Nanigas rin ang buong katawan ni Grayzyl. Hindi n'ya inaasahan ang lahat.

"Sir, Congratulation." - Grayzyl

Mabilis na kumalat ang balita sa buong kamag-anak ni Grayson. At maging si Grayzyl ay ibinalita rin nito sa kanyang mga kapatid.

Nang sina Neneng na lamang at Grayzyl.

"Kaloka ang eksena n'yo kanina..nakakagulat! May yakapan na nangyari. Nakakainggit!" Sabay tawa ni Neneng.

"Neng, natural lang 'yon. Eh kung pwede nga lang kanina lulundag din ako sa sobrang tuwa."

"Naku, Besty excited na ako sa bata. Masaya ako kasi NANAY ka narin."

"Salamat Neng. "

--------------------------------------------

Nang palabas sina Neneng, Grayson at Grayzyl. Kinausap pa ng doktor ang binata.

"Neng, pupunta muna ako sa restroom." Paalam ni Grayzyl. Agad naman itong nagmadaling umalis. Ilang sandali lang buhat umalis si Grayzyl..

"Hey.." Tawag ng isang babae.

Napalingon ng sabay sina Grayson at Neneng.

"Graydelle, Hi." Napangiti ng husto ang binata.

Nabaling ang tingin ni Graydelle sa babaeng kasama ni Grayson.

"Graydelle..I'm going to become a father. She's the surrogate mother." Paliwanag ni Grayson. Nag-aalangan pang sabihin sa dalaga.

"Ohhhh..Well, Congratulation! Wala kang dapat ikabahala Grayson. Maraming mga lalaki ngayon na gustong magkaanak kahit walang asawa. Kung sabagay mahirap maghanap ng mapapangasawa sa panahon ngayon..lalo na sa status mo sa buhay."

Natuwa naman si Grayson matapos marinig ang sinabi ni Graydelle. Samantala si Neneng nakatingin lamang sa babae.

"Actually, I have my appointment with the doctor. Gusto ko kasing kumustahin ang KALAGAYAN NG AKING PINAGBIGYAN NG EGG CELLS.. I FORGOT TO TELL YOU..I BECAME AN EGG CELL DONOR. 'YON NGA LANG HINDI AKO KILALA NG RECIPIENT. PERO S'YA KILALA KO. IKAW BA KILALA MO ANG DONOR MO?"

"Hindi. Pero sana makilala ko sa madaling panahon. Sana dalaga nga eh. Dahil pag nagkataon I will marry her."

"Well, good luck." Agad hinalikan ni Graydelle ang pisngi ni Grayson. Halik na tila may ibig sabihin. At kitang kita ni Neneng na may pinahihiwatig ito.

Pabalik na sana si Grayzyl; nang makita nito ang isang babae na kausap si Grayson. Agad s'yang nagkubli. Narinig n'ya ang mga sinabi ng babae. At nakilala n'ya kung sino ito..


"Si Graydelle..naging EGG CELL DONOR DIN."


FLASHBACK

Nang dumating sa Klinika sina Grayzyl, Neneng at Grayson. Nagkataong nakaparada ang kotse ni Graydelle malapit sa klinika. Paalis na sana s'ya nang makita n'ya ang tatlo. Agad n'yang naisipang sundan ang mga ito.

At nakaisip ng isang bagay...


GRAYDELLE'S POV

Mabuti naman at nakita ko si Grayson kasama ang kanyang surrogate mother. Gagawin ko ang sunod na hakbang. Kailangan makagawa ako ng paraan na mawala sa landas ang BATANG 'YAN. KUNG HINDI TAPOS ANG MALILIGAYANG ARAW KO. ALAM KONG GUSTONG GAWING PATAS NI GRAYZYL ANG LAHAT. AYAW KONG BIGYAN S'YA NG KATITING NA PAG-ASA. AYAW KONG MAGKAROON SILA NG KAUGNAYAN NI GRAYSON.

Mr. & Ms. GrayWhere stories live. Discover now