Chapter 17

550 28 8
                                    

"Bakit ganiyan ka kung makatingin?" Agad akong nag-iwas ng tingin at napabuntong hininga. Isang oras na yata ang nakalipas magmula nang narinig ko ang mga sinabi niya at hanggang ngayon, pinoproseso pa rin 'yon ng utak ko. Nakauwi na kami sa bahay at siguro, sobra sobra na ang pagkamarupok ko kaya magkatabi kami ngayong nakahiga sa kama.

"Pinalayas ka ba ni Kyla kaya nandito ka?"

Natawa siya nang bahagya, "Hindi. No'ng gabing pinuntahan ka niya, nag-usap na kami bago pa mangyari 'yon. Inamin ko mga mali ko, sinabi kong kailangan naming magbreak. Na I still love you. Matagal niya naman na palang alam na," napabuntong hininga siya saka mariing napapikit. Napasandal siya sa headboard ng kama. "Na nagkikita tayo. Alam niya na 'yon bago pa sinabi ni Julia."

Napabangon siya at naupo sa kama. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. "Taena, ano bang pinaggagawa ko." Bulong niya. Pinagmamasdan ko lang siyang gawin ang mga bagay na 'yon. Mula sa pagkunot ng noo niya, pagpikit ng mata at kung ano pa.

"Ang gago ko." Untag niya na halos nakalimutan niya yatang nandito pa ako. "Mali 'to 'di ba? Hindi dapat tayo magkasama ngayong nagkakagulo ang lahat."

Hindi ko alam kung sinong sisisihin o kung sino sa amin ang pinaka nakakaawa. Si Kyla ba na nagbulagbulagan sa kabila ng ginagawa namin ni Jovi. Si Jovi na litong lito sa feelings niya o ako na talunan at nagtetake advantage sa nalilitong si Jovi para pagtaksilan si Kyla.

"Pero gusto kitang makasama. Mababaliw ako kaiisip kapag malayo ako sa 'yo." Nilingon niya ako at hinawakan sa pisngi. "Sorry. Ang selfish ko para mahalin ka." Pareho niya ng hawak ang magkabila kong pisngi.

"Mahal din kita." Untag ko dahilan para bahagya siyang napangiti.

"Can I. . . stay here?"

"Tingin mo ba makakatanggi ako sa 'yo?" Imbes na sumagot ay niyakap niya ako. Sobrang higpit na nagsasabing ayaw niya na akong pakawalan. Sa gawing 'yon, kaninong puso ang hindi matutunaw?

"Magsisimula tayo ulit. Bukas, ipapakilala kita kina Ma---"

"Sandali, hindi ba sobrang mabilis ang mga pangyayari?"

"Sinabihan ko na sila noong isa pang araw. Nagulat silang break na agad kami ni Kyla pero syempre wala naman silang magagawa."

"Tangina. Ang gago mo. Bakit mo pa niligawan si Kyla kung iiwan mo lang naman? You act as if hindi siya kawalan sa 'yo." Napabuntong hininga siya.

"Alam ko namang gago ako. Pero hindi naman sa gano'n. Naging special din naman siya sa akin pero mas hindi ko kakayanin kapag nawala ka ulit sa akin."

Mahina ko siyang sinampal, "Matulog ka na. Daig mo pa ang lasing. Ang corny mo." Tinalikuran ko na siya at agad na nahiga

Natawa siya, "Sorry. Ang tagal ko namang kinimkim 'to, pagbigyan mo na."

"Kung talagang sure ka na sa desisyon mo, ayusin mo muna ang lahat. I won't date you in public, ayoko ng may sabit o ayokong maging sabit ulit."

"Sorry. Sorry, aayusin ko."

"Okay. Good. Doon ka sa kabila matulog." Untag ko saka siya sinipa paalis sa kama. Nakonsensya pa ako nang marinig ang malakas na pagbagsak niya pero agad din naman siyang nakatayo dahilan para sabay kaming natawa.

"Okay," nakangiting wika niya. Nang malapit na siya sa pinto ay muli niya akong nilingon. "Good night, Baby." At saka niya mabilis na isinarado ang pinto.

"Fuck you! Ayusin mo muna lahat!" Sigaw ko bago napatalukbong ng kumot. Napayapos ako sa sarili habang ramdam na ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso. What the hell, aatakihin na yata ako sa puso.

No RestrictionsWhere stories live. Discover now