Chap. 9

7K 628 13
                                    

Chap. 9

Matagumpay na naisalin kay Neneng ang punla. Tuwang tuwa naman na ibinalita ni Grayson kina Oliver ang tungkol dito. Kaya sama sama ang lahat na pumunta sa hospital at bumisita kay Neneng.

"Gray, congratulation! Magiging tatay ka na." Bati ni Oliver.

"Thank you. Kung hindi dahil sa 'yo malamang wala akong aasahan ngayon."

"We're happy for you." Dagdag ni Red.

"Naku, hindi ka talaga pahuhuli sa amin ni Gaston." Sabi naman ng kapatid nitong si Blue.

"Gusto ko na kasing merong ingay ng bata sa loob ng pamamahay ko."

"Pero sana makilala mo ang donor ng egg cells." Singit ni Chai.

"Hindi pwede eh. 'Yon kasi ang nakasulat sa kontrata. Anyway, sooner or later, aalamin ko rin 'yan."

"Oo nga. Mabuti nang makasigurado. Tsaka, mahirap na at baka makaisip pang magdonate ulit sa iba." Sabi ulit ni Chai.

"Dalaga pa kaya 'yon? Dapat malaman mo Gray. Pakasalan mo nalang." Singit ni Oliver.

"Siguro naman pwede mong tanungin kung dalaga o hindi ang donor." - Red

"Paano naman ang mga natitirang embryos?" Tanong ni Blue.

"I signed a contract to keep the embryos for future use. 'Yon ay kung papayag muli si Neneng na pagbigyan ako." Sabay tingin ni Gray kay Neneng.

"Sir, hindi ko na keri." Sagot ni Neneng.

"Okay, maghahanap na lang ulit ako ng ibang surrogate mother."

"Hay naku, Gray ipagdarasal ko na magawan na ng paraan ang mga tulad naming transgender na magbuntis. Ako ang numero uno na tatanggap ng punla mo."

-Oliver

"Asa ka pa!" Sagot ni Red sa pinsan.

Ligid sa kanila nakikinig si Grayzyl sa labas ng pinto. Naisipan n'yang pumunta sa doktor na nakakilala ni Mr. Maru.

"Doc, thank you for helping me." Pasasalamat ni Grayzyl.

"You're welcome Ms. Simone."

"Doc, pwede po ba akong kumuha ng embryos ni Grayson? Tutal ako naman po ang ina ng magiging anak n'ya. Gusto ko po sanang makakuha para sa sarili ko. I want to keep as my own. I have no intention to ruin the contract..I want to have my own child in my custody.."

"Ms. Simone, nauunawaan ko ang gusto mong mangyari. But this is too much."

"Please Doc, haharapin ko si Grayson balang araw. Hindi naman ako hihingi sa kanya ng suporta para sa bata. At kung mag-aasawa man ako, mananatiling SIMONE ang bata. Maaring malalaman ng bata ang tunay n'yang ama. Pero sisiguraduhin kong nasa tamang gulang s'ya..at mauunawaan n'ya ang dahilan."

Nagdadalawang isip ang Doktor.

"Magbabayad ako kahit magkano." Dagdag ni Grayzyl.

Umiling ang doktor. Nakadama si Grayzyl ng paghihinayang. Ngunit...

"Okay. I will help you. But this is a secret."

Napabuntong hininga si Grayzyl.

"Itago ninyo ang embryo sa pangalang ORION."

Pinalabas sa record na ibinigay kay Grayson na 14 lamang ang natitirang embryo na naitago.

-------------------------------------------------------------------

Samantala, galit na galit parin si Graydelle sa mga nangyayari. Gusto n'yang isumbong si Grayzyl sa ama nila,,ngunit..

" No, makikipagtagisan ako kay Grayzyl. Talagang sinusubukan ako ng bruhildang 'yon. Kung noon, kaya n'yang paikutin ang ulo ng mga matatanda para makuha n'ya ang mana..Pwes, ngayon hindi na pwede ito..ISA PARIN AKONG SIMONE..ito ang tanging mamanahin ko sa matatanda..hindi ko ito pakakawalan akin ang kayamanan. PIPIGILAN KO S'YA SA LAHAT NG KANYANG BINABALAK. AYAW KONG MAHATI ANG PERA. KAHIT SA HULING BARYA..AKIN PARIN!"

Mr. & Ms. GrayWhere stories live. Discover now