CHAPTER 32:Basketball

78 3 0
                                    

---------------------------------

Dylan at that side-------------------------------->

Check him out!hehehe!!! 

ENJOY READING.

VOTE.COMMENT.BE A FAN.

--------------------------------------------------

PRINCESS' POV:

Ano bang pumasok sa isip ni Lian at hinamon niya ng one-on-one basketball match si Zer?

Hindi ba niya alam na magaling ang The Casanovas sa larong iyon?

Sa tingin ba  niya mananalo siya kay Zer?Eh yun nga ang dahilan ng lahat ng kalokohan ni Gino sa best-couple-whatever di ba?Tsk!

Hindi nga ako manalo nalo kay Zer pag naglalaro kami ng basketball eh,si Lian pa kaya?

Mukha pa namang hindi siya masyadong marunong.Tsk! 

"Princess,nakita mo ba si Drei?"-Angel

Nilingon ko siya.Nasa kanan ko siya.Katabi naman niya ang iba pa 'nilang' katropa kasama ang respective partners ng mga ito.

'Nila' dahil hindi pa naman ako officially kasama sa tropa nila.

"Pakialam ko ba dun?"Nakaingos kong sagot.

bakit ba sa akin niya tinatanong kung nasaan ang halimaw na yun?Paki ko ba dun?

Pero our of curiosity,inilibot ko din ang paningin sa paligid hoping to see a glimpse ot the devil.

"Lookin' for me?"

"Anak ng---!"Napatalon ako sa gulat nang may biglang bumulong sa may malapit sa tenga ko.

Nang lumingon ako ay ang nakangising mukha ni Drei ang nakita ko.

GRRRRRRR!!!!!!

"ANO BANG PROBLEMA MO?!"

Nangangalaiti ako sa inis.Parang gusto ko siyang sipain hanggang sa malayo o upakan para burahin ang ngisi niya.

"Whoah!Chill,babe."

Nakataas pa both hands niya habang tatawa-tawa.

Noon ko napansin na kasama niya si Dylan.Nakangiti si Dylan habang pinapanood kami.

Isa pa to eh!Ano ang nakakatuwa at ngingiti-ngiti siya ng ganun?!

"Babe-in mo yang mukha mo,MONSTER!"

"Oh!Thanks.Alam ko namang MONSTER ang kagwapuhan ko."

Inis na tinalikuran ko siya.Baka hindi ako makapagpigil at masuntok ko siya ng wala sa oras.Mahirap na.

Baka maabutan pa ako ni Darren.

hmmm..speaking of Darren,nasan na kaya ang lokong yun?

I glanced at my wristwatch habang nakatingin sa may pintuan ng gymnasium nina Lian.Nagbilin naman kasi si Lian sa mga kasambahay na papasukin si Darren kapag dumatign siya.

Yes,kilala siya ni Lian at ng iba pa dahil ipinakita ko sa kanila ang picture ni Darren.Binigay niya yun sa akin minsang ayain niya akong lumabas.

Mula kasi nung magkakilala kami sa bar ay halos panay ang labas namin.Okay lang naman yun kay Gino dahil wala naman siyang balak manalo sa sarili niyang kalokohan.

"Nandito lang ako sa tabi mo."

Napalingon ako sa nagsalita.Kunot na kunot ang noo ko.

Ano pa bang ginagawa nito sa tabi ko?Balak ba talaga niya akong inisin hanggang matapos ang laro nina Lian at Zer?

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon