Chapter 13

508 26 14
                                    

"O, bakit ang tamlay mo?" Napalingon ako kay Ma'am Anna. Heto na naman siya sa walang sawang pagpuna sa akin na para bang ioobserbahan niya ako palagi.

"Pagod lang." Sagot ko saka nagpatuloy sa paghilot ng sentido. Hindi niya na rin ako kinausap pa, siguro nakatunog siyang wala ako sa mood na makipag-usap.

Isang linggo na ang nakalipas mula no'ng nangyari. Hindi na nagpakita sa 'kin si Jovi. Kahit isang text, wala. Mukha akong shit na naghihintay sa kaniya araw-araw. Nakakatanga lang dahil mukhang natauhan na siya.

Hindi na ako nagtagal pa sa skwelahan at agad ring umuwi. Mas lalo lang akong nasstress dahil sa ingay ng kapaligiran. Gusto ko ng pahinga. Gusto ko ng katahimikan.

Pagkarating sa bahay ay agad kong nakita si Julia na nakaupo sa balkonahe. Tulala siya at mukhang hindi man lang namalayan ang pagdating ko.

Napabuntong hininga ako saka siya tinapik sa balikat, "Kumusta?"

Napaangat siya ng tingin saka ako tipid na nginitian. Inaya ko na siyang pumasok. Nagmukhang sala na rin naman kahit papaano 'tong bahay ko, pinakialaman ni Aya. Siya ang nag-order pero ako ang pinagbayad ng bruha.

"Sorry, walang laman ang ref ko. Anong gusto mo, kape o tubig?" Tanong ko habang inilalagay sa gilid ang mga gamit. Wala siyang imik kaya napabuntong hininga na lang ulit ako. Mukhang problemado rin ang isang 'to.

"Inom tayo."

"Ha? Ang aga pa ah?" Hinarap ko siya, "May. . . problema ba?" Nag-aalangang tanong ko.

"Wala naman. Gusto ko lang uminom. Pero sige na, kumilos ka na. 'Wag mo na lang akong pansinin. Mamaya, darating 'yon sina Aya." Napakamot na lang ako sa ulo. Ang sabi ko pa naman, gusto ko ng katahimikan pero mukhang malabong mangyari. Inuman na naman. Ewan ko ba, magmula nang bumalik ako rito sa Bicol lahat na lang ng nangyayari sa buhay ko, involve ang alak.

Hinayaan ko na lang si Julia. Binuksan niya ang TV kaya inabala ko ang sarili sa mga gawaing bahay. May gagawin pa man din akong school works. Bahala na nga.

Pagpatak ng alas siyete, nagsasaing pa lang ako pero nakarinig na ako ng mga ingay. Mukhang nandito na sila. Natigilan lang ako nang maalalang baka kasama si Jovi.

What the hell. Kailan ba tatahimik ang buhay ko?

Hindi nga ako nagkamali, kumpleto na sila ro'n maliban na lang kay Arriane. Anila'y busy raw siya sa trabaho at hindi makakasama. Nakita ko rin si Joseph.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Aya saka nagdive sa sofang inorder niya. Napairap na lang ako, nagkaroon pa ako ng gastusin.

"Hindi pa. Nagsasaing pa lang ako."

"Sakto, may dala akong Gin. Inom muna kayo---"

"Gago." Barado na naman si Clinton. Tawang tawa lang siya habang inilalabas ang mga bote ng alak na dala niya.

"May dalang ulam si Jovi." Sabad ni Sarah.

"Ah hindi na. Diet ako ngayon, kayo na lang ang kumain niyan." Tugon ko saka sila tinalikuran. Hindi ko na rin tiningnan man lang si Jovi. Naiirita ako sa kaniya. Hindi ko lang alam kung anong ikinagagalit ko. Dahil ba hindi siya nagparamdam sa loob ng isang linggo? O dahil ginagawa niya akong tanga?

Baka both.

"Bitter ang lola niyo." Rinig ko pang sabi ni Aya na hindi ko na lang pinansin. Nagbukas ako ng de lata at 'yon ang kinain. Bahala sila sa buhay nila.

Napaangat ako ng tingin nang makita si Jovi. Napabuntong hininga siya.

"Bakit 'yan ang kinakain mo?"

No RestrictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon