Chapter 23 Goddamn fight

488K 5.2K 327
                                    

This chapter is dedicated to ading sweety_baby. Hihihi. Im open for dedications..just PM me..or post in MB or in FB. ^_*

 

Graciela's POV

 

Naglalakad na kaming dalawa ni Lexi sa may lobby dahil may pinutahan pa sina Mimi at Julius pagkatapos naming kumain sa mcdo, nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon kaming dalawa at hinanap ang taong tumatawag sa akin.

Nang mahagip ng tingin ko ang palapit na lalaki. Matangkad..mestiso at talagang napakagwapo.He is wearing a navy lacoste polo shirt, black jeans at sneakers. Sinilip ko ang katabing si Lexi...nakatitig lang siya sa lalaki nang nakanganga pa. Siniko ko nga kasi baka langawin na siya kakanganga.

"Ang gwapo girl," bulong niya sakin.

"Baka nakakalimutan mong may boyfriend ka na." bulong ko din na sagot. Inirapan lang naman ako. Pero malaki pa din ang ngiti niyang nakatitig sa lalaki.

Nang makalapit ang lalaki sa amin ay puro kurot ang nakuha ko sa babaing katabi ko dahil kanina pa nagpipigil itong tumili. Palagi ko namang binubulong na may boyfriend na siya. Hahaha...

"Hi," sabi ng lalaki na nakangiti at nakatingin sa akin. Kaya gumanti ako ng ngiti.

Sasagot na sana ako nang nauna si Lexi na magsalita.

"Hello. Ako nga pala si Lexi. Kaibigan ni Graciela." pakilala niya sabay lahad ng kamay dito. Tinanggap naman nung lalaki. "Im Elias Illustre," nakangiting pakilala nung lalaki.

Bumaling si Elias sa akin..."These are for you.." sabi niya, sabay abot sa akin ng isang bungkos ng mixed flowers.

"salamat," sagot ko

Tumili naman si Lexi..."Ayiiiieee...kakakilig naman. Boyfriend ka ba ni Graciela?," tanong ni Lexi.

Nahihiya namang napakamot sa batok si Elias. "Hindi pa," sagot naman niya...na nakatitig sa akin.

"OMG...grabe na to. Namimis ko tuloy si boyfie." kinikilig na sabi ni Lexi. Sinisiko ko naman ito kasi nakakahiya sa mga tao dito sa building eh grabe kung makatili. Parang wala naman itong pakialam. "Nga pala bago ko kayo iwan para magsolo, sama ka sa amin bukas Elias..pupunta kaming club para naman my date itong si Graciela."yaya niya kay Elias. Ayoko man pero si Lexi na ang nagimbita kaya tikom bibig na lang ako.

"Sure... kung okay lang kay Graciela," nakangiting sang ayon niya at tumingin sa akin.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon