CHAPTER 38:Lastly

57 1 0
                                    

ZER'S POV:

Nagmamadali ako habang papunta sa Yam's.Kanina pa nandoon si Lian at hinihintay ako.She told me we're having a date,again.Halos araw-araw na kasi kaming nagde-date nitong nakalipas na mga araw.

I dont know but this past few days,ramdam ko na may nagbago kay Lian.Hindi ko lan matukoy kung ano.Wala naman kasi siyang sinasabing anupaman.

Pero madalas ko siyang nahuhulingnakatitig sa kawalan at mukhang may malalim na iniisip.Kung tinatanong ko naman siya kung ano ang problema ay ngingiti lang siya at sasabihing walang problema.Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot na hindi ko matukoy ang dahilan.

Nang sa wakas ay makarating ako sa Yam's,agad ko siyang hinanap.Nakita ko siya na nakaupo sa isang sulok at nilalaro-laro ang orange juice sa harap niya.Mukhang wala na naman siya sa sarili niya at nasa malayo ang iniisip.Para tuloy gusto ko magselos.

Tsk!Tsk!

Nilapitan ko na siya.

Umupo agad ako sa katapat niyang upuan.Para pa siyang nagulat nang bigla siyang mag-angat ng tingin at makita ako.Pero saglit lang at umaliwalas agad ang mukha niya.I can see her trying so hard to hide those misery in her eyes.

Damn! Alam niyo ba yung feeling na nakikita mo ang mahal mo na malungkot at mukhang may napakalaking dinadala pero wala kang magawa dahil hindi mo alam ang dahilan nun at kahit gustuhin mo pang malaman iyon upang kahit papaano ay makatulong ka pero hindi dahil ayaw i-share sa'yo.

Damn!Nakakafrustrate lang siya,peksman!

"So,ano ang gagawin natin ngayon,sweetie?"malambing na tanong ko.I smiled sweetly at her.Ganoon din ang ginawa niya and damn,my heart skipped a beat.

"Since tapos na tayong mag-stroll sa amusement park,mag-movie marathon at kung anu-ano pa,for a change,ikaw naman ang magdecide ngayon,hon,"nakangiti pa ring sagot niya.

Whoah!Hindi ko inaasahan iyon,ah.

Hmmmmm..ano kaya ang magandang gawin namin?

"Uhm,before anything else,may I just ask a question?"nananantiyang tanong ko as I look intently at her reaction.

May saglit na dumaan sa mga mata niya na sa sobrang bilis ay di ko masyadong nakita.But was it panic?

Naging mailap ang mga mata niya."Ahm...sure.Ano ba yun?"

"Well, this past few days kasi,napapansin ko na....parang may nag-iba sa'yo.."

"A-ano naman ang mag-iiba sa akin?"Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at kunwa'y inaabala ang sarili sa pagtingin sa labas.

"Lian,look at me,"I demanded.

Atubili siyang tumingin sa akin."Is there something wrong?May dapat ba akong malaman?"I asked softly.

Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mukha niya pero hindi niya tinangka na magsalita.Nakatingin lang siya sa akin.Then minutes later,may pagmamakaawa akong nakita sa mga mata niya.

Hayyy!I think I get it.Ayaw na muna niyang pag-usapan namin iyon.Fine.Maghihintay ako hanggang sa maging handa na siya para pag-usapan ang kung anumang bagay na gumugulo sa isipan niya ngayon.

"it's okay,hon.Kung hindi ka pa handang pag-usapan natin iyan ngayon,I'll wait hanggang sa maging handa ka na,"malumanay kong sabi then I smiled at her.

She smiled hesitantly.

Inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa.Nanlalamig ang mga iyon.ikinulong ko iyon sa mga palad ko.

"It's okay really,hon.You don't have to force yourself to tell me kung anuman ang gumugulo sa isip mo ngayon.It's just that,gusto ko lang  makatulong.I can't bear to see you bothered and problematic."

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon