Chapter 3

603 33 16
                                    

This chapter contains mature content. Read at your own risk.

***

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang magkita kita kami. Palagi lang akong mag-isa sa malaking bahay ni lola. Ang lungkot. Pinapatay ako ng lungkot at ng mga naiisip. Kaya ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at nandito ako ngayon sa bar. Maingay dahil sa sobrang lakas na tugtog. Madilim din at masakit sa mata ang paiba iba at malilikot na ilaw.

Iniungko ko na lang ang ulo sa mesa. Nakaubos na ako ng dalawang bote ng beer pero hindi pa naman ako lasing. Gusto ko lang ipahinga ang isip. Nag-expect ako ng sobra. Sabi kasi nila nakakalimot daw ang alcohol pero bakit lalo ko lang naaalala si Jovi?

Maya maya lang naramdaman kong may kumakalabit sa akin, "Ma'am?" Hindi ako kumibo. Siguradong isa 'yon sa mga waiter. Panay ito sa pagkalabit sa akin. Rinig ko rin ang pagbulong niya na baka sobrang lasing na ako.

"Ma'am, magsasara na po kasi kami mamaya." Untag niya pa bago ako muling kinalabit. Tahimik akong napabilang sa isip kung ilang oras na ba akong nandito? Parang kanina lang, papalubog palang ang araw nang pagpunta ko rito pero ngayon magsasara na sila.

"Ma'am kunin ko lang po ang cellphone niyo ah? Tatawagan ko ang family niyo." Hindi ulit ako kumibo. Iniisip siguro nitong bagsak na ako sa kalasingan. Pinakikiramdaman ko lang ang pagdial nito sa kung sino sino. Naramdaman ko ang pagbalik nito ng cellphone ko sa bag bago siya umalis.

Hindi na ako umaasang may pupunta. Busy ang mga 'yon. Bukod kasi kay Abby, Mama at Papa, wala ng ibang nakalagay sa contact ko. Kung hindi lang ako tinext nina Aya, hindi 'yon madadagdagan ng number ng mga kaibigan ko.

Napabuntong hininga ako. Napapikit ako nang mariin. Pagod na akong mag-isip pero 'yong utak ko kung ano anong iniisip. Para na akong mababaliw. Halos gusto ko na ring bumalik sa Manila. Hindi 'yong ganito, para na naman akong mag-isa.

"Dito po, Ma'am." Narinig ko ulit ang pamilyar na boses ng waiter. "Kanina pa siya nakaungko, mukhang lasing na lasing."

"Gano'n ba? Sige, salamat." Automatic na napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Jovi. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung saan siya galing. Sa trabaho ba o sa bahay nila ni Kyla.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka." Wika ko saka siya tinaboy gamit ang bag. "Alis."

"Lasing ka na." Tugon niya saka ako hinawakan sa braso para itayo. Tinabing ko lang ang kamay niya. Naglapag ako ng pera sa mesa saka nagsimulang maglakad.

"Kaya ko ang sarili ko."

"Sandali lang. Lasing ka kaya iuuwi na kita." Wika nito habang nakahabol sa akin. Hinawakan ulit ako nito sa braso. "Ihahatid na kita sa inyo."

"Bakit ba ikaw ang nandito? Ba't hindi si Aya?" Iritang tanong ko saka tinabing ang kamay niya. Tinulak ko ito dahilan para mapaatras siya. Sa dami ng mga kaibigan ko bakit siya pa? Ayokong makita niya ako sa ganitong ayos. 'Yong wala sa sarili at parang tangang iyak nang iyak.

"Tinawagan ako no'ng waiter." Saka siya napabuntong hininga.

Napatango ako, "Ah. Oo nga pala." Sarcastic akong natawa. Bakit ko nga naman sinave ang number niya? Para ipakitang hindi ako bitter. Para ipakitang masaya naman ako.

No RestrictionsWhere stories live. Discover now