Chapter 6

566 25 8
                                    

"Ba't nandito ka na naman?" Tanong ko matapos makatawid ng daan. Nakaabang si Joseph sa parking lot sa gilid ng parke. Naiiling lang siya saka ako nginitian. Binuksan niya na rin ang pinto sa passenger seat.

"Ihahatid ulit kita." Napabuntong hininga na lang ako.

Ilang araw na rin yata ang nakalipas mula nang pag-uusap namin ni Jovi. Hindi na ito muling lumapit pa sa akin na sa tingin ko ay para rin sa ikabubuti naming dalawa. Masyado lang magulo kapag nagkukrus ang landas namin. Pero hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na palagi siyang nakaabang sa labas ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya tuwing pauwi na ako, minsan pati pagpasok. Nagkukunwari na lang akong hindi siya nakikita.

"Sige, pero sa mall mo ako ihatid." Wika ko kaya napatango siya. Sumakay ako nang walang imik saka inihilig ang ulo sa bintana. Ganoon na naman ang senaryo, nakatingin na naman sa akin si Jovi. Gusto ko sanang itanong kung bakit pero alam kong gugulo lang ulit ang lahat.

"Anong gagawin mo ro'n?"

"Shopping." Tipid na sagot ko kaya napatango si Joseph. Masyado akong pagod ngayong araw. May activity kasi sa school at bukod pa roon, paborito yata akong kulitin ng mga estudyante ko. Madalas, hindi na ako nakakatanggi sa alok ni Joseph. Wala naman siguro akong ginagawang masama 'di ba?

"Diretso ka na ba sa bahay mo pagkatapos mamili?"

"Ewan." Ipinikit ko na lang ang mga mata saka nakiramdam sa biyahe.

Dumilat lang ako nang maramdaman ang marahang pagtapik niya sa balikat ko. "Nakatulog ka ba?"

Napatango ako saka inalis ang seat belt. Nilingon ko rin muna ang mga gamit sa eskwela na nasa backseat.

"Pwede bang ihatid mo na lang 'yan sa bahay?"

"Ha? Bakit? Saan ka ba didiretso pagkatapos nito?"

"Kahit saan." Sagot ko kaya napakamot siya sa ulo. "Hintayin na lang kita."

"Hindi na. Matatagalan ako. Ihatid mo na lang 'yan sa bahay." Huling bilin ko bago siya tinalikuran.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan pupunta. Gusto ko lang maglibang. Sabado bukas at nakakairita namang wala akong tambak na gawain sa school. Ayoko ng ganito, 'yong walang ginagawa. Mas lalo lang akong nakakapag-isip ng kung ano ano. Baka mabaliw pa ako.

Dumiretso ako sa salon saka nagpagupit ng buhok. Gusto ko nga sanang matawa para sa sarili. Naalala ko 'yong nabasa noon, na kapag broken hearted ang babae, nagpapagupit o 'di kaya'y nagpapasalon. Baka totoo nga 'yon.

"Gaano po kaikli?" Tanong ng baklang nasa likod ko. Tinuro ko ang natripang haba ng buhok. Palagi rin namang mahaba ang buhok ko since birth siguro, panahon na para magbago man lang ako ng style.

"Ah bob cut po? Wait niyo po, Ma'am at pagagandahin kita lalo ng bonggang bongga." Nakangiting wika niya kaya nginitian ko na lang din siya pabalik. Naalala kong nakasuot pa pala ako ng unipormeng pang teacher.

Natapos din naman agad ang paggupit sa akin at medyo satisfied naman ako. Hindi naman pala ganoon kasama. Nagbayad ako agad at dumiretso sa loob ng department store.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong naisipang kunin ang unang nakapukaw ng atensyon ko. Isang maroon dress na dalawang dangkal yata ang taas sa tuhod. Hindi na ako nagdalawang isip at agad 'yon binayaran at isinuot sa fitting room.

Pakiramdam ko, para akong nagrerebelde habang naglalagay ng make up at inaayusan ang sarili. Nakakatawang bakit hindi ko naisip na gawin 'to noon? Napailing na lang ako at pinaresan na lang ang damit ng sandals na itim.

Mag-iisang oras din yata ako sa mall kaya hindi ko inaasahang makikita pa si Joseph sa parking lot. Nakasandal ito sa hood ng kotse niya at naninigarilyo.

No RestrictionsWhere stories live. Discover now