Chapter 49 Birthday

425K 6.1K 260
                                    

Graciela's POV

"Call me when you're done talking to Giana. So I could pick you up. Okay?" bilin niya nang makababa na ako ng sasakyan niya. Inihatid niya ako dito sa bahay namin pagkatapos mag-lunch. He has to go back to his office since he moved his meeting to one in the afternoon. Dumaan muna ito kanina sa office bago niya ako sinundo para samahan sa clinic. "Or huwag na lang ako bumalik ng opisina. Sasamahan na lang kita dito."

"Nge! Iyan ka na naman." kanina pa kasi ito nagdadalawang-isip kung babalik siya ng opisina o hindi dahil sa kalagayan ko. "I'll be fine. At tsaka narinig mo sinabi ni Phoenix kanina, healthy kami ng mga little dragons mo. Dapat nga ako na lang ang nag-drive patungo rito kasi kaya ko pa naman. Ikaw lang eh,wala kang bilib sa akin."

Napailing na lang ito. "Oo na. Hindi na rin ako papasok sa loob dahil baka hagisan na naman ako ng kapatid mo ng paso."

Napatawa ako. Noong ipinagpaalam niya kasi ako kay Giana na titira na ako sa kanya ay bigla na lang niya inihagis ang isang paso ng halaman kay Yvo. Yung halaman na galing kay Yvo pa iyon. Buti nga nakailag yung tao. Para daw iyon sa pagpapaiyak ni Yvo sa akin.

"Alright! Sige na baka mahuli ka pa sa meeting mo." pagtataboy ko. "Drive safely."

Hinaplos at binigyan niya ng halik ang umbok kong tiyan.

"I'll see you later. Love you!" he gave me a quick kiss on the lips.

"Love you too."

Naglakad na ito sa drivers side ng sasakyan niya. Pumasok lang ako sa loob ng bahay ng makalayo na ang sasakyan nito.

"How's your freedom my dear sister?" bungad ko. Ni hindi man lang ako nilingon. Nakahiga kasi ito at nakatitig lang sa kisame. Mukhang alam niya ako ang dumating kanina. May sarili naman akong susi kaya hindi na ako kumatok pa.

"Great."

"Thats it?"

"Yeah. How's your check up?" umupo na ito ng maayos. Tumabi ako sa kanya.

"Well,its a twins." masayang anunsiyo ko.

"REALLY? Oh my gosh!" tili niya sabay yakap sa akin. "Congrats!"

"Thank you."

"So boys or girls?"

"Its fraternal."

"Im so excited for you ate."

"I know right. I still cant believe it."

"Wait,let me see the scan."

Inilabas ko ang ultrasound copy ko. At ipinakita ko sa kanya kung saan ang paa at mga kamay ng twins ko. We were both laughing while looking at the picture.

"Sa'yo na yan dahil madami pa naman ako copy eh. I know you want it." ibinigay ko sa kanya ang hawak namin kanina na ultrasound.

"Thanks ate. So cute! Hay naku naiimagine ko na ang mga damit na ipapasuot ko sa baby girl mo.At tsaka huwag niyong gagawin na junior si baby boy."

"At bakit?"

"Baka magmana sa Yvo mo na magpapaiyak ng babae paglaki."

Napapailing na lang ako. "Ano ka ba? Bumabawi na nga yung tao eh. Makipag-peace on earth ka na kasi sa kanya.For me,please?" pangungumbinsi ko.

Umirap ito. "Tsaka na kapag ubos na ang mga halaman diyan sa labas."

Napalabi ako. Nagpatuloy pa kami sa pagkwekwentuhan dahil sa hindi na kami masyadong nagkikita. Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas unless kasama ko si Yvo o sa mga bodyguard na inutusan ni Yvo na magbantay sa akin. Iyon kasi ang hiniling niya sa akin. Mas mapapanatag daw siya na magtrabaho kung alam niyang may makakasama ako. I completely understand him dahil na rin sa mga nangyari noon.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon