Chapter 15

507 27 1
                                    

Napabangon ako nang makarinig ng mga katok sa pintuan. Saka ko lang namalayan na ala-singko na pala sa umaga at kailangan ko pang mag-asikaso para sa trabaho. Nanakit ang mga braso, anit at mukha ko dahil sa ginawa ni Kyla kagabi, mabuti na lang at naagapan ni Aya.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Arriane at hindi siya nag-iisa.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang sinusulyapan ang kasama niya. Ngumunguya 'yon ng chewing gum, nakasuot ng sports bra na pinatungan ng denim na jacket, sobrang ikli rin ng suot nitong short. Makapal din ang make up na parang gusto nang takpan ang mukha. Base sa porma, alam ko na kung anong trabaho nito.

"Pwede bang papasukin mo muna kami?" Napairap ako saka niluwagan ang pinto. Walang imik ang babae na pumasok at naupo sa sofa.

"Pasensya na, hindi ko kasi alam kung saan siya dadalhin." Nagkakamot sa ulong sabi ni Arriane habang sinusulyapan ang babae.

"What the hell, sino 'yan?"

"Si Sherry. Nagtatrabaho siya do'n sa bar."

"O? Anong gusto mong gawin ko?" Inis na tanong ko. Bakit ba nagugulo lagi ang buhay ko, nakakabwisit.

"Pwede bang dito muna siya ngayon?" Nilapitan ako ni Arriane saka siya bumulong, "Hindi pwede sa apartment ko, kailangan ko munang maglinis."

"Girlfriend mo?"

"Hindi." Napairap ako saka siya tinalikuran. Peste. Habang tumatagal lalo ko siyang nakikilala. Sino namang mag-aakalang ganyan siya kawild. Napapansin ko ring lately, nagbabago na ang pananamit niya. Hindi na masyadong girly. Hindi na ako magugulat kung bukas makalawa, aamin na siya sa family niya.

"Whatever." Sagot ko na lang saka dumiretso sa banyo. Bahala sila diyan.

"Salamat, Selene! Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob!"

"Fuck you." Sigaw ko pabalik na sinagot niya lang ng tawa.

Pagkatapos kong magbihis ay may nakahain na sa mesa. Mabuti naman at may dala silang pagkain. Gutom na rin naman ako. Ayoko na lang isipin pa 'yon.

"Nga pala," napalingon ako kay Arriane. "Nabalitaan ko 'yong nangyari. Hindi ko ineexpect na gano'n ugali ni Kyla, pati si Julia. Na magagawa niya sa 'yo 'yon." Untag niya kaya napakibit balikat na lang ako.

"Papasok ka ba nang ganyan ang itsura?"

"Anong mali sa itsura ko?" Tanong ko kaya napailing siya samantalang nananatili pa ring walang imik ang babae na Sherry ang pangalan.

"May mga kalmot." Hindi na lang ako umimik pa at nagpaalam na mauuna na. Iniwan kong nakalock ang kwarto ko dahil hindi ko naman lubos na kilala ang bagong kalandian ni Arriane. Ewan ko ba sa kaniya at ang hilig lumandi. Bahala siya.

Pagdating sa school, pansin ko ang mga kakaibang tingin sa akin ng mga tao. May ilan pa akong nakitang nagbubulungan habang nakalingon sa direksyon ko. Mangilan ilan lang din ang bumabati sa akin.

Bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko. Mukhang pati rito sa school, nakarating ang issue. Talaga nga namang may pakpak ang balita. Hindi na rin naman nakapagtataka dahil kadalasan ng mga kapit bahay ko ay may mga anak na nag-aaral sa school na pinapasukan ko.

Pagdating sa faculty room ay busy ang mga kapwa ko guro kaya as usual, si Ma'am Anna lang ulit ang bumati sa akin.

"Sikat ka na." Bungad niya habang may sinusulat sa lesson plan.

"Bakit?"

"Hindi ka ba nagbubukas ng facebook?" Naiiling na tanong niya at saka kinuha ang cellphone niya. Ilang segundo rin yata siyang kumakalikot doon bago sa akin pinakita ang screen.

No RestrictionsWhere stories live. Discover now