CHAPTER 34:Convo

80 5 3
                                    

----------------------------------------------

A/N:

Sorry ngayon lang ako naka-UD.

Ngayon lang nabawasan ang 'SCHOOL LOADS' ko eh.hehehe.

Buti na lang nangangalahati na ang ME namin.Hehehe.

Sana po mag-enjoy kayo sa pagbabasa.

Support niyo din po yung story nina Yam at Bry.[We're Secretly Married!]

Thanks po.

VOTE.COMMENT.BE A FAN.

------------------------------------------------------

LIAN'S POV:

Nagmamadali ako sa pag-uwi ngayon dahil tumawag sina Mama at Papa kanina na kadarating lang daw nila sa bahay galing sa bakasyon nila sa probinsya.

Grabe!Na-miss ko din sila.Aba! halos tatlong linggo din sila nawala,ah! -_-

Sa sobrang pagmamadali ko nga ay tinextan ko na lang si Zer para sabihing mauuna na ako at hindi na niya ako kailangang ihatid.Di na kasi ako makapaghintay.

Kaya naman pagkapasok ko pa lang ng gate ay agad na akong tumakbo sa loob ng bahay.Nasalubong ko si Nenita,isa sa mga limang katulong namin sa bahay.

"Nasan sina 'Ma at 'Pa?" excited na tanong ko.Hindi ko na itinago ang eagerness sa boses ko.

"Nasa study room,Ma'a---"

Hindi ko na siya pinatapos at patakbo akong pumunta sa may study room na nasa unang palapag din ng bahay namin.Tatlong palapag kasi ang bahay namin at may apat na malalaking kwarto sa ikalawang palapag at tatlo naman sa ikatlong palapag.Nasa ikalawang palapag ang master's bedroom at ang room ko pati na rin ang dalawang guest rooms.May tig-iisang CR at bathroom ang mga iyon.

Ang tatlo namang rooms sa ikatlong palapag ay mga guest rooms din  na may kanya-kanya ding CRs at ginagamit ng mga kaibigan ko sa tuwing naiisipan nilang makitulog dito sa amin.

Sa unang palapag naman ay nandun ang Library or study room,entertainment room(kung saan kami nanonood,etc),living room,dining room,kitchen at ang servants' quarter.

Malapit na ako sa study room nang maulinigan ko ang tila pakikipag-argumento ni Papa sa kung sinumang kausap nito.Nakabukas ng konti ang pintuan kaya dinig sa labas ang mga sinasabi niya.

Na-curious ako nang marinig ang tila galit niyang boses.

Hmmmmm..sino kayang kausap ni Papa?

Imbes na pumasok ay sumilip lang ako.Nakita ko si Papa na may hawak na telepono.Si Mama naman ay tila hindi mapakali habang nakaupo sa may sofa at nakatingin kay Papa.

"HINDI AKO PAPAYAG!"Narinig kong sigaw ni Papa sa kausap nito sa telepono.Kitang-kita ko ang pag-igtingan ng mga ugat sa leeg niya kaya halatang galit talaga siya.

Sino kayang kausap niya?At ano ang hindi niya papayagan?

Nakita kong tumayo si Mama at lumapit kay Papa at masuyong hinaplus-haplos ang likod ni Papa para siguro kumalma ang huli.Pero hindi ito nagsalita with that odd expression on her pretty face.

Kinabahan ako bigla.Ewan ko kung bakit.

Tungkol ba saan ang lahat ng nakikita ko?? >_<

"WALA NA KAYONG KARAPATAN SA KANYA!ANAK NAMIN SIYA!"galit na sigaw ni Papa sa kung sinumang kausap nito.

Lub.dub.lub.dub.

"Sssshhhh..kumalma ka muna,hon,"alo ni Mama na patuloy sa paghaplos sa likod ni Papa.

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon