Epilogue Part 2

310K 4.4K 361
                                    

Graciela's POV

Tahimik ang lahat ng matapos ang presentation ko. Lahat sila ay kanya-kanyang lingon sa katabi na para bang hinihingi ang opinyon ng bawat isa. Kinakabahan akong tumingin sa team ko na nakatayo sa gilid. Matagal rin namin na pinaghandaan ito.

It's been two years since I started working as an architect sa firm ni Ivan.We are a firm that does mostly institutional,academic and residential projects.Pagkakuha ko ng lisensya ko ay agad nga akong kinuha ni Ivan para magtrabaho sa firm niya. Wala pa akong na-handle na malaking proyekto kaya ibinigay ni Ivan sa team ko ang paggawa ng concepts para sa itatayong bagong buildings ng Pacific University. Apat na firm na ang nagpropose ng concept para dito. Ako ang ipinadala ni Ivan para mag-representa mula sa firm niya. Kaya ayoko siyang biguin.

Hindi dahil apo si Ivan ay mapupunta na agad sa kanya ang proyekto. After all may construction team ang University. Nakasalalay sa Director ng Design and Construction ng University ang verdict kung sino ang makakakuha ng project. Kasali rin ang matataas na opisyales ng University ang narito ngayon at nanonood sa akin. Well, except sa President dahil may meeting ito sa mismong oras ng presentation ko. Secretary lang niya ang nandito para kuuha ng minutes.This is not their first time seeing the design. Nakapag-present na rin kami dati pero wala pang changes sa blueprint noon. And it was just a brief meeting with the Director.

Nabuhayan ako ng loob ng makita kong tumatango-tango ang iba. I clasped my hands silently wishing and hoping that they will give this project to us. It will mean so much to our carreer as an Architect.

"Well, we were looking for changes that meets the campus and the community together. It should be historic in size, scope and significance..." the director paused.

I smiled nervously.

"And we believe that your team meet these requirements. We will contact you in a week to finalize everything so we can start the construction." nakangiting dugtong ng Director sa kanyang sinasabi kanina.

Lumapit ako para makipag-kamay sa Director. "Thank you for the trust that you have placed in us."Tumango siya sa akin.

"That was a great concept,Mrs Villareal. Congratulations! I was really impressed." nakangiting puri niya. I smiled back. "I was expecting to see any of the Villareal here," dugtong niya.

"I told them to stay away from here," pabirong sagot ko. Napatawa naman ito. Hindi naman lihim sa kanila na asawa ako ng isang Villareal. Sabi ni Ivan ay walang kaso iyon. Hindi naman daw nila kamag-anak ang magdedesisyon. Naniniwala akong nakuha namin ang project dahil na rin sa kakayahan namin at hindi dahil sa isa na ako sa Villareal.

"Well then. I will just see you next week?"

"Yes. Thank you again."

Lumabas na siya ng conference room.Nakipag-kamay rin ang iba sa akin at sa team ko. They were all congratulating us.

Nang kami na lang lima ang natira dito sa board room ay nagyakapan kami. Nakahinga ako ng maluwag. Na-dehydrate ata ako doon sa sobrang pawis ko dahil sa nerbiyos.

Ilang gabi rin namin na pinaglamayan ang pag-aayos ng concept. Ilang araw na rin nagtatampo sa akin si Yvo dahil binabalewala ko na raw siya. Kung ano-ano na ang dinadahilan niya para makonsensiya ako. Sobrang nami-miss na raw niya ako. I miss him too. Kaya lang gusto ko lang matapos ito agad para regular na makapag-bonding kami. Siya na ang halos naghahatid-sundo sa mga bata nitong nakaraang linggo.

Kung kanina tahimik kami. Ngayon naman ay sobrang ingay.

"Grabe! Naiiyak ako sa sobrang tuwa. hindi napunta sa wala ang pagkakaroon ko ng sobrang itim na eye bags." sabi ni Ali habang inaayos ang laptop na ginamit para sa presentation. Sumang-ayon naman ang iba.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon