From:ARCHItect

Thanks. Have you eaten your lunch yet?

12:19pm

Bago ako makapagreply ay naramdaman ko ang pinaghalong kiliti at sakit mula sa aking tagiliran. Tinignan ko ng may pagtataka si Emay dahil sinundot niya ako. Ngumiti naman siya na parang kinikilig

"Ikaw ha. Naguusap pala kayo?" Ngiting sabi niya

"Eh ano naman?" Walang ganang tanong ko habang tinitignan siya ng masama

"Jowain mo na oi!" Kinikilig niyang sabi at hinampas ako sa braso. Hinampas ko rin siya sa braso at tinignan ng masama bago binalik ang tingin sa cellphone

To:ARCHItect

Kakain palang

12:24pm

Tumingin muna ako sa pagkain sa harap ko, nilapag iyon ni Aki lahat bago binalik ang tray sa counter.

From:ARCHItect

With?

12:24pm

Nakabalik na si Aki dala ang tatlong kutsara at tatlong tinidor. Kaya binilisan ko ang pag type at sinend ito, bago binalik sa aking bulsa ang cellphone.

To:ARCHItect

With friends.

12:25pm

Iyon ang huli kong reply ulit sa kaniya dahil pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa mga susunod na class namin.

Gabi na nang palabas ako ng campus, bandang alas sais. Kinuha ko kaagad kay manong security guard ang mga lalagyan ng paninda ko, iniiwan dito minsan ni manang Iska kapag gagabihin ako ng uwi kaya nasanay na rin si manong guard sa ganong gawain. Kaibigan naman siya ni papa kaya ayos na ayos lang naman daw sa kaniya.

Dala ko ang tatlong malalaking tupperware habang naglalakad papuntang alabang. Gabi na kasi kaya wala nang nakaabang na mga tricycle sa harap ng campus.

Biglang may huminto na sasakyan sa gilid ng daan kaharap ko at bumusena ito kaya napahinto ako at napatingin. Bumaba ang bintana nito at bumungad sa akin si Archi na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti. Lumapit naman ako sa kaniya na ngayon ay lumabas na sa kaniyang sasakyan. Nakasuot lang siya ng grey na sweatpants habang naka plain white tshirt naman ang pang itaas, may suot rin siyang bucket hat na kulay itim at nakasapatos ng converse na puti. Jacket na checkered nalang kulang mukha na siyang maghihiphop

"Oi Archi" Umangat ako ng tingin sa kaniya bahid ang pagtataka. Lumiwanag naman ang kaniyang mukha ng marinig ang pangalan niya. Nasa harap kami ng streetlight kaya kitang kita ko ang itsura niya

"Hey. Going home?" Nakataas ang dalawang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napatingin naman ako sa sarili ko bago siya sinagot

"Yep. Ikaw?" Tanong ko.

"I want to get tipsy" Sabi niya at tumingin sa ibang dereksyon. Binaba ko ang mga tupperware kong dala bago lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya sa braso kaya napatingin naman siya dito bago tumingin nang derekta sa mga mata ko

"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Malungkot ang kaniyang mukha ng bumaling ulit siya sa akin. Tumango siya bago ako linampasan at kinuha ang mga tupperware na nilagay ko sa sahig kanina. Bumalik siya sa kinatatayuan niya kanina sa harap ko at ngumiti siya na parang walang nangyari.

"Have you eaten yet?" Tanong niya.

"Hindi pa" Simple kong sagot at nginitian siya. Binuksan niya naman ang pintuan ng sasakyan sa shotgun seat

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon