Chap. 6

8.1K 630 11
                                    

Chap. 6

AN : Focus muna tayo sa mga gagawin ng ating mga bida. H'wag tayo magmadali sa kaguluhang mangyayari.

Nagulat si Oliver nang makilala ang babaeng tumawag sa pangalan ni Grayson. Taas kilay n'yang tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa. Maigi n'yang kinilatis ang bawat anggulo ng babae.

"Hi, Kumusta?" Tanong ni Graydelle sabay titig kay Oliver.

"Ahhhh..pupunta sana kami sa isang branch namin sa kabilang kalye. Ahmm..what about you?"

"Ah, galing lang akong nagshopping sa isang Boutique."

"Oh, by the way, this is my friend..OLIVIA." Pinakilala ni Grayson si Oliver kay Graydelle.

"Hello." Sabay nasabi ng dalawa at nagngitian sa isa't isa.

Mistulang walang lumabas sa bibig ni Graydelle nang makita nitong agad hinawakan ni Oliver ang kamay  ni Grayson.

"Ahhh..I..think I have to go..Nice to see you again..Grayson." May mapaklang ngiti sa dalaga.

Nagkatinginan sina Grayson at Oliver.

"Oli naman..panira ka ng moment."

"Type mo?"

"Client s'ya ni Kuya."

"Ganun ba.."

"Graydelle, wait.." Tawag ni Grayson. At kumawala sa pagkahawak si Oliver. Hinayaan n'yang lumapit ang binata sa dalaga.

"Can I have your cell phone number?"

"Sure." Agad inabutan nalang ni Graydelle si Grayson ng calling card.

"Okay lang ba sa girlfriend mo na humingi ka ng numero ko?" Tinitigan agad ni Graydelle si Oliver. Agad naman naunawaan ni Grayson ang iniisip ng dalaga.

"Matalik ko s'yang kaibigan. Isa s'yang transgender."

Biglang napangiti si Graydelle.

"Akala ko kasi..." Bulong ng dalaga.

"That's normal."

Matapos ibigay ni Graydelle ang calling card. Nagmadali itong lumayo sa dalawa.

"Oli, She's Graydelle Simone. Sa dinami daming babae dito sa Santa Catalina, hindi ko akalain na may kasing ganda n'ya dito sa lugar na 'to."

"Chooosss! Nabighani ka naman." Sabay irap ni Oliver.

"Kahit sino naman siguro 'no. Pero..." Biglang sumagi sa isip n'ya ang babaeng nakita sa coffee Shop.

"Ano na naman?"

"Nakita mo ba kanina 'yong babae sa tabing mesa natin?"

"Wala."

"Sana ganun kaganda ang magiging INA ng magiging anak ko..GOD! I'm the luckiest guy in the world! Ganun yong tipo ko..mukhang bad girl pero merong side ng pagiging sweet..loving..kind...KELAN DARATING 'YON?"

"Stupid! Kung ala-Dyosa ang ganda, sa tingin mo wala kang karibal? Haler, nakalimutan mo na ba MAPANGANIB DIN ANG KAGANDAHAN."

"Oo na. Winner ka na."

Tuloy ang kanilang lakad.

--------------------------------------------------------

Kinabukasan...

"Yzyl, babalik na ako ng Pearl Farm. Tatawagan kita kung makukuha ko na ang pangalan ng Broker nina Sir."

"Oo, naman. Tatawagan din kita kung matatapos ko na magpaphysical check-up at lahat ng test para maging qualified ako bilang egg donor."

Mr. & Ms. GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon