Chapter 8

537 27 23
                                    

Napabuntong hininga ako matapos bumaba ng jeep. Iritable kong ibinaba ang paldang binigay ni Arriane. Langya, hindi ko lubos maisip na tibo ang babaeng 'yon dahil sa dami ng mga pambabae niyang damit. Dahil wala akong dalang kung ano sa bahay niya, napilitan akong humiram at isang maikling palda ang binigay niya.

Napailing na lang ako saka nagsimulang maglakad. Natigil lang ako nang makita ang kotse ni Joseph na nakaparada sa tapat ng bahay. Nakasandal siya sa hood at naninigarilyo.

Biglang nagflashback sa utak ko ang nangyari at kagagahang ginawa ko kagabi. Although smack at mabilis lang 'yon, hindi pa rin 'yon tama.

"Nandiyan ka na pala," untag niya saka mabilis na inapakan ang sigarilyong hinihithit. Napaiwas ako ng tingin.

"Ah oo."

"Nasa likod 'yong mga gamit mo." Aniya kaya napatango ako. Mabilis akong umikot at binuksan ang kotse niya para kuhanin lahat ng naiwan kong gamit. Nakita ko pa ngang kasama roon ang itim na jacket ni Jovilyn.

Nilingon ko siya, "Salamat." Saka ako mabilis na tumalikod. Hindi ko lang inaasahang hahawakan nito ang braso ko dahilan para matigil ako sa paglalakad.

"Bakit?" Saglit siyang nag-iwas ng tingin bago binitawan ang kamay ko. Parang may gusto siyang sabihin na hindi masabi.

"Have a nice day," at saka niya ako nginitian. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bahay.

Hindi na ako nag-abala pang ayain siya sa bahay. Guilty ako. Kahit lasing pa ako o kung ano pang dahilan, maling halikan ko siya lalo na at girlfriend niya ang kaibigan ko. Hindi ko rin alam kung anong dapat na maramdaman gayong hindi niya 'yon inopen. Pero syempre mas malaking parte sa utak ko ang nagsasabing mas okay 'yon. Siguro magkukunwari na lang kaming walang nangyari at ibaon na lang 'yon sa limot.

***

Napahawak ako sa balikat dahil sa pananakit no'n. Namanhid yata ang kamay ko sa kagagawa ng report. Hindi pa naman ako 'yong tao na mahilig magpaliban ng gawain kaya pasado alas sais na yata ako nakalabas ng school.

Bukod pa ro'n, nakakapagod talagang magturo. Kaya kapag naaalala ko 'yong mga panahong nagagalit at naiirita ako sa teachers, napapailing ako. Hindi biro ang trabaho namin. Report dito report doon. Sulat dito sulat doon. Magtuturo hanggang sa mapaos. Tapos may mga gawaing bahay pang naghihintay.

Napaigtad ako nang magvibrate ang cellphone, saglit akong tumigil sa gilid para tingnan at sagutin ang tumatawag.

Si Aya 'yon kaya agad akong napabuntong hininga. Birthday niya nga pala ngayong araw. Masyado akong naging busy ngayong week para makalimutan. I mean, alam ko naman kung kailan ang date. Nawala lang sa isip ko na ngayong araw na pala 'yon.

"Happy birthday,"

"Gaga, kanina ko pa hinihintay pagbati mo." Bungad niya kaya pareho kaming natawa. "Since wala ka for the past 8 years, hindi pwedeng hindi ka sumama ngayon."

"Pero may klase ako bukas."

"May trabaho rin kami!" Singhal niya kaya nailayo ko ang phone sa tainga. Nakakabingi. Hanggang ngayon para pa rin siyang nakalunok ng mega phone.

"Oo na. Saan ba?" Tanong ko na lang para matigil siya sa kahihimutok. Matagal niya na rin naman kasi akong inabisuhan. Magpapa party yata ang bruha. Sa pagkakaalam ko'y may nirentahan siyang place para sa gabing 'to. Tinulungan siya ni Joseph since medyo maraming connection ang taong 'yon.

Speaking of him, hindi ko rin alam kung paano siya haharapin. Ang totoo niyan, sinasadya kong gabi umuwi para hindi siya maabutan sa labas ng school. Ayokong magkrus ulit ang landas namin. Pero langya, sa sobrang liit ng mundo at dahil na rin sa mga events, hindi ko alam kung maiiwasan ko siya forever. Gano'n na rin si Jovi.

No RestrictionsWhere stories live. Discover now