Chapter 5:Ready?

145 5 0
                                    

NAGISING ako nang walang tigil na nag ri-ring ang cp ko na nasa bedside table.Sa sobrang ingay ay di ko magawang basta na lang ignorahin.Although fave ko ung song--wherever you will go--- ay nainis ako dahil iniistorbo ako sa pagkasarap-sarap kong tulog.

Ilang oras pa nga lang ako nakakatulog dahil napuyat ako kagabi sa kakahintay ng reply ni My Labs,Drei---isa sa mga crush ko!!EEEIiiiiiii!!!

"Sino naman kayang bwisit ang nang-iistorbo ng ganito kaaga?"

pagtingin ko sa alarm clock na nasa bedside table ay nalukot ang ilong ko dahil alas-cinco pa lang ng umaga at mga 3 am na ako nakatulog.

Hindi ko na tiningnan ang caller dahil muli kong ipinikit ang mga mata ko kaya bigla akong napadilat nang marinig ang magandang boses ng nasa kabilang linya.To make sure,tiningnan ko ang cp screen pero unregistered no. ang tumatawag.

pinkainggan kong mabuti ang timbre ng boses ng umaawit sa kabilang linya.In fairness,nakakatanggal ng stress ang boses.It was soothing.Hmmmmmm...

"If i could,then I would,I'll go wherever you will go...Way up high..or down low,.. I'll go wherever you will go......."

tas biglang tumigil sa pag-awit.Nabitin ako!

"Did you miss me,sweetie?" biglang sabi.

"Miss ka jan.MIss-in mo yang mikha mo 'no!Ano bang problema mo at nang-iistorbo ka ng ganto kaaga?At sino ba nagbigay sayo ng no. ko?At sinong nagsabi na awitin mo ung fave song ko?"sunod-sunod na tanong ko.

"Hey,easy Sweetie.Isa isa lang ang tanong mahina ang-----"

"At sinong nagbigay sayo ng karapatan na tawagin akong 'sweetie'?"

"Listen.Sasagutin ko lahat ng tanong mo pero hinay-hinay lang,ha.Mahina ang kalaba---"

"Anong ma----"

"I said let me talk first!"

Natahimik ako dun.Sinamantala naman yun ng mokong para magsalita.

"Unang-una tumawag ako para i-remind sayo na magkikita tayo ngayon at kelangan pumunta ka dito sa bahay dahil may mahalaga taoyng pag-uusapan.Pangalawa,si Gino ang nagbigay ng no. mo.pangatlo,lahat ay may karapatan na awitin ang gusto nilang awitin lalo na pag may maganda kang boses.Aminin mo,nagustuhan mo ang kanta kong yon 'no?"

"Con---"

"hep hep hep.Wag ka na kasing umangal pa.I-appreciate mo na lang.Mahirap ba yon?"

"A---"

"Lastly,ako ang bf mo kaya may karapatan akong tawagin ka sa anumang pangalan o tawag na gusto kong itawag sayo.Satisfied?Ano pang tanong mo,sweetie?"

"Hoy Mister!FYI natutulog yung tao kaya pwede ba huwag mo na akong istorbohin sa susunod?maliwanag?"

pilit kong nilalabanan ang kilig na nararamdaman ko when he called me sweetie.Alam ko kasi na thats just for the sake of our 'drama'.Takteng drama naman  yun oh!pssshhh!!

"Natutulog ka pa rin ba hanggang ngayon?"

"Urgggghhh.. Ewan ko sayo!Jerk!" sabay patay ng tawag. Padabog kong inilapag yon sa bedside table saka nagtalukbong ng kumot at pinilit na makatulog ulit pero hindi na ako inaantok.

Masasagot ko ba tawag niya kung natutulog pa ako?Heks!STUPID!

Bwisit ang mokong na yon!Hindi na tuloy ako makatulog ng dahil sa kanya!At hindi rin mawala sa isip ko ang inawit niya kanina.Para pa ngang naririnig ko pa yun,eh.

Bumangon ako at kinuha ko ang cp ko saka ko p-i-nlay ang version ng Boyce Avenue ng Wherever you will Go originally by The Calling....

NAIZZER'S POV

Nangingiti kong inilapag ang cp ko sa tabi ko habang ini imagine kung ano ang histura ni Lian nang tawagan ko siya kanina.Sinadya ko talaga siyang tawagan ng ganoon kaaga para asarin siya.Alam ko kasing puyat siya sa kakahintay sa reply ni Drei.Alam ko yun dahill ka-sama kong naglalaro ng video games si Drei kagabi habang ka-chat nga nito si Lian.At pinayuhan ko si Drei na wag nang reply-an si Lian.HIningi kong favor iyon sa pinsan ko na ngayoy alam kong natutulog pa din sa kwarto niya.

Yes.Pinsan ko si Drei sa father's side.Kapatid ng dad ko ang dad niya pero konti lang ang nakakaalam niyon.Illegitimate kasi ang dad niya.Anak iyon ng lolo namin sa sekretarya nito na humaling na humaling dito.

Minsang lasing ang lolo namin dahil iniwan ito ng lola ko matapos ang isang mainit na pagtatalo tungkol sa pambababae raw ng lolo ko na kalaunan ay nalaman nilang isinusumbong ng sekretarya ng lolo ko sa lola ko.Siyempre ay gawa-gawa lang iyon at iyon ay para sirain ang pagsasama ng dalawa.

Pinuntahan ni Miranda(sekretarya ng lolo ko) ang Lolo Edmund ko at dahil lasing ang lolo ko at frustrated ay madali itong naakit ni Miranda.Hindi alam ng lolo ko kung ano ang gagawin nang malamang nagbunga ang nangyari sa kanila ni Miranda.Nang malaman naman iyon ng mga magulang ni Miranda ay itinakwil ito.Dala ng awa ay pinatira ng Lolo ko si Miranda sa isang Condo na pag-aari nito hanggang sa makapanganak ito.

Namatay si Miranda sa panganganak kay Tito Richard--dad ni Drei. Pinalaki,inaruga at minahal ng lolo at lola Emilia ko ito.Itinuring ni Emilia na parang tunay na anak kahit nga ba nagsisilbi itong ala-ala ng pagtataksil ng lolo ko dito.Pero dahil mahal nito ang lolo ko ay tinanggap nito iyon.May anak na ang lolo at lola ko noon.Si dad iyon na nooy 8 yrs old at ang ate nitong si Vanessa na 12yrs old naman.

Hindi ginamit ng Tito Richard ang apelyido ng Lolo Edmund  dahil kabilin-bilinan iyon ni Miranda bago ito tuluyang malagutan ng hininga.Humingi ito ng tawad sa lahat ng kasinungaling hinabi nito para magkasira ang mag-asawa.nakiusap din itong alagaan,mahalin at palakihin ng tama ang anak nito sa lolo ko na siya namang tinupad ng mag-asawa.napatawad na ito ng mga grandparents ko.

Ang gamit ni Andrei ngayon na apelyido ay ang apelyido ng lola Miranda nito na siya ring gamit ng dad nito---Mirasol. 

Halos sabay kaming lumaki sa iisang bahay bago pa magdesisyon ang mga magulang nitong manirahan sa Amerika 8 yrs. ago. Drei was 8 yrs. old then and I was 9.Isang taon lang ang agwat namin kaya naman sobrang close kami sa isat-isa.lahat ng nilalaro ko ay nilalaro din niya.Lahat ng gusto ko ay gusto din niya.kaya nga sobra akong nalungkot nang umalis ang mga ito.

At ngayong bumalik na siya sa bansa ay sinusulit namin ang mga pagkakataong magkasama kmai para gawin ang mga bagay na nagawa na sana namin dati kung di lang umalis ang mga ito.Pero hndi alam ng karamihan na sa bahay namin ito nakatira dahil hindi kami sabay na pumapasok.Iyon kasi ang kagustuhan ni Drei dahil ayaw daw nitong makilala sa campus dahil lang sa akin na kilala bilang "Boy of the Bad Boys" ng grupo nilang The Cassanovas! Gusto raw nitong makilala with his own efforts kaya naman bumubuo ito ng sarili nitong banda sa campus, ang ILM Band(ILOVEMUSIC) kung saan ito ang lead vocalist ng banda. Nasa lahi namin ang pag-awit dahil singer din ang lolo Edmund .In fact,gusto nga niya nitong maging part niyon pero tinanggihan ko iyon.Hindi ko kasi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang pag-awit.Actually,si Lian pa lang ang kinantahan ko.

Pag kasi umaawit ako ay sinisiguro kong walang tao sa paligid.So kontin lang ang nakakaalam na magaling dina kong kumanta and I like it that way.Ayoko ng dagdag na stress sa buhay ko.

There is something in me that wants to sing whenever Lian is around.Then I thought of singing as a way of expressing my emotions which I cant show.It was also my way of making Lian like me.I'd do everything to make her like me kahit nga ba alam kong hindi ang tipo ko nang tipo niya.And that is according to her.

Obviously,ang mga tipo ni Lian ay ang mga tipo ni Drei---rugged handsome,gentleman, and a musician.Mga kalog din na katulad nito.

Actually, I'm handsome din naman and a gentleman and a musician.Pero duda ako kung alam iyon ni Lian.At gagawin ko ang lahat to make her see that side of me.I'll make sure of that!

"

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon