Chap. 15

6.4K 586 12
                                    

Chap. 15 : KASINUNGALINGAN NI GRAYDELLE

Habang nasa biyahe sina Grayson; napapaisip ang binata sa kanyang nakita sa coffee shop. Sumasagi sa kanyang isipan si Grayzyl. Hindi n'ya rin maiwasang hindi mapatingin sa dalawang babae sa kanyang likuran. Madalas n'yang nakikita na nagbubulong bulongan ang dalawa. Tila may sekreto na pinag-uusapan. Hindi na lamang n'ya pinansin.

Hanggang sa makarating sila sa Pearl farm; napansin ng dalawang babae ang pagiging tahimik ni Grayson. Madilim na nang marating nila ang bahay.

"Sir, magpapahinga na po kami ni Yzyl. Good night po." Paalam ni Neneng.


"Good night."

"Good night po." Mahinang boses na sinabi ni Grayzyl. Ngunit hindi sumagot ang binata. Tinitigan lamang si Grayzyl at ngumiti ng bahagya.

Tumuloy si Grayson sa kanyang silid. Nahiga s'ya sa kanyang kama. Kinuha n'ya ang kanyang cell phone. Tinignan n'ya ang lahat ng contact numbers..nabasa n'ya ang isang contact number na nakalagay..

MISS DONOR

Napaisip s'ya kung kelan n'ya muling maririnig ang boses ng egg cell donor.

"Sana dalaga ka pa MISS DONOR...HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PAKASALAN KA. I don't care if you're not pretty. I don't care if you're chubby. I don't care if you're not sexy or a fashionista.. Thank you for the wonderful gift. I wonder where you are? I wonder what kind of life you have? Gusto kong makilala kita sa madaling panahon..PLEASE CALL ME AGAIN."

Sa lalim na pag-iisip ni Grayson sa kanyang donor muli s'yang bumangon at lumabas sa kanyang silid. Tinungo n'ya ang kusina. Inabutan n'yang nagtitimpla ng gatas si Grayzyl.

Napansin s'ya ng dalaga.

"Ahmm..gatas po ni Neneng. Naisipan ko kasing kailangan n'ya ito para sa pinagbubuntis n'ya." Sabi ni Grayzyl.

"Yzyl, magpinsan kayo ni Neneng hindi ba? Wala kasing nabanggit si Neneng sa akin na..."

"May kamag-anak s'yang pangit, weird at nerd. Sir, hindi lang naman kayo ang nagtataka eh..actually madami. Eh kung si Manang Mercy nga hindi makapaniwala. Kayo pa kaya."


Hindi magawang magsalita si Grayson. Mabilis na umiwas si Grayzyl sa binata. Natatakot s'yang baka ano pang itatanong sa kanya nito.

"Yzyl.." Pahabol na tinawag ng binata.

Lumingon naman si Grayzyl..

"Please stay here. Kailangan ka ni Neneng. Nakikita ko kasing malaking maitulong mo sa kanya habang dinadala n'ya ang anak ko."

"Opo." Tuluyang umalis si Grayzyl.

---------------------------------------------------------

Dumaan ang ilang buwan...


"Congratulations! It's a boy." Ang sabi ng doktor kay Grayson matapos suriin si Neneng upan malaman ang kasarian ng sanggol. Nandoon din si Grazyl. Gustong malundag ni Grayzyl sa tuwa matapos marinig ang balita. Pero mas higit napapaluha ay si Grayson.

"Oh God! I'm going to have a son." Nababasag ang boses ni Grayson. Makikita ang sobrang tuwang nararamdaman nito. Hinalikan nito ang noo ni Neneng. AT NAPAKAYAKAP KAY GRAYZYL.

Gustong tumili ni Neneng nang makita ang nangyari sa dalawa. PAREHO SILANG NAPAYAKAP SA ISA'T ISA.

Napangiti pa silang pareho. Ngunit hindi napansin ni Grayson ang namumuong luha ni Grayzyl dahil sa kapal ng salamin nito. Halos hindi rin makapagsalita si Grayzyl dahil nagulat sa reaksyon ni Grayson.

Mr. & Ms. GrayWhere stories live. Discover now