Chapter 26 Fast and Furious

468K 5.8K 384
                                    

Dedicated to Rachel... Guluhin niyo siya sa RTIP fb page hihi.

Third person's POV

 "ANO!!!??" singhal na sagot ni Sandra. "Hindi kita pinapunta sa club na iyon para sa wala.. And worst hindi mo pa sinundan???" galit niyang dugtong. Malamang madami na namang basag na gamit niya sa unit niya. Ganon kasi si Sandra pag frustrated siya.

"Sweetie.. Relaaxx.." mahinahong sagot ko.

"Relax??..Sa tingin mo marerelax ako knowing na magkasama sila ngayon!???" hingal na sigaw niya sa kabilang linya.

Napapailing naman ako. I dont know what to do anymore..just to delay things. Kung hindi ko lang siya mahal..hindi ko gagawin ang mga bagay na ito.Hindi ko naman siya mapigilan dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya. At ayokong sumama ang loob niya nang dahil sa akin. Tanga nga siguro ako... pero mas gusto ko nang maging tanga kaysa sa mawala siya sa akin.

Ang sitwasyon namin ni Sandra ang nagpapatunay na .. Love can make you do stupid things.

I love her but she loves somebody else... Akala ko sapat na ang mga ginawa ko para sa kanya nuong nasa France kami pero hindi pa pala. Akala ko mahal niya ako. Akala ko nabura na niya ang Yvo na iyon sa puso niya. Akala ko lang pala lahat ng iyon. I guess..i expected too much...

"ANO?? natahimik ka na dyan?"bulyaw niya na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

I sighed. "alright sweetie.. pero may isa pa tayong problema," sabi ko.

"Sino?" tanong niya.

"Si Kuya..nasa paligid lang siya. Mahal niya ang babaeng kasama ni Yvo," sabi ko.

Narinig ko itong tumawa ng pagak. "Kita mo nga naman ang liit ng mundo..at iisang tali lang pala ang nagdudugtong sa mga buhay natin.."sabi niya.." well..ikaw na bahala dyan sa kapatid mong hibang..gawan mo ng paraan!"sagot niya at binababaan ako ng telepono.

Bumuntung-hininga ako. Im sorry kuya..

Graciela's POV

"Ano ba? Let me go?!" pagpupumiglas ko ngunit walang nangyari at lalo pa nito iyong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.Nang makapasok kami sa elevator ay duon ko nakita ang pagmumukha ng lalaking humila sa akin.

"Y--yvo?" gulat kong sabi.

"Kapag binitawan kita..babalikan mo yung Elias na yun?" galit na sabi niya.

Masama ang pagkakatingin niya sa akin. Nakakatakot.

Binalewala ko yung tanong niya. "Bakit kaba hila ng hila hah? Namumuro kana sa akin!!" singhal ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot. Pagkarating namin sa first floor ay hinila niya ako ulit papunta sa parking area at duon lang niya ako binitawan. Mabuti na lang talaga at nakaflats ako.

Hinihimas-himas ko ang kamay kong mahigpit na hinawakan niya kanina. Ang sakit kaya.

"Get in!" matigas na utos niya pero hindi ako sumunod.

"At bakit?"inis kong tanong at namaywang sa harap niya.."ano bang kailangan mo sa akin SIR? Wala kang karapatang mag-utos sa akin SIR dahil wala na PO tayo sa office SIR!!!" I gritted my teeth. Diniinan ko talaga yung Po at SIR. Naiinis talaga ako sa kanya. Kung maka-utos..akala mo panginoon siya.

Hindi pa din siya nagsasalita..nakatitig lang siya sa akin. Humalukipkip pa siya sa harap ko.

"Hindi ka ba talaga magsasalita?...sige goodnight,, have a safe trip to hell," akmang magwo-walk out na ako nang hablutin niya ang braso ko.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon