Chapter 2: Where it began

188 9 2
                                    

LIAN'S POV:

I took a deep breathe! Inhale,exhale! paulit-ulit kong sinsabi sa sarili ko. Naku ano ba naman kasi 'tong napasok ko. Hay!Buhay! Bakit pa kasi kailangan si Naizzer ang ipalit kay Gino samantalang pwede  namang iba na lang.

Hindi naman sa ayaw ko kay Naizzer. Kaya lang naman kasi eh takot ako dito. Hindi ko naman sinasabing nakakatakot ang hitsura nito---ang gwapo gwapo kaya nito,as in!! Kaya nga crush na crush ko ito pero secret lang iyon at di ko ipinapaalam sa grupo dahil ayaw kong tuksuhin nila ako. Baka marinig pa iyon ni Gino o di kaya ay malaman iyon ng buong barkada at katakot-takot na pang-aasar ang abutin ko. mehehe! ^__^

. Actually, mas natatakot ako para sa kaligtasan ng puso ko. Takot ako na kapag nagkalapit sila ni Naizzer ay mauwi sa pagmamahal ang nadarama kong attraction dito. 

Lian, ano bang sinsabi mo?Magkalapit agad-agad?HIndi ba pwedeng magpanggap lang muna? Malay mo,wala siyang balak na makipaglapit sa'yo.Isa pa,Pagmamahal?Hindi ba pwedeng Crush lang muna or mere ifatuation? Masyado atang malalim ang salitang pagmamahal! kontra ng kontrabidang parte ng utak niya. ^_-

Oo nga naman. Masyado na nga namang advanced ang utak ko.Hay! Siguro kaya hindi ako makapag-isip ng matino ay dahil sa kaalamang makakapartner ko ang ultimate crush ko.

"BANG!" pabiglang tinig sa likuran ko na may kasamang tulak!

"AAAAAAHHHHHHH!!!"

Napahiyaw ako  sa sobrang pagkagulat, tuloy ay napatingin sa akin ang mga taong naglalakad sa sidewalk na yon. nakakahiya tuloy!At muntik pa akong matumba kung di ko lang naibalance agad ang sarili ko.

Binalingan ko ang tatawa-tawang si Naizzer at hinampas ito ng ubod lakas.Saka ko pinamaywangan nang hindi pa rin ito tumigil sa kakatawa. GRRRR!!!!

"Tumigil ka nga!Para kang gago na tumatawang mag-isa!" kunwari ay galit na sabi ko pero sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko na naririnig ang tawa niya. Para bang isa iyong napakagandang tugtugin na dapat kong pakinggan.

OOOOOppppssss!!! ano na naman ba tong sinasabi ko? O,O???

Nang tumingin ako uli sa kanya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin! SHEMEMAY!! Huwag mo akong tignan ng ganyan at baka matunaw ako! gusto ko sanang isigaw sa kanya! Pero di ko na lang ipinahalata na matutunaw o naiilang ako sa titig niya. DUH!! bakit ko siya bibigyan ng kasiyahan?! 

"O, bat nakatingin ka sa akin?"

Ahrrrr!! Stupid! bat ko ba itinanong yun?! arrrrggghhh!! >3<

"Bawal ba? Sa pagkakaalam ko, hindi bawal tignan ang isang tao-----"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil siguradong aabutin kami ng isang buwan pag hinyaan ko  siyang magpatuloy sa kanyang "message".

"AHHHH! cut it out! akala ko ba paplanuhin natin kung pano maging best couple?"

"Well since ang partner ko ay out of this world, wala akong magagawa kundi hintayin siyang bumalik. HIndi naman maganda kung dadada na lang ako dito pero di ako pinapansin ng taong kinakausap ko, di ba?" nakangising litanya nito. 

Pinigilan kong palakihin ang butas ng ilong ko. Baka ma wa poise ako! hehe.Ma-TO pa sa akin. =_=+++

"watever! tara na nga!" at nagpatiuna na ako sa paglalakad papunta sa bahay namin. Doon namin napagkasunduang pag usapan  ang gagawin namin para sa pagpapanggap namin bilang best couple against our friends. Ang ginagawa naming ito ay para sa ipinangako naming tutupad kami sa kung anuman ang ipapagawa ng mga ito. Natalo kasi kami sa isang pustahan noon. 

Isa iyong basketball game kung saan pumusta kami sa kalaban ng The Casanovas at natalo ang kalabang iyon since magagaling naman talaga ang the Casanovas sa larong iyon. Paanong hindi eh halos araw-araw na naglalaro ng basketball ang mga ito.

Pangatlong beses pa lang ito at ito na ang huli. Dahil tatlo lang ang kasunduan namin na ipapagawa sa kung sinuman ang matatalo sa pustahang iyon. Di naman kasi namin akalaing ganun ang ipapagawa sa amin. Kumbaga trip trip lang ito at kilala ko si Gino na frustrated matchmaker. Hindi iyon alam ng iba dahil ako lang ang nakakaalam niyon. HIndi sa sinabi nito iyon sa akin kundi dahil nakikita ko iyon sa mga ikinikilos niya. 'Ika nga, "actions speaks louder than words".

Isa pa, kung sino ang pinakamagaling magpanggap among us ay siyang may karapatang mag-utos ng kung anumang gugustuhin niya sa kung sinuman sa grupo at hindi pwedeng tumanggi ang "kung sinuman" na iyon na mapipili ng best couple.

Nung una ay kami ni Gino ang best couple dahil mas marami kaming napaniwala na kami na nga. Kami lang kasing magkakagrupo ang may alam ng ganung deal kaya hindi alam ng mga tao sa paligid namin na nagpapangggap lang kami.

Ang napili naming parusahan ay si Yamille at si Bryan. Minsang nag-camping kami ay ang mga ito ang ginawa naming katulong.Sila ang pinagbitbit namin ng mga mabibigat na gamit namin.Sila ang gumawa ng lahat ng gawain habang on-going ang camping na tumagal din ng isang linggo.

Sumunod namang nagwagi ay sina Yamille at Bryan na nagawa ding papaniwalain ang mga tao sa paligid namin. Ginawa kasi ng mga ito na parang part of their love story ang pagkapikon ni Yamille kay Bryan. Na kesyo may gusto lang daw si Yamille kay Bryan na siyang dahilan kaya pikon ito sa huli.Pati nga kami ay muntik nang mapaniwala.

Ang ginawa naman ng mga ito ay pinagawa nila ng assignment nila sina Dallas at  Jayden ng dalawang buong linggo! maswerte kami ni Gino dahil di nila kami binalikan.hehe.. Kuya kaya niya si Gino! hehe. ^__^

Ang problema ko lang ngayon ay kung paano magwawaging best couple.Plano ko pa namang parusahan si Gino dahil ni hindi niya ako binalaan na ang makakapartner ko ay si Naizzer. Para di na ako nabigla at ganitong wala akong kaplano-plano! sana man lang nakapagready ang beauty ko no!

Pano na to? Ni hindi nga ako makatingin ng diretso sa hudas na nasa likuran ko eh! At ni hindi nga ako  makapagsalita at makapag-isip ng maayos pag malapit siya eh. Pano pa kaya kung kailangan naming magkalapit ng husto or worst magahalikan at magyakapan bilan parte ng pagpapanggap namin.?? OMG!!

Lian! tumigil ka nga! censored masyado yang isip mo eh! yan ba dinudulot sayo ng pagbabasa mo ng mga love stories? gumising ka nga! sigaw na naman ng kontrabidang parte ng utak ko.

After a long journey, nakarating na kami sa bahay.

hah! malas mo Gino, ipinagpalit mo 'ko! makikita mo! nagngingitngit ang kaloobang naisaloob ko na lang.

Ang partner nga pala ni Gino ay isang malapit daw na kaibigan ni Naizzer na wala na akong balak pang alamin dahil asar pa ako sa kolokoy na yun! hmpft!

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon