Chapter 20

863 39 32
                                    

Hello! This is the last chapter of No Restrictions. Thank you for reading Jovi and Selene's story until the end.

***

"Hoy!" Napabuntong hininga ako dahil sa lakas ng sigaw ni Aya. Lasing na lasing na siya at hindi maawat. Problemado ang bruha sa asawa niya. "Kayo, kayo, kayo. . ." Isa isa niyang tinuturo ang mga kaibigan naming lalaki na sina Joseph, Jeremy at Clinton. "Mga wala kayong kwenta."

"Gago, 'wag mo akong idamay. Matino ako." Natatawang sabad ni Jeremy. Nagkatinginan kami ni Jovi saka sabay na nagkibit balikat.

"Hay nako, kailangan ko nang umuwi, sasamahan ko pang mamasko si Angela bukas." Untag ni Julia at saka nito inaya ang asawang si Joseph. Automatic din yatang napatayo halos lahat, maliban sa amin ni Jovi na hindi na kailangang umuwi dahil sa bahay namin naganap ang inuman.

"Hoy mga gago kayo iiwan niyo ako?" Sigaw ni Aya kaya natawa na lang ako. Tinanguan ko si Jovi kaya sabay naming hinawakan sa magkabilang braso si Aya para pigilan sa pagkuha ng bagong bote. Paskong pasko pero ang drama ng babaeng 'to. Sabi niya meron silang malaking problema ng asawa niya pero nang tinanong kung ano, hindi niya naman masabi. Siguro, kakausapin ko na lang siya bukas kapag matino siya.

Dahil kay Jovi nakumbinse niya ring umuwi ang pinsan ko. Ewan ko ba pero ang galing din ng babaeng 'yon. Kapag nagsasalita siya, very convincing. To the point na halos isipin kong bagay siyang maging sales lady.

"Pagod ka na?" Tanong ni Jovi pagkabalik. Napatango lang ako kaya agad niya akong nilapitan at hinalikan sa noo. "Upo ka na kaya ro'n, ako na rito."

"Signs of aging na yata 'to." Untag ko kaya pareho kaming natawa. "Punta tayo sa park."

"Huh? Madaling araw na." Sabad niya habang nagkakamot pa sa ulo.

"Pasko naman e. Okay lang."

Napabuntong hininga siya, "Sige sige. Tara." Napangiti ako nang hawakan niya ako sa kamay at saka iginiya palabas.

Kahit na madaling araw na, bukas pa rin ang karamihan sa mga bahay. May ibang nag-iinuman at mayroon namang tumatambay lang sa gilid. Ang ganda ng panahon ngayon, hindi umuulan taliwas sa mga nakaraang pasko.

"Pinagpapawisan ka agad, ano ba 'yan." Bulong ni Jovi nang makarating kami sa park. Naupo kami sa bench habang pinupunasan niya ang mukha ko.

"Matanda na ako ganiyan ka pa rin." Komento ko kaya napangiti lang siya.

"Walang age sa love. Sina Mama nga ang tatanda na sweet pa rin."

"Hindi ba tayo pupunta sa kanila?"

"Bukas na lang siguro." Sagot niya saka ako inakbayan. Mula nang nagpunta kami rito, palagi na kaming bumabalik sa pwestong 'to. Parang naging isa na 'to sa memorable na place sa aming dalawa.

"Hindi ko lubos maisip na matatanggap din ako ni Ma." Untag ko habang sinasariwa sa isip ang lahat ng nangyari.

Noong araw na naisip kong umalis ulit, hindi na 'yon naulit pa. Imbes na panghinaan ng loob mas pinag-igihan ko pa para makuha ang loob ng parents niya. Salamat rin kay Kyla at siya na mismo ang dumistansya nang kausapin siya ni Jovi.

Ang daming nangyari sa loob ng sampung taon. Sobrang dami na halos hindi ko na matandaan ang karamihan.

Sina Jeremy at Venice, mayroon ng tatlong anak. Si Aya at ang asawa niya naman ay may isa. Hindi rin namin lubos akalain na sina Joseph at Julia pa rin ang magkakatuluyan. No'ng umalis kasi si Joseph, hindi naman kami nainform na taon ang bibilangin bago siya bumalik. Pasalamat siya at sobrang inlove sa kaniya ang kaibigan ko kaya nahintay pa siya. Si Sarah, nananatiling single paninindigan niya na siguro ang pagiging dalagang matanda pero tingin ko, makakahanap pa naman siya ng sinasabi nilang "The one". Apat na ang anak ni Clinton samantalang si Arriane at Sherry ay mayroong isa. Actually, buntis pala si Sherry noong dinala siya rito ni Arriane at ang gaga kong kaibigan, inako ang bata. Nagkagulo pa nga pero gaya nga ng sabi ni Jovi, may process ding nasusunod. Pagdaan ng panahon ay natanggap din sila ng parents nila.

Ang dami na talagang nangyari pero pakiramdam ko, ang ikli pa ng sampung taong pagsasama namin ni Jovi. Ang dami pa naming gustong gawin. Ang dami pang gustong puntahan. Kapag bakasyon ay nasa Manila kami, doon kami kina Mama. Isang fashion designer si Abby na sobrang unexpected dahil sa hilig niya pero nakikita ko namang masaya siya sa trabaho niya. At palagi rin kaming bumibisita sa parents ni Jovi na ngayon ay tanggap na ako.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, tiwala lang." Nakangiting wika niya saka ako nilingon. "Mukhang ang dami mong iniisip ah."

"Nagrereminisce lang." Natawa lang siya bago ako hinalikan sa pisngi. Sa ilang taon naming pagsasama, hindi nagbabago ang kasweetan niya. To the point na nacoconfuse na ako kung stuck ba kami sa edad na 20's. Araw-araw, walang palya siya kung magpakita ng kamaisan. Syempre hindi maiiwasang mag-away pero mahal lang talaga namin ang isa't isa para maghiwalay pa.

"Ang tanda na natin." Untag ko habang nakatanaw sa ilog at sa bulkan. "Pero hindi pa natin nalilibot ang mundo."

"Gusto mo ba 'yon?" Napatango ako. "Bakit pa lilibutin ang mundo e dinadala naman kita sa langit palagi---"

"Gago ka." Kinurot ko siya sa braso kaya tawang tawa ang loko. "Sisipain kita. Ayan ka na naman sa mga banat mong SPG."

"Sorry na." Tumatawang sagot niya kaya napairap na lang ako. "Anyway, magagawa pa rin naman natin 'yon. At saka ang bata pa natin, 38 ka pa lang. Bakit ba palagi mong sinasabing matanda ka na, mukha ka pa ring baby sa paningin ko."

"Bolera. Seryoso nga." Napakamot na lang siya sa ulo.

"Sige, how about 'pag dating mo sa 40 simulan na natin sa Pinas? May ipon naman tayo."

"Gusto ko sa Palawan."

"Gusto ka ba--" sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang."

"Wala kang kwenta kausap. Dapat iniwan na kita 10 years ago."

Natawa siya saka ako niyakap, "Thank you dahil hindi mo ako iniwan that time."

"Ang tagal na no'n pero halos araw-araw kang nagpapasalamat."

"Dahil thankful ako. Kahit na ang gago ko na no'n, ang dami kong kasalanan, hindi mo ako iniwan."

"Dahil mahal nga kita." Paskong pasko pero heto kami sa park, magkayakap at nagdadrama. Pareho na lang kaming natatawa.

"I love you too, Selene." Wika niya bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi.

Dito sa mundo, isa lang sa milyon milyong storya ng buhay ang sa amin ni Jovi pero masasabi kong masyado itong makulay. Pakiramdam ko, nasa isang journey kami sa malubak lubak na daan. Ang daming humps pero nagagawa namin 'yong lagpasan.

Ang dami kong natutuhan sa lahat ng mga napagdaanan namin. Tinuruan ako ni Jovi na hindi sa lahat ng bagay kailangang takbuhan ang problema. Maliit man o malaki, kailangan 'yong harapin. Masyado lang akong naduwag no'ng una para takasan ang lahat. Narealize kong kaduwagan lang 'yong ginawa ko.

Wala namang nangyaring maganda no'ng tumakas ako. Mas lalo lang gumulo, mas lalong naging malaki ang problema, mas lalong naging kumplikado no'ng naisipan kong bumalik.

Hindi rin tamang isipin na mag-isa ka. Kailangan mo lang iappreciate 'yong mga taong nandiyan sa 'yo. Kagaya ni Aya. Masyado akong nabulag sa fact na hindi na akin si Jovi kaya pakiramdam ko, mag-isa ako. Hindi ko naisip na marami akong kaibigan.

Hindi rin solusyon ang gumawa ng mali para matabunan ang isa pang mali.

Siguro, wala pa kami sa kalahati ng journey na sinasabi ko pero handa ako sa anumang pagsubok dahil kasama ko si Jovi. Hawak kamay naming haharapin at lalagpasan ang lahat.

Mahal namin ang isa't isa at hindi 'yon mapipigilan ng anumang 'bawal'.

***

A/n:

Thank you so much sa matiyaga niyong pagbabasa at paghihintay. Maraming salamat sa follow, votes and comments. Thank you for making this story successful.

Now that we've reached the end of Jovi and Selene's story, pwede niyo po akong tanungin regarding sa story or sa akin, comment niyo lang po. Kahit ano po, itatry kong sagutin (kung merong magtatanong HAHAHA).

Thank you again and Merry Christmas!

No RestrictionsWhere stories live. Discover now