Chapter 48 Two

375K 6.4K 198
                                    

Graciela's POV

Madaling-araw na ng magising ako dahil parang may humahalukay sa lalamunan ko. Nagtatakbo ako sa may banyo at doon inilabas ang lahat ng kinain ko kanina. Naramdaman kong may kamay na humahagod sa likod ko.

Its been months since we got back together. Masasabi kong masaya ako. Masayang-masaya kahit na mahirap ang magbuntis. Mabuti na lang at nandito si Yvo palagi sa tabi ko kahit sobrang busy niya sa office. Madami kasi siyang naiwang trabaho lalo na at nag-leave ulit siya ng isang linggo nang makabalik ako. Hindi siya pumayag na hindi ako lumipat sa suite niya. Nagpaiwan naman si Giana sa bahay namin. Mabuti na rin daw iyon para daw matuto siyang maging independent.

"Are you okay,sweetheart? Gusto mo tumawag na ako ng Doctor," inabutan niya ako ng tissue at isinunod ang isang baso ng tubig. Pagkatapos kong i-flush ang toilet ay tumayo na ako. Agad naman niya akong inakbayan. Pinubasan niya ang pawis ko gamit ang towel.

"Normal lang ito sa buntis. Ano ka ba!" Sagot ko.

"I cant help but to worry. Gabi-gabi ka na lang nagsusuka. Kapag nakikita kita na nahihirapan pakiramdam ko Im worthless. Because I dont know what to do to lessen your stress."

I hugged him tighter. " Thats not true! Dont ever think like that. Isipin mo na lang na lahat ng hirap na ito ay para sa little dragon natin. Okay?" Alam na rin niya ang kwento sa likod ng pagtawag ko sa baby namin na little dragon. Hindi nga siya makapaniwala na sa kanya nanggaling iyon.

He heaved a sigh. "Okay." He kissed the top of my head. "Are you hungry though?"

"Yes!" I exclaimed.

Natawa ito. " What do you wanna eat?"

"Hotdogs please!? At tsaka ice cream."

"Alright! Magluluto lang ako. Antayin mo na lang ako dito."

"Sasama na ako sa'yo sa kusina."

"Maiinip ka lang doon."

"Hindi yan."

"Kulit mo." aniya. Hinawakan nito ang isang kamay ko at inakay na ako palabas ng kwarto.

Nang nasa kusina na kami ay kusa na akong umupo sa bar stool. Habang siya naman ay naghalungkat ng kakailanganin niya sa pagluluto.

"We only have ube ice cream, sweet."

"That will do." sagot ko.

Inilabas na nito ang maliit na lalagyan ng ice cream. Nagsalin na ito sa isang maliit na bowl.

Siya ang nagsabing maliit lang kunin namin dahil baka hindi ko raw mapigilan ang sarili ko. Which is true kasi kaya kong ubusin ang isang buong container ng isang upuan lang. Sabi niya i-spoil daw niya ako pero kailangan unahin ang health namin ni little dragon. Kahit naman pinagbibigyan niya ako sa mga kaartehan ko ay nirerespeto ko pa rin ang mga desisyon niya para sa aming tatlo. After all,we're going to be a family soon.

"Here you go." Inabot niya sa akin ang mangkok na may lamang ice cream. Agad ko itong nilantakan.Nagsimula na rin itong magprito.

"Yvo,you still remember that I do have a check up tomorrow at 10 right?" napalingon ito sa akin na nakakunot ang noo. Bukas na rin namin malalaman kung ano ang gender ng baby namin.

"Oh shoot! I totally forgot sweetheart. Im sorry." lumapit ito sa akin with a worried face.

Pilit akong ngumiti.

"Its alright. At tsaka I understand naman na abala ka sa kumpanya." pinasigla ko na lang ang boses ko para hindi niya mahimigan na nagtatampo ako. Ayoko na siyang bigyan pa ng dagdag na iisipin.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon