Chapter 3: The Plan

181 6 1
                                    

"Hay! ano ba namang buhay to!"

nakatanaw ako sa hardin ng mama ko habang nakatayo sa terrace at nakasandal sa barandilya. Kakauwi lang ni Naizzer dahil pinagplanuhan naming mabuti ang mga gagawin namin para manalong best couple ng grupo. I just hope it all turns out well. -_-

Tumingin ulit ako sa relo ko at nalaman kong alas-nuwebe na pala kaya mas mabuti pang matulog na ako dahil maaga pa ang klase ko bukas.kahit nga ba alam kong mahihirapan akong makatulog lalo na't hindi maalis-alis sa isip ko ang nangyari kanina.......

"Uy, magsalita ka naman dyan.Kanina pa ako salita ng salita dito pero mukhang nasayang lang ang laway ko dhil nasa ibang mundo ka. Please naman, bumalik ka nga rito."

"Huh?"  >?<

Kaya lang naman ako hindi nagsasalita ay dahil mas gusto kong titigan na lang ang mukha ng nilalang na nasa harap ko dahil baka hindi na ako mabigyan pa ng chance na gawin iyon. hehe.!

Yun tuloy nakakunot na ang noo nito dahil obviously ay napansin nito na hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. >3<

tumikhim muna ako bago ako nagsalita. 

"Uhm, ano nga ulit yung sinasabi mo?" pa-cool na tanong ko na para bang hindi ako napahiya sa sarili ko dahil huling-huli na nakatitig ako sa kanya.

Bumuntung-hininga muna ito at sumandal sa sofa na kinauupuan nito. Nasa loob kami ng aking silid at tanging ito lang ang 'kaibigan' kong lalaki na pinayagan kong pumasok sa silid ko. Kaya maswerte talaga ito.. hehe. Si Gino nga eh ni minsan hindi ko pa  pinapapasok sa silid ko kahit anong pilit ang gawin niya.

"una sa lahat, gusto ko lang malaman,may gusto ka ba sa akin o wala?"

ano raaaww??? Emeged! nahalata ba niya ako? Gosh, sana po hindi. 

PANIC ang peg ko!!

Relax Lian! huwag kang magpahalata na nagpapanic ka !

"ano bang pinagsasasabi mo dyan? hoy, FYI, wala akong gusto sa'yo no! you're not my type!At hindi ka pwedeng ihanay sa mga CRUSHES ko 'no!" pa-cool na sabi ko at iningusan pa ito.

Nakup!masaydo ata akong defensive ah! errrr!!!

"sigurado ka?" 

nagulat na lang ako nang paglingon ko ay ang nakangising mukha nito ang sumalubong sa akin! ayun speechless ang beauty ko at di ko na magawang mag-isip ng matino dahil ang tanging nagawa ko ay salubungin ang mga mata niya na animoy may sinasabi pero di ko lang maintindihan. napatitig ako sa mamula mulang labi niya at ganun na lang ang pagnanais kong halikan iyon.

ngewwwkkksss.tumigil ka nga Lian!kababae mong tao ganyan ang iniisip mo!maghunus-dili ka naman uy!

Napansin kong napatitig din siya sa labi ko at sa sobrang lapit niya sa akin ay nag-aalala akong baka marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko. At nang unti-unting bumaba ang mukha niya ay napapikit na lang ako at hinintay na dumampi ang labi niya sa labi ko pero imbes na sa labi ko ay sa may malapit sa  tenga ko lumanding ang labi niya sabay bulong:"Ganyan ba ang walang gusto sa akin?"

doon ako biglang natauhan kaya malakas ko siyang itinulak. tatawatawa lang ito habang pabalik sa inuupuan nitong sofa kanina samantalang ako naman ay pilit pinakakalma ang damdamin ko dahil ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. hindi ko rin alam kung paano ko tatakpan ang pisngi ko na alam kong nang mga sandaling iyon ay namumula na parang kamatis. Ramdam ko naman kasi ang init.Whoooo!!

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon