama ang mukha nya"Tse!Namemersonal ka na ah!Pasalamat ka nga pinagtimpla ka pa ng kape eh!Punyeta!Ang sama ng araw ko kahapon!Para akong nasa impyerno nung pumasok sa SMU na yan!Prestihiyoso daw?!Katarantaduhan yan!"ganyan si Orange,kahapon pa sya ganyan dahil gabi na ko nakauwi.

"Kasalanan ko pa pala yan ngayon? Eh kung ilublob ko kaya yang mukha mo sa kape?Tch"singhal ko"alam mo namang ayaw ko sa kape bat mo pa ko pinagtimpla"

"Oo kasalanan mo!Di mo ko sinamahan kahapon!Hmp!Kung ayaw mo ng kape e di akin na!"

"Hindi naman kita anak para samahan tsk"

Lakas ng topak nito tch

Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto,nagsepilyo na lang dahil nakaligo na ko bago kumain.Nagpauna na kong pumasok sa school dahil ayokong malate lalo pa't absent ako simula Lunes hanggang kahapon.Araw ng Miyerkules ngayon kaya kailangan kong makabawi.Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungong SMU.


Jehridale's POV

" GOOD MORNING Sir Dale" masayang bati sa akin ng mayordoma. Nakabusangot akong kumain ng agahan.

Ang mga maids ay nakapaligid lamang sa akin habang ang malaking table ay napapalibutan ng iba't ibang pagkain. Usually sa ganitong araw sa akin ay hindi normal. Kaya ganoon sila magluto ng marami, sigurado akong may kung sinong asungot ang nagpahanda ng ganito karami.

"What's good in a fucking morning?" masungit kong sagot sa maid.

Sa kawalan ko ng gana ay inilayo ko ang pagkain at matamlay na tumayo. Inayos ko na lang ang gray t-shirt ko at ang messy hairstyle ko. Ang inis ko ng umagang iyon ay lalong lumala ng nakita ko ang mayordomang nakasunod sa kwarto ko. Pinagtaasan ko ito ng kilay sa salamin.

"Stop following me" angil ko. Kaagad ay sumunod naman sya.

Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa kwarto at dumiretso sa malawak naming salas. Binuksan ko ang malaking pinto ng aming mansyon. Naghihintay na roon ang maghahatid sa akin patungong SMU.

Hindi nagbago ang timpla ng mood ko maski sa loob ng kotse. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, kakaiba iyon kaysa noon. May pakiramdam akong hindi magiging maganda ang pangatlong araw ko bilang 4th year college.Napaupo ako ng nakadekwatro dahil sa yamot ko. Napansin iyon ni Kuya Jed.

"Ah Sir,"napamaang ako sa pormal na pagtawag sa akin,"tinatanong po ng Senior nyo kung kailan po makakauwi ang parents ninyo"

Hindi ko sinagot ang tanong nya.Para saan pa? Laging ganon ang bungad ni Senior Adrian sa akin kapag papasok ako,like last year,malay ko bang busy ang parents ko sa business trips nila,hindi sila nakakauwi dito sa Pilipinas ng madalas.Hindi nya naiintindihan dahil hindi kami magkatulad ng estado tsk!

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now