Chapter 14

516 32 15
                                    

Para na naman akong lantang gulay. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Halos ayokong magtrabaho pero kailangan at wala akong pagpipilian. Nawalan ako ng lakas ng loob na kausapin sila, pakiramdam ko ang laki kong epal.

Pakiramdam ko, mas sasaya sila kapag wala ako. Mas masaya sana sila kung hindi ako bumalik. Hindi ko sana nasira ang relationship nina Joseph at Julia. Hindi ko rin sana sinisira ang pagsasama nina Jovi at Kyla.

Lahat siguro ng bagay ay nasisira ko. Para yata akong bagyo, kahit na simpleng presensya ko lang, maraming nadedestroso.

Napabuntong hininga na lang ako saka tinawagan si Abby. Ayoko kasi ng gantong feeling, 'yong mag-isa. Masyadong malungkot.

"Ate?" Agad na bungad nito mula sa kabilang linya. Rinig ko ang malakas na volume ng TV. Mukhang nanonood na naman siya ng mga documentaries tungkol sa mga animals. 'Yon ang hilig niya bukod sa pagguhit.

"Kumusta?"

"Okay naman kami. Ikaw? Bakit ngayon ka lang napatawag?" Hininaan niya siguro ang TV kaya mas lalong naging klarado sa pandinig ko ang boses niya.

"Mabuti naman kung gano'n." Binalot kami ng katahimikan. Matagal 'yon na inakala ko pang pinatay niya na ang tawag.

Napatikhim siya sa kabilang linya, "Okay ka lang ba diyan?"

"Oo naman."

"Parang hindi e. Inaaway ka ba nila? Si Ate Jovi, hindi ka ba niya inaalagaan?" Hindi ko mapigilan ang paghikbi. Ang babaw ng luha ko ngayong naririnig ko ang boses niya. Parang gusto ko na lang umalis dito at bumalik sa Manila.

Malungkot doon pero mas malungkot dito.

Napabuntong hininga siya, "Balik ka na rito. Marami namang tatanggap sa 'yo dahil magaling kang magturo."

"Okay lang ako. Namiss lang siguro kita." Sagot ko na lang para malihis ang usapan. Kababalik ko lang dito, ayokong umabot sa puntong aalis na naman ako.

Natapos ang usapan namin dahil kailangan ko nang mag-asikaso sa kusina. Matagal tagal din kaming nagkwentuhan, nagulat pa nga ako dahil biglang sobrang daldal niya. Ang dami niyang kinukwento tungkol sa school at mga kaibigan niya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil doon.

***

"Good bye, Ma'am." Tipid ko na lang na ngingitian ang mga estudyanteng bumabati sa akin. Balak ko na sanang dumiretso sa sakayan kung hindi ko lang nakita si Joseph.

Wala ang kotse niya at hindi rin siya naka uniporme. Mabilis siyang tumawid at saka ako nilapitan.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Naalala ko lang ulit kung anong ginawa ko. Kung paano ko sila sinira ni Julia.

"Saglit lang." Dagdag niya kaya sa huli ay napatango na lang ako. Nauna siyang naglakad at iginiya ako sa pinakamalapit na coffee shop.

"Anong gusto mong kainin o inumin?"

"Kahit ano." Sagot ko na lang saka inilapag ang gamit sa katabing upuan. Napatango siya saka naglakad papunta sa counter para mag-order. Tahimik at matiyaga akong naghintay.

Bumalik siya dala ang mga inorder niya, "Gusto ko lang magsorry." Panimula niya habang pareho kaming nakatingin sa labas.

Sa totoo lang, ang pangit ng senaryong makikita. Puno ng tao at mga sasakyan, punong puno ang kalsada pero sa kabilang banda, ang sarap ding pagmasdan ng mga tao. Lalo na 'yong mga estudyanteng magkakasama at nagkukwentuhan.

Nakakainggit lang.

"Saan?" Hindi siya nakasagot agad kaya muli akong napabuntong hininga.

Maya maya lang ay nagsalita na siya matapos sumimsim sa kape niya, "I'll be honest, gusto pa rin kita."

No RestrictionsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora