Agad ko namang binalingan ang kasama ko at inaya ng magpakasal. Char. Hahaha. Inayang umalis.

"Tara na!"

Inirapan naman niya ako kaya natawa na lang ako dahil daig pa ang babae kung umirap.

Namayani ang katahimikan sa amin habang naglalakad kaya nag-open ako ng topic.

"Bakit nga pala pumayag kang gawin ang lahat mapatawad lang kita?" tanong ko sa kanya at naramdaman kong natigilan siya.

"Because I just want peace. I just wanna end the war that I started." sagot niya at napatango tango naman ako.

Ah. Kaya pala.

"How about you? Bakit sa dinarami-raming school na papasukan ay dito pa?" seryosong tanong niya at napatawa naman ako.

"Sa totoo lang, rebelde kasi ako. Palagi akong nakikipag-away kaya ang ending ay puro expelled ako..."

"Kaya pala ganun na lang ang suntok mo. Parang hindi pangbabae. Tss." sabi niya kaya natawa naman ako.

"Nasanay na lang siguro. At dahil puro ako palaaway, naexpelled na naman ako at nung umuwi ako sa bahay, saktong pinalayas na ako ng mommy ko..."

Kunot noo niya naman akong hinarap.

"They did what? Pinalayas ka nila?" kunot noo niyang tanong at tumango naman ako.

"Oo pinalayas ako. Disgrace raw ako sa pamilya namin. Ganun naman talaga ang trato sa akin ng pamilya ko e. Kailanman ay hindi nila pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang pamilya. Kaya nga nagrebelde ako e." pagak akong natawa.

"At ayun nga, nung pinalayas ako ni mommy... paalis na sana ako ng may biglang lumipad na papel papunta sa akin. Ibabalik ko sana sa dating lagayan niya pero nacurious kasi ako kaya binuksan ko at nagulat ako na isa pa lang academy. Kaya kinuha ko siya at nagbakasakaling puntahan. Naisip ko rin na siguro panahon na para magbago at patunayan ang sarili ko sa pamilya ko." kwento ko at napatango tango naman siya.

"E ikaw? Paano ka napunta dito?" tanong ko naman naging seryoso naman ang mukha niya.

"This school is normal, at first. We can still go outside but one day, they announced that they will locked this academy. We tried to get out of here but the gate is nothing to be found. That's why, we're stuck here." sabi niya na ikinataka ko.

"Huh? E sabi naman ni Madam Sapphire ay makakalabas ka lang daw kapag nakapaggraduate ka na." sabi ko at umiling naman siya.

"That was a lie." sabi niya na ikinagulat ko.

Huh? Tangina.

"Pero huwag kang maingay. Hindi nila dapat malaman na alam mo na. Just shut your mouth and behave." sabi niya at tumango naman ako habang nakatikom ang bibig ko.

"Close ba kayo ng kambal?" biglang tanong niya kaya napaharap naman ako sa kanya.

"Sina Ate Khezia at Kuya Khendrick?" tanong ko at tumango naman siya.

"Hindi nga e. Nakakatawa lang kasi palagi nila akong inaapi sa bahay. Kailanman ay hindi nila ako itinuring na anak. Hindi ko nga alam kung may nagawa ba akong mali para ganun nila ako itrato?"

Bigla na lamang tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan at tumingala.

Nakita ko namang nakatingin sa akin si Hance kaya nagpilit ako ng ngiti.

"Sorry. Napaiyak pa tuloy ako." sabi ko at umiwas naman siya ng tingin.

Ang sakit pa rin kasi talaga na hindi man lang nila sa akin pinaramdam na mahal nila ako. Pamilya naman nila ako diba kaya bakit parang hindi pangpamilya ang trinato nila sa akin?

May mali ba sa akin?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa kwarto. Hindi na kami nagkibuan matapos ng tanong niya sa akin.

Hindi na rin ako nagsalita nun dahil medyo nagmoment pa ako haha! Naiiyak pa rin kasi ako pero pinipigilan ko lang.

Ayoko kasing ipakita na nanghihina na ako.

Agad kaming nakarating sa room namin at lahat ng mata roon ay sa amin ang tumuon.

Pero ang nakakagulat ay nang may magtanong ng...

"Kýrios, nililigawan mo ba si Zouie?"

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora