CHAPTER 10:Two of us

103 5 0
                                    

LIAN's POV:

Nasan na kaya ang mokong na 'yon?Kanina pa ako dito ah.Ano kayang nangyari dun?


Nasa canteen ako nun at nakapangalumbaba sa mesa habang hinihintay ko si Zer.May usapan kasi kaming sabay kaming magmemeryenda ngayon bilang parte na rin ng 'pagpapanggap' namin.Actually kanina ko pa siya hinihintay dahil 10:00 ang usapan namin at nandito na ako ng 9:50 pero hanggang ngayong 10:30 ay wala pa siya.11:00 am pa naman ang next class ko.

For the nth time,tumingin ulit ako sa relong pambisig ko (10:32) then sa phone ko na nun ay nakalapag sa mesa ko.Hinihintay ko kasing magtext siya para man lang sabihin kung di siya makakarating  para di naman ako mukhang tanga sa kakahintay dito at umalis na.kanina panga nakatingin sa akin ang isang tindera dito sa canteen.Marami kasing estudyanteng kumakain at  wala nang bakanteng upuan.Malamang iniisip nito kung paano ako papaalisin.Kanina nga din siya parang anghahanap para ipakaladkad ako sa guard palabas eh base na rins a paraan ng pagtitig niya sa akin.

Kanina rin ako text ng text sa kanya pero ni ha ni ho ay wala siyang reply.Ayaw ko naman siyang tawagan dahil baka na klase pa yun at mapagalitan pa pag biglang nagring ang phone sa gitna ng klase.

Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi ako kumain ng breakfast kaninang umaga sa pagmamadali,as usual.

Naku!pag di dumating ang mokong na yun,I swear,sasakalin ko siya pag nagkita kami.Ginutom na nga ako eh pinagmukha pa akong tanga sa kakahintay sa kanya.Naku!siguraduhin lang niyang darating siya kundiii.......O kayay siguraduhin niyang may maganda siyang rason kung bakit di niya ako sinipot.

Di ko pa naman pwedeng tawagin ang mga katropa ko dahil siguradong natapos nang magmeryenda ang mga ito kasama ang kanya-kanyang 'partner' o kung di naman ay nasa klase ang mga ito.

Tuwing nangyayri ang 'trippings' ng mga The Casanovas ay hindi kami masyadong nagkikita o nagkakausap o di kayay nagkakasama dahila abala kami sa kanya-kanyang gimmick para sa make-believe 'couple' thing.Pero pag natapos naman an ang mga iyon ay nagbobonding kami ng walang katapusan.

Kung within 5 mins. ay wala pa ang unggoy na 'yon,aalis na talaga ako dito!Bahala na!


Tumingin ako sa relo(10:35).Pag wla pa siya ng 10:40,aalis na ako.

Hindi ako tumitingins a relo ko o di kaya ay sa phone ko habang hindi inaalis ang tingin sa may pintuan,hoping na makita ko ang pigura ng taong hinihintay ko.Pero habang lumilipas ang mga minuto ay nawawalan na ako ng pag-asa na duamting na siya at nang sumapit na ang 10:40 at wla pa siya ay tumayo na ako bitbit ang mga gamit ko at nilisan na ang canteen kahit gutom na ako.Wala na kasi akong time para kumain pa.Naubos iyon dahil sa paghihintay ko sa unggoy na si Zer.

humanda kang NAizzer Vanne ka!Kakalbuhin talaga kita pag nagkta tayo!Magtutuos tayo kaya huwag na huwag kang magpapakita sa akin,bwisit ka kung ayaw mong makalbo!

gggggggggggggrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!You better have a great explanation for this!


Grabe,talagang literal na umuusok sa galit,inis,pagkaaasar ang ilong ko habang paalis ng canteen.Kaya nang makasalubong ko si Angel ay hindi ko siya pinansin kahit nginitian pa niya ako.

Pagdating ko naman sa room kung saan ang next class ko ay si Mr.Makulit Admirer ang napagbuntunan ko ng inis ko.Nasinghalan ko tuloy siya dahil kinukulit niya akong lumabas daw kami this weekend.Actually,matagal na rin niya akong kinukulit at noon ko pa sinabi sa kanya na hindi pwede.Lagi akong gumagawa ng rason para tanggihan ang paanyaya niya to the point na kinakakutsaba ko pa ang tropa para patutuhanan ang mga palusot ko gaya ng may lakad ang tropa (kahit wala naman talaga),may sakit ang nanay ko at gusto kong alagaan personally(kahit hindi naman talaga dahil my mom always make sure she's healthy--very concern nga ito sa health nito kaya malabong magkasakit ito.Ganun din ito sa amin ng dad ko.Palagi nitong  sinisigurado ang kalusugan namin.Kung nandun lang din ito sa bahay,pinipilit niya akong magbreakfast and have a healthy diet to the point na halos siya ang nagpeprepare ng meals namin or snacks.Bumibisita din siya sa gym ng 4 times a week at angjojogging sa subdivision every other day with my dad.Very strict din ito sa diet nito kaya kahit 40 yrs. old na ito ay maganda pa rin ang tindig nito at maayos ang pangangataawan.HIndi kagaya ng ibang mommy na napapabayaan na ang sarili sa pag-aasikaso sa pamilya.My mom can take care both of us and herself.Ayon dito,time management lang daw iyon.)

Actually,gwapo naman si Fabricio at mayaman.When it comes to physical appearance,yung mga tipo niya ang pinakagusto ko.Gentleman,responsable,matalino,mabait,macho,at magalang din ito.Kaya lang ay ayaw ko sa taong sobrang kulit at wala nang alam gawin kundi kulitin ako sa tuwing nagkikita kami.Kaya nga ayaw ko sa subject na ito dahil magkaklase kami.

Ilang beses ko na siyang tinanggihan pero hindi pa rin niya ako sinusukuan.Ang palagi nitong sinasabi kung tinatanong ko siya kung bakit di pa rin siya sumusuko sa pangungulit sa akin ay iisa lang ang sinasabi nito,na kesyo gusto raw niya akong talaga at hindi siya mapapagod na kulitin ako hanggang sa pumayag akong lumabas kasama siya.Minsan nga natutukso akong pumayag na lumabas kasama siya kaya langa y baka umasa lang ito ng higit pa dun.Kaibigan lang kasi talaga ang tingin ko sa kanya at hindi na lalagpas pa dun.Wala akong balak ihanay ito sa marami kong crush no!Hindi sa kung anupamang rason pero dahil I think he deserves someone better than me.Nanjan naman si Irish na halata ang malaking pagkakagusto dito.And I think they're perfect for each other.Mabait,magalang,marespeto at matalino din si Irish kaya match na match sila.Hindi naman sa sinasabi ko na hindi ako matalino,mabait,magalang,marespeto,responsable,atbp pero kasi.......Ah basta!Wala akong gusto ni katiting kay Fab.Period!

ZER'S POV:

Naku!siguradong magagalit sa akin ang Honeypie ko sa hindi ko pagsipot sa usapan namin.


Ginagawan ko kasi ang Honeypie ko ng poem at dahil masyado akong engrossed sa ginagawa ko ay di ko namalayan ang oras at yun,pagpunta ko sa canteen ay wala na siya.

Muli kong sinulyapan ang hawak kong poem na nakasulat sa isang special paper at napabuntung-hininga.Nasa tambayan ako ng tropa nila sa may likod ng library.Nagtext na ako sa kanya kanina para ipaalam na hihintayin ko siya dun at magpapaliwanag ako.Malapit na ang dismissal nito kaya naman nagsimula na akong kabahan.

Sana po maintindihan niya ako.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Lian na papalapit sa kinaroroonan ko.Blangko ang ekspresyon ng mukha niya.Agad akong tumayo para salubungin siya.Humalik ako sa pisngi niya nang makalapit ako sa kanya.Hindi siya umiimik at umupo sa bench.

I sighed then looked at her intently.Diretso lang ang tingin niya at parang wlang kasama sa paligid.

Tumikhim ako para kuhanin ang atensiyon niya pero hindi pa rin siya tumingin sa akin.Lumuhod ako sa harapan niya para magpantay ang mukha namin.Hinawakan ko ang baba niya at inharap sa akin.Our eyes met.Then there was that familiar feeling whenever our eyes met.Hindi ko amexplain ang feeling na 'yon.

I felt the fast beating of my heart.I smiled at her.She didnt smile back.

"Okay.Sorry kung hindi ako sumipot sa usapan natin kaninang umaga.Im sory.It was really my fault."

Hindi pa rin siya nagsalita.

"Well.wala ka man lang bang sasabihin?"

tahimik pa rin siya.Nakatingin lang siya sa akin.

"Ganito kasi iyon.I was making a poem for you at dahil sobra akong engrossed sa ginagawa ko ay di ko na napansin ang oras.Nang pumunta ako sa canteen ay wala ka na roon.SOrry na,Honeypie."Then I kissed her on the temple and hug her.HIndi man lang siya kumilos.
Malapi na talaga akong mapikon sa inaasal niya na parang wala man lang pakialam sa akin.

"Nasan na ang poem?"

Bigla akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.Then i saw her smiling  at me.I hugged her once more and showed her the poem i made.It was entitled "the Two of Us".It was about me and her.Na noong una ay hindi man lang nagpapansinan then suddenly naging magpartner.

Binasa niya ang poem at nakia ko ang paglukot ng mukha niya.

"Bakit?"

"Bakit ang sabi dito ugly duckling?"

"Joke lang yan.Kung gusto mo papalitan ko yan."Ngumiti ulit siya .

"Yan!dapat palagi kang nakangiti para di ka ugly duckling!So,forgiven na ako?"

"Forgiven.just dont do it next time and be sure to inform me kung hindi ka makakarating at nang hindi ako nagmumukhang tanga sa kakahintay sa wala at nang hindi ako nagugutom!"

"Sorry.SO uwi na tayo.Hatid na kita.

"Okay."
Holding hands kami habang papunta sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang aking BMW.

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon