Chapter 5

556 33 0
                                    

"Salamat." Nakangiti kong isinara ang pinto ng kotse ni Joseph matapos din nitong magpaalam na mauuna na siya. Nagthumbs up siya bilang pahabol. Saka pa lang ako tumawid pagkaalis nito.

Napabuntong hininga ako nang makita si Jovi na nakatayo sa gilid. Mukhang kanina pa siya nandoon at naghihintay.

"Ayaw mong sumabay sa akin pero sa kaniya okay lang?" Rinig kong tanong nito. Hindi ako umimik at saka lang siya nilagpasan. Dumiretso ako sa loob nang hindi man lang siya inaaya. Napailing na lang ako.

Napapaisip ako kung kailan pa nagsimulang maging successful ang mga kaibigan ko. Hindi na ako magugulat kung bukas makalawa, nakakotse na rin halos karamihan.

Dumiretso ako sa sala. Maya maya pa ay narinig ko na rin naman ang mga yabag ng sapatos niya. Inilapag ko ang bag sa gilid saka siya hinarap.

"Dito tayo mag-usap." Tugon ko at saka napasandal sa bintana. Napabuntong hininga lang siya saka naupo sa nag-iisang mono block na nasa sala. "Wala akong maibibigay sa 'yo. Magtubig ka na lang."

Napatango siya, "Iyong nangyari no'ng isang gabi--"

"Kalimutan mo na lang 'yon." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya para iopen pa ang nangyaring 'yon. Ayokong alalahanin 'yon. Nasasaktan lang ako. Kapag sumasagi sa isip ko ang gabing 'yon, hindi ko mapigilang umasa. Gustong gusto kong umasa pero kapag naaalala kong wala siya no'ng gumising ako, nagigising ako sa reyalidad na hindi na kami pwede pa.

"Kumusta ka?"

"Okay lang," napabuntong hininga ako. "Nagpunta ka ba rito para kamustahin ako?"

"Kumusta ka sa loob ng walong taon." Hindi ako nakaimik kaagad. Bigla kong naalala lahat ng mga kwentong inilaan ko para sa pag-uusap namin sa pagbabalik ko. Ang dami kong baong kwento. Ang dami kong gustong isumbong sa kaniya. Pero nawawalan ako ng lakas ng loob na ibuka ang bibig. Para saan pa?

"Okay lang." Rinig ko ang muli niyang pagbuntong hininga.

"Sorry."

"Saan?"

"Mababaliw na yata ako. Guilty ako... Sobra." Napalingon ako sa kaniya. Nakayuko siya at hindi alam kung saan titingin. Bakas sa mukha niya ang lungkot. "Ngayong nakikita kita, hindi ko na alam. Nakokonsensya ako. Hinintay dapat kita. I... I... I'm very sorry."

"Mas gusto ko pang murahin mo ako. Sumbatan. Sampalin mo ako." Nilapitan ako nito na ikinagulat ko. Hinawakan nito ang kamay ko. "Sampalin mo na lang ako." Namumula ang mga mata niya kaya paanong hindi ako mapapaiyak?

Pakiramdam ko pareho kaming sobrang emotional ngayon.

"B-bakit?" Mayroong malaking bagay na nakabara sa lalamunan ko kaya parang ang hirap magsalita.

"Mas gusto ko 'yon kaysa 'yang nanahimik ka." Tugon nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"Paano ko gagawin 'yon? Kasalanan ko naman. Una pa lang. Inilayo ko ang sarili sa inyo. Hindi kita sinisisi, Jovi. Deserve mo namang sumaya." Ngayong kaharap ko siya nabaliktad na yata lahat ng nasa utak ko. Kung noong mga nakaraang araw, sinisisi ko sa kaniya ang lahat, ngayon hindi na. Alam ko naman sa sariling wala akong karapatang sumbatan siya. Dahil ako naman ang nang-iwan. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari 'to ngayon.

"N-naghintay naman ako..." Nag-iwas ako ng tingin saka pinunasan ang pisngi. Isa siguro sa dahilan kung bakit ayaw kong mag-usap kami ay ito. Alam kong iiyak lang ako. Hindi pa ako handang tanggapin na wala na.

"Alam ko. Nangyari naman na ang nangyari. Masaya ka na kaya wala naman na tayong pag-uusapan pa." Tugon ko saka bahagyang lumayo sa kaniya.

"Ang tagal mong nawala. Noong mga panahong 'yon, para akong mababaliw kaiisip kung kumusta ka. Kinalimutan mo na ba ako? Ayaw mo na ba sa akin? Narealize mo bang lalaki ang gusto mo? Natauhan ka na ba sa kahibangang 'to? Hindi mo na ba ako mahal? Lahat 'yon, Selene... Tiniis ko. Umaasa akong babalik ka pero kasi..."

"Naiintindihan ko, okay?" Bahagya akong natawa kahit peke. Pinipigilan ko ang sariling magalit sa kaniya. Hindi dahil nakahanap siya ng comfort sa ibang tao, may karapatan na akong magalit at sumbatan siya pero inuunahan ako ng matinding selos at inggit. Para akong papatayin ng ideyang 'yon.

Gusto kong sabihin lahat ng naramdaman ko sa loob ng walong taon. Lahat ng mga nasa isip ko. Lahat ng worries na baka hindi niya ako mahintay. Pero lahat 'yon, pakiramdam ko wala ng sense.

"Bakit parang ang dali sa 'yo ng lahat?" Sumbat nito. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Hinarap ko ito at tinitigan ng diretso sa mata.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na asang asa ako sa mga pangako mo Jovi? Sa loob ng walong taon, wala akong ibang naisip kundi ikaw. Ano pa bang gusto mong malaman? Na gusto kong iwan mo si Kyla at bumalik ka sa 'kin? Na hindi okay sa akin ang lahat? Na hindi ako masaya para sa 'yo? Na naiinggit ako at nagseselos dahil hindi na ako? Na gusto pa kita kahit hindi mo na ako mahal?" Ramdam ko ang malalim na paghinga dahil sa sobrang emosyong nararamdaman. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong isigaw lahat. Hingal na hingal ako kahit na wala naman akong ginawang pisikal na gawain. Pagod na pagod akong kimkimin ang lahat.

"Wala naman akong sinabing hindi na kita mahal..." Natigilan ako nang marinig 'yon. Mali 'to 'di ba? May girlfriend siya pero ganiyan ang mga sinasabi niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang pusong matuwa dahil sa sinabi niya.

"Jovi... Naririnig mo ba ang sarili mo?" Nag-iwas siya ng tingin.

"Nababaliw na yata ako." Untag niya saka ako tinalikuran. Naihilamos nito ang mga palad sa mukha niya.

"A-ano pa bang pag-uusapan natin?" Tanong ko habang pinupunasan ang mukha. Pilit kong inaalis sa isip kung anong narinig mula sa kaniya. Dahil alam kong mali 'yon.

"H-hindi ko na alam pa."

"Magiging masaya ako para sa 'yo. Sa ngayon, mahirap pero kakayanin ko naman siguro na kalimutan na lang ang lahat. Na 'wag nang umasang babalik pa 'yong tayo."

Nilingon niya ako dahilan para matitigan ko ang kabuuan ng mukha niya. Simula nang makabalik ako, hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Namiss ko bigla 'yong Jovi na palaging nakangiti. Nagbago na rin ba siya?

"Iyon ba ang gusto mo?" Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong isasagot. "Selene, 'yon ba ang gusto mong mangyari?"

"Oo." Sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya. "Let's just stay as friends."

"S-sige."

Napalunok ako ng sariling laway habang pinakikiramdaman ang mga kilos niya. Nakatayo lang siya ro'n ng ilang minuto bago ko narinig ang paglalakad niya. Nilingon ko ito, nasa pinto na siya. Nakatalikod siya sa akin at nakatigil doon.

Hindi ako umimik at nanatiling pinagmamasdan ang likod niya.

Bigla ako nitong nilingon, "Uuwi na ako." Aniya saka bahagya akong nginitian kahit na alam ko namang peke 'yon. Bakas sa mata niya ang lungkot, may namumuo ring luha roon.

Napatango ako. Ginawa niya 'yong hudyat para maglakad paalis. Naiwan akong mag-isa at tulala.

Grabeng pagpigil ang ginawa ko 'wag lang siyang habulin at yakapin. Napapaisip ako kung tapos na ba? Ito na ba 'yong closure na sinasabi nila? Kung magiging masaya na ba ako pagkatapos nito?

Naupo ako sahig at doon iniiyak lahat ng sama ng loob.

Kailangan ko na siguro talagang tanggapin ang reality. Na wala na kami ni Jovilyn.

No RestrictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon