CHAPTER 39:Necklace

61 3 0
                                    

----------------------------------------------

Sorry,guys.sinoshort cut ko na ung ibang events.hehehehe. para hindi na masyadong humaba pa tong story.Siguro mga more or less 15 updates pa bago matapos tong story.. :D 

isusunod ko na ung We're Secretly Married agad-agad.hahaha :D Sana po magustuhan din ninyo.

Ang dami kong gustong isulat dahil andaming plots na nakadraft na kaya lang ayoko pang simulan yung iba dahil baka maguluhan ako sa mga ina-update ko eh.hehehe:D 

si Jayden[Bi Rain] o! -------------------------->

ENJOY READING.

VOTE.COMMENT.BE A FAN!!! :D :D :D 

---------------------------------------------------------

LIAN'S POV:

Masyadong mabilis ang pagdaan ng mga araw.Tapos na ang school days at birthday ngayon ni Zer.Bukas na rin ang pag-alis ko.Tinawagan na ako ng real parents ko kaninang umaga para ipaalala ang tungkol sa sinabi nila.

Hindi ko pa rin sinasabi sa mga kaibigan ko at kay Zer ang tungkol sa mga natuklasan ko tungkol sa pagkatao ko at sa pag-alis ko bukas.Basta ipinaramdam ko sa kanila kung gaano sila kaimportante at kung gaano ko sila kamahal.Hindi ko lang alam kung nakakahalata na sila.

Hindi ko rin sinabi sa mga parents ko na balak kong umalis bukas kasama ang tunay kong mga magulang.Sigurado naman kasi akong pipigilan nila ako.Ayoko yun dahil alam kong magsa-suffer sila.I can't afford to do that to them.Mahalaga sila sa akin at mahal na mahal ko sila.Hindi ko sila hahayaang masaktan.

Nandito kami ngayon ni Zer sa rooftop ng condo building na pagmamay-ari ng pamilya ni Jayden.Kinausap ko si Jayden tungkol sa sorpresang inihanda ko para kay Zer.Pagkatapos ng party sa bahay nila ay inaya ko siya papunta sa rooftop na 'to.May inihanda akong fireworks display para sa kanya.Afterall,this is my last moment with him.One more thing,this day is important to him since it's his birthday.

"Zer...."mahina kong sambit sa pangalan niya.

"Hmmmmmm...."bulong niya habang hinahaplus-haplos ang hair ko.

Tiningala ko siya.Tumingin din siya sa akin kaya nagtama ang paningin namin.

Heto na naman yung feeling na parang kami lang dalawa sa mundo.Haaayyyy!!Kelan kaya ito mawawala? ^__^

 "Zer,paano kung bigla na lang akong...."di ko matapos ang sinasabi ko.Parang may bumara sa lalamunan ko na ewan.Di ko rin matagalan ang titig niya kaya iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya saka tumayo at naglakad patungo sa may gilid.

Tinanaw ko ang buong kapiligiran.Ang ganda!

May iba't-ibang klase ng ilaw na nakakakalat sa buong siyudad.Sa isang parte,nakita ko ang hugis-puso na nabuo mula sa mga ilaw.

Astig ah! ^__^

Ipinikit ko ang mga mata ko at lumanghap ng hangin.Bigla ay naramdaman ko ang lamig kaya napayakap ako sa sarili ko.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ang pagyakap ng kung sino sa akin mula sa likuran.Sisigaw sana ako kaya lang naisip ko bigla na si Zer yun kaya isiniksik ko pa lalo ang sarili ko sa kanya.Nakapikit pa din ako.

Gusto ko kasing damhin ang bawat sandali.Bawat sandaling kapiling siya dahil hindi ako sigurado kung kailan ulit ito mangyayari.

Maaaring matagal na panahon pa ang lilipas o maaaring hindi na.Pero hindi,hindi ko hahayaan na tuluyan kaming maghiwalay ng taong pinakamamahal ko.Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat makabalik lang ako sa kanya.

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon