CHAPTER 30:Back Together

92 5 4
                                    

VON'S POV:

Hay!Ang boring naman ng life ko.Tsk!

Nakapangalumbaba ako sa table sa canteen habang hinihintay ko na bumalik si Cas.Siya kasi ang kumuha ng pagkain naming dalawa.Alas tres na kasi at nagugutom na kami.

Dalawa lang kaming magkasama ngayon dahil may iba't-ibang gagawin ang mga katropa namin.

Si Angel,tiyak na hinahabol--este kinukulit na naman si Drei para pasalihin sa banda ng mga ito o di kaya ay kasama na naman si Dylan at nagco-compose na naman ng bagong song at sabay nilang lalapatan ng tune churva churva...

Si Gelo naman,siguro kasama niya si Gracie at nagpa-plano ng susunod na extreme activity na gagawin ni Gracie.Hmmmmmm..siguro nagpaplano na naman iyon na sumali sa isang triathlon  o di kaya ay sa isang motorbike o car racing.Tsk!Parang hindi babae.

Isa pa,napakabata pa niya pero puro extreme sports and sinasalihan niya.Tsk!Parang may death wish,eh! -_-

Si Dallas naman,baka nagsusuntukan o nagsisipaan na naman iyon at si Jayden.Ganun naman sila palagi eh.Konting bagay lang eh nauuwi sa suntukan at sipaan.Palibhasa magaling sila pareho sa Martial arts at Taekwondo.Pati na rin ata Judo.

Well,magkakaklase daw sila nina Gracie noon pa mang bata pa sila.

Yeah,I know what you're thinking.Napakabata pa ni Gracie kumpara sa dalawa.Pero ang sabi naman ni Dallas eh nakakasabay naman daw si Gracie at fast-learner kaya di rin masyadong nahirapan yung teacher nila.

Ang galing lang eh no!

Naaalala ko tuloy ang isang napakahalagang tao sa buhay ko na nagturo sa akin ng martial arts.Matagal na siyang wala pero hanggang ngayon,iniisip ko pa rin siya.At nasasaktan pa din ako sa tuwing naiisip ang dahilan ng pagkawala niya.............

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

NO!

tama na ang pag-iyak!

walang magagawa ang pag-iyak ko para ibalik ang mga bagay na tapos na!! =_="""

Inhale.

Exhale.

Calm lang dapat.

Anyway,si Princess naman,baka kasama si Gino.

Si Yam,siguradong kasama si Bry.Nakita ko silang sabay umalis ng campus kanina eh.Malamang manonood sila ng sine.Wala na kasi silang klase eh.Samantalang kami ni Cas ay may klase pa hanggang 6 pm.

Si Nathan naman at Luis,magkasama din.Sabi ni Nathan,magbabasketball daw sila.Ewan ko ba sa dalawang yon,hindi na nagsawa sa paglalaro ng basketball eh halos araw-araw  silang naglalaro nun.Heks!

Ang hindi ko pa lang nakikita ay sina Lian at Zer.

Hmmmm..kumusta na kaya ang dalawang iyon?Ayos na kaya sila?

Sabi ni Cas gumawa daw ng paraan sina Dallas at Prin para mag-usap ang dalawa.Successful kaya iyon?

"BANG!"

"Ay kabayo!"Napatalon ako sa kinauupuan ko.

Marahas akong lumingon para singhalan ang kung sinumang nanggugulat sa akin.

Nabitin ang lahat ng sasabihin ko nang makita ang smug na ekspresyon ng mukha ni Angel.

hay naku!Masasayang lang ang lahat ng sasabihin ko pag itinuloy ko ang una kong naisip.

"So,anong iniisip natin at mukhang napakalalim?"Umupo siya sa katapat kong upuan na para kay Cas.Naku,bahala silang mag-away mamaya tungkol sa upuan.

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon