Chap. 2

18K 756 26
                                    

Chap. 2

Naniningkit ang mga mata ng ama ni Grayzyl ( Gray ) matapos marinig ang sinabi nito.

" Pwes, inuulit ko rin nabaguhin mo ang sarili mo. Matanda ka na at hindi na bata!" Bulyaw nito.

"Alam mo Papang, paulit ulit lang ang isyu na 'to sa atin. Nakakasawa na. Bakit ba ako na lang ang nakikita ninyo? Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo? Ahhh..Oo nga pala..frustrated ka sa akin dahil sa lahat ng anak n'yo..ako lang ang BUMALI NG KAGUSTOHAN NINYO; HINDI NAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL; AT HIGIT SA LAHAT INAAKALA NINYO NILULUSTAY KO ANG PERA KO. Wala akong karapatan na magsalita..kung anong nararamdaman ko.

Pang, hindi n'yo tinanong sa akin kung bakit ako ganito? DAHIL DIN SA INYO!"

PAK PAK

Dalawang magkasunod na sampal ang inabot ng anak.

"Hoy, dahan dahan ka sa pananalita mo! Habang nabubuhay ako..AKO ANG MASUSUNOD! AKO ANG BATAS SA PAMILYANG ITO!" Sigaw ng ama ni Grayzyl.

Tumulo ang luha ng dalaga.

"Maraming kahihiyan ang ginawa mo sa amin. Lahat kapal mukha naming hinarap. Ano bang problema mo?" Tanong ng ama.

"Pang, GUSTO KO NG KALAYAAN!" Sagot ni Grayzyl.

Akmang sasampalin ulit ng ama si Grayzyl ngunit pinigil ng ina.

"Tama na! Juancho..maawa ka sa anak natin." Umiyak ang ina ni Grayzyl.

"Punyeta! Magsama kayong dalawa." Walang pasabi sabing umalis ang ama ni Grayzyl sa harap nila.

Inamo ng ina ang umiiyak na anak.

"Gray, pasensya na sa Papang mo. Nag-alala lang kasi s'ya ng husto sa 'yo kanina. Gusto n'yo lang talaga maayos na ang buhay mo."

"Mang, kaya kong ayusin ang buhay ko. Magtiwala lang kayo sa akin. Hindi naman ako habang buhay ganito. Mang, naiinis lang kasi ako sa kanya.."

"Wala tayong magagawa, sinusunod lang ng ama mo ang tradisyon ng pamilya..ANG IPAGKASUNDO ANG MGA ANAK..AT MAKAPAG-ASAWA NG KAHIT ILAN ANG MGA LALAKI."

"Mang, hindi na uso para sa akin. AYAW KONG MAGPATALI SA ISANG LALAKI..AYAW KONG MAGING KATULAD NINA ATE!"

"Gray, hindi makatulad ang mga kapalaran ninyo."

"Mang, para ngang sinumpa kami eh..SI ATE GLADYS iniwan ng asawa.. Si Ate Antonette sakripisyo sa asawang may sakit..Si Ate Brenda maagang naging biyuda. Lahat sila pinagkasundo n'yo sa mga pamilya ng asawa nila. KAYA AYAW KONG MATALI SA KAHIT SINONG LALAKI. AYAW KONG MAGING KATULAD NILA."

"Kaya ba tumakas ka sa ARAW NG MGA ENGAGEMENT MO?" Biglang nasabi ng ina.

"Mang..h'wag n'yo akong pilitin sa bagay na labag sa kalooban ko. Tulad ng sinabi ninyo..magkaiba kami ng kapalaran nina Ate. Mang, gusto kong hanapin ang kapalaran ko. HINDI SA PAG-AASAWA ANG SAGOT."

"Gray, gusto namin na malagay ka sa ayos. Gusto naming may lilingon sa 'yo sa oras na wala na kami ng PAPANG MO."

"Kaya ko ang sarili ko.." Ginigiit ni Grayzyl.

Napabuntong hininga ang ina.

Malakas ang loob ni Grayzyl na kalabanin ang ama dahil may kakayanan s'yang mabuhay na kahit walang tulong na nagmumula sa mga magulang nito. Pinagmanahan si Grayzyl ng mga ari-arian ng kanyang yumaong Lolo't Lola. Mula nang napasakanya ang mga minana nito, napagdesisyonan ni Grazyl na humiwalay sa kanyang mga magulang.

Para maiwasan ni Grayzyl ang pinag-uusapan nila pumasok s'ya sa kanyang silid.

"Gray, you need someone to take care of you. You need someone to lean on..,MAHIRAP MABUHAY ANG MAG-ISA."

Mr. & Ms. GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon