PART 1

31.9K 987 29
                                    

Author's Note :

Sa lahat ng readers bago basahin ang kwento..inuulit ko : DON'T EXPECT THAT THIS IS  A GOOD STORY. WALANG BASAGAN NG TRIP.

 LAHAT AY KATHANG ISIP LAMANG. H'WAG NANG PAABUTIN HANGGANG EPILOGUE KUNG SA TINGIN HINDI MAGANDA  ANG STORY. KASI MAGMUMUKHANG ENGOT KAYO! 

TOK TOK TOK

" Sir, nakahanda na po ang almusal ninyo." Ang sabi ng katulong sa labas ng pinto.

Rinig ni Gray ang pagtawag ng kanyang katulong. Napadilat s'ya ng kanyang mga  mata at tinignan ang orasan.

8:00 A. M.

"Good Morning World!" Bulong ni Gray sabay bangon nito. Naupo s'ya at sabay unat nito ng kanyang katawan. Tumayo s'ya at hinawi ang kurtina sa bintana. Pinagmasdan n'ya ang malawak na dagat sa unahan. Binuksan n'ya ang bintana at agad n'yang nalanghap ang sariwang hangin. Malamig ang hangin sapat upang magising ang kanyang inaantok na diwa.

Tinungo ni Gray ang banyo at naisipang maligo sa maligamgam na tubig.

Ilang sandali lang ay inihanda n'ya na ang sarili upang bumaba at tunguhin ang hapag kainan.

Malaki ang bahay ni Gray. Iilang tao lamang ang kanyang kasama sa loob ng bahay na ito. Mga taong tinuring n'yang kapamilya.

"Sir, kumain na ho kayo." Sabi ng kanyang katulong na si Neneng.

"Salamat, Neng. Kumusta nga pala ang mga magulang mo?" Tanong nito.

"Ah, okay lang po sila Sir."

Tumango si Gray.

Sa loob ng Dining room merong flat screen TV. Madalas nanunuod ng tv si Gray habang kumakain. Lalo na tungkol sa balita.

"Sir, may tawag po kayo.." Inabot ni Neneng ang wireless telephone kay Gray.

"Hello."

( Gray, pupunta ka ba dito sa Santa Catalina? Birthday ni Charlton bukas. Magkita kita na lang tayo sa bahay nina Gaston.)

"Oo, darating ako d'yan. Naku, wala nga pala akong regalo sa bata. Aagahan ko ang alis bukas. Dadaan pa kasi ako ng Mall."

( Just call me, when you're here. )

"Okay, Kuya. " Sagot ni Gray sa kanyang nakakatandang kapatid na si Blue.

Matapos kumain ng almusal si Gray, tinungo na nito ang kanyang Pearl Farm.

"Good Morning, Sir Gray. " Bati sa kanya ng ilan sa kanyang tauhan.

"Good Morning. " Sagot n'ya.

"Kumusta naman ang mga talaba? Na-icheck n'yo ba ang paglaki nito? Suriin n'yo ng mabuti ang makuha ninyo. Tsaka linisan ng maigi. At dalhin sa Production Building."

Utos ni Gray sa kanyang taga-pangasiwa.

Buhat si Gray ang inatasang humawak ng kanilang Pearl Farm; naka-focus ang kanyang atensyon sa trabaho. Pambihira lamang si Gray kung gumimik. Kabaliktaran s'ya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Blue. Bahay-Trabaho ang ginagawa n'ya. Kaya nakalimutan na rin nito ang personal na pangangailangan..ANG MAGKAROON NG SARILING PAMILYA.

Hindi na s'ya pinilit ng kanyang mga magulang na ituloy ang pagpapakasal nito sa kanyang Fiancee. Kung sabagay; nakailang reto na si Gray. At lahat ay iniwasan n'ya. Minsan nang nagmahal si Gray; sa kanyang kababata na si Chai. Ngunit hindi sila para sa isa't isa..Pinakasalan ni Chai ang pinsan ni Gray na si Gaston.

Tanggap ni Gray ang lahat. Masakit man pero wala s'yang magagawa.

Halos 2 taon narin ang lumipas. Ngunit hindi magawa ni Gray ang humanap ng mapapangasawa.

Mr. & Ms. GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon