CHAPTER 8:Honeypie

149 4 0
                                    

DREI'S POV:

ano kayang pinag-uusapan ng dalawa at kailangang sa kwarto pa ni Zer?


Nandoon ako sa sala at nakaupo sa isang pang-isahang upuan.Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at nagpalakad-lakad sabay buntung-hininga.

Nang bigla akong makarinig ng mga papalapit na yabag.Napalingon ako at nakita ko si Lian na bumababa ng hagdan.Medyo nagusot ng konti ang suot nitong sleeveless blouse.Naka-jogging pants at doll shoes ito.Mejo magulo din ang buhok nito at parang namumutok ang labi nito.

dont tell me,may ginawa silang milagro kanina?that fast?

at ayaw ko man ay nakaramdam ako ng kurot sa puso.

Yes,I like this petite girl who is smiling at me.It feels good to see her smile like that.

"para kang pusang di mapaanak jan kanina,ah."sabi nito at naupo sa upuan okupado ko kanina.

Umupo naman ako sa katabing sofa at binigyan ito ng nagdududang tingin.Hindi ko na pinansin ang sinabi niya kanina.I could see something in her eyes.Was it happiness?

Well,compared sa nakita kong expression niya kanina nang mamataan ko siyang naglalakad,ibang-iba na ang aura nito.Ano kaya ang nangyari?

"Anong ginawa niyo ni Zer sa taas?"

I heard her gasp for air and that made me more curious to know what happened upstairs habang ako naman dito ay parang tangang naghihintay.Pinauwi ko na nga rin si Princess,ang kababata namin ni Zer.But she is not just a simple childhood friend,she was....uhmm..Ahhhh,basta!

Pero mas close ito kay Zer dahil nga sila ang magkasama almost all the time mula nang umalis ako ng bansa.

"May nangyari bang di dapat mangayri sa taas?" tanong ko nang hindi pa rin siya sumagot.nakayuko na ito ngayon at nang itaas ko ang baba niya para magpantay ang mga mukha namin ay di siya makatingin ng diretso sa akin.

"Sumagot ka naman.para akong tangang kumakausap ng multo dito eh,"biro ko sa kanya.Obviously,uncomfortable ito.

Magsasalita na sana ito pero bago nito iyon magawa ay may tumikhim na sa may punong hagdan.Nalingunan ko si Zer na nooy bagong paligo.

Napakunot ang noo ko.May usapan kami na maglalaro pa ng basketball mamaya kaya nga ako umuwi agad matapos ang meeting ko with my band.Bakit nakaligo na ito?

"Insan,anong ginagawa mo?"Naglakad na ito palapit sa kinaroroonan namin.Binitawan ko na ang baba ni Lian at tumayo.Tumayo na din si Lian.

Pagkalapit ay inakbayan nito si Lian.Nakita ko pa ang pagkagulat sa anyo ni Lian.Halatang di inaasahan ang ginawa ni Zer.Pero hindi naman ito pumalag o kaya ay kumalas sa pagkakaakbay ni Zer dito.Nag-eye contact pa ang mga ito at tila nakalimutang nasa harap nila ako.Nginitian ni Zer si Lian na ginantihan naman ng huli ng isang napakatamis na ngiti na noon ko lang nakita.

Para putulin ang titigan nila ay tumikhim ako.Maglandian ba naman sa harapan ko.Tsk!

"ehrrrrmmm.Baka nakakalimutan niyo,nandito pa ako.Bumalik na kayo sa Mother Earth,utang na loob at baka mamaya niyan mapuno na itong bahay ng mga langgam sa sobrang tamis ng ngitian  ninyo jan,"pakaswal kong wika at iniiwas na sa kanila ang tingin.

Ramdam ko ang pag-antak ng sakit sa puso sa nasaksihan ko.Seems like I would never have the chance to be with My Pretty Angel.I know,ngayon lang kami nagkakilala.But i like this girl already.I dont know why or how.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong kumalas si Lian sa pagkakaakbay ni Zer na tila napahiya sa sinabi ko.Pero hindi ito hinayaan ni Zer.Hinapit pa nitong lalo palapit sa katawan nito si Ms.Pretty Angel ko.

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon